LOOK: Simpleng buhay ni Andi Eigenmann ibinahagi niya sa kanyang vlog

LOOK: Simpleng buhay ni Andi Eigenmann ibinahagi niya sa kanyang vlog

Narito ang ilang pasilip ni Andi Eigenmann sa kaniyang simpleng buhay sa Siargao kasama ang kaniyang masayang pamilya.

Andi Eigenmann vlog na nagpapakita ng simpleng buhay ng aktres sa isla ng Siargao ikinatuwa ng mga netizens.

andi eigenmann vlog

Image screenshot from Andi Eigenmann’s YouTube account

Andi Eigenmann vlog

Sa kaniyang pinakaunang vlog ay ipinakita ng aktres na si Andi Eigenmann ang kaniyang simpleng buhay ngayon. Ito ay kasama ang kaniyang mga anak na sina Eli at Lilo. Pati na ang kaniyang boyfriend na si champion surfer Philmar Alipayo.

Nagsimula ang first Andi Eigenmann vlog sa kanilang byahe pabalik ng Siargao mula sa Maynila nitong nagdaang Christmas day. Paglapag nga ng eroplano sa Siargao ay masayang sinabi ni Andi na sila ay nagbabalik ng muli sa itinuturing niyang “home” sa ngayon.

“We are finally here. We are so happy to be home for Christmas. This is the land of the coco. Back to our island life.”

Ito ang mga salitang masayang binanggit ni Andi habang bitbit ang kaniyang cute na anak na si Lilo.

Simpleng buhay ni Andi sa Siargao

Sinundan ito ng iba pa nilang daily activities sa Siargao Tulad nalang ng pagkain ng agahan, pagsakay ng tricycle, pagpunta sa grocery at paglalakad sa beach para mag-spend ng time kasama ang kanilang mga kaibigan.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Nagbigay din si Andi ng sneak peek sa kanilang ginagawang bahay/B-n-b o bed and breakfast hotel.

Ayon pa nga aktres ay napakasaya niyang makita na unti-unti na itong natatapos. Lalo pa’t ito ay bunga ng kanilang pinaghirapan ng boyfriend na si Phimar Alipayo.

“Little by little. Hinay-hinay. I’m so happy, we worked hard for this.”

Ito ang mga nasabi ni Andi habang ipinapakita ang kanilang bahay na halos malapit ng matapos.

Reaksyon ng mga netizens sa first Andi Eigenmann vlog

Sa first Andi Eigenmann vlog ay makikita kung gaano kasaya ang aktres sa kaniyang simpleng buhay. Masaya at hinangaan naman ng kaniyang mga followers at fans ang pag-eenjoy ni Andi sa simpleng buhay niya na ito. Sa katunayan mula ng mai-upload sa YouTube ang unang vlog ni Andi noong December 30 ay mayroon na agad itong 198,000 subscribers. At mayroon ng lagpas 1.6 million views sa ngayon.

andi eigenmann vlog

andi eigenmann vlog

Image screenshot from Andi Eigenmann’s YouTube account

Mensahe ng pasasalamat ni Andi

Pinasalamatan naman ni Andi lahat ng sumuporta sa kanilang vlog at pinangakong ipagpapatuloy pa ito.

Ilan nga sa gusto niyang i-feature ay kung paano niya inaalagaan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagiging healthy at fit. Pati na ang kaniyang parenting life at syempre ang kaniyang simpleng buhay sa ngayon na inaasahan niyang maka-inspire at magpasaya ng mga kaniyang taga-subaybay. Sa kaniyang latest Instagram post ay ito ang mga nasabi ng aktres.

andieigengirl

EEEEP!! I am smiling from ear to ear because our first ever vlog has reached 1M views in 3 days! We are super grateful! Thank you for all the love for me, @chepoxz and my children. We are even more excited to give you a glimpse of our family and our isla life! Along with it, we also plan to share what we do in terms of simple self care, health & fitness and parenting. We also hope that through our videos, we are able to inspire others to live a simple, happy, yet most of all, an eco conscious life!🌸
(Link to our Youtube channel is in my bio)

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Taong 2018 ng simulang i-enjoy ni Andi ang kaniyang buhay sa probinsya ng Siargao kasama ang kaniyang panganay na anak na si Ellie, 8, kay Jake Ejercito. Sinundan ito ng pagbubuntis at pagsilang niya sa kaniyang pangalawang anak na si Lilo, 5 months old, sa boyfriend na si Philmar Alipayo.

Panoorin ang first ever Andi Eigenmann vlog dito.

Basahin: LOOK: Newborn photo shoot ng anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner