Isa sa mga kilala sa larangan ng showbiz si Andrea Brillantes. Sa isang interview ay ibinahagi ni Andrea Brillantes ang kaniyang pinagdaanan noong siya ay bata pa, pati na rin ang kawalan niya ng father figure.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Childhood ni Andrea Brillantes
- Kondisyon ni Andre Brillantes na anosmia
Andrea maagang nagtrabaho para sa pamilya
Sa interview ni Andrea Brillantes kasama si Karen Davila na makikita sa YouTube channel ng mamamahayag, ibinahagi ng aktres ang kaniyang childhood. Ikinuwento rin ni Andrea kung papaano siya pumasok sa showbiz industry.
Matapos nito, tinanong ni Karen si Andrea, kung ano ang kanilang buhay, kung mahirap ba.
Sagot ni Andrea, “Yes po, actually sa squatters lang din talaga kami nakatira before. Pero may work naman both parents ko dati, pero lumaki kasi talaga ‘ko sa grandparents ko hanggang 5 years old yata ako”
Saad pa ni Andrea, hindi naman siya laking yaman.
“Masaya naman siya, simple lang po kami. May mga times na sobrang hirap na magbebenta ng mga gamit, pero may times naman na hindi. Hindi talaga kami, hindi ako talaga laking yaman.”
Sumang-ayon din si Andrea nang sabihin ni Karen na sampung taon pa lang siya noong sinusuportahan niya ang kaniyang pamilya. Dagdag pa ni Andrea, ang naging mahirap para sa kaniya, siya ang bunso at mga bata rin ang kaniyang mga kapatid at tila hindi pa alam ng mga ito na siya ang bumuhay sa kanila.
Ikuwento pa ni Andrea Brillantes ang tungkol sa kanilang tuition, aniya ang tuition ng kaniyang mga kapatid ay mula sa family ng kanilang father. Pagbabahagi pa ni Andrea, “Yong struggle ko dati, since bata sila ‘di pa nila alam kung gaano kahirap kumita ng pera. Ako kasi bata pa lang ako, naranasan – namulat na ‘ko na ang hirap kumita ng pera.”
“Sobrang nawalan po ako ng childhood don eh, kasi ang dami kong sinacrifice.”
Aniya may mga dream school siya na kaya naman niya pero kapag itinuloy niya, magugutom sila, kaya isasakripisyo niya ang kaniyang ibang pangarap.
Andrea Brillantes sa kawalan ng father figure
Tinanong din ni Karen si Andrea kung sa tingin ba nito’y nag-mature siya ng maaga dahil sa mga responsibilidad na naiatang sa kaniya.
“Opo, pero dati litong-lito ako kasi ang aga ko nagdalaga. Tapos nung nag-15 ako, parang nagkaroon ako ng breakdown na, ‘hala, five years na lang twenty na ko’. So iyak ako nang iyak ta’s nung nag-15 ako, bumalik ulit ako sa pagkabata kasi natakot ako. Sabi ko, ‘ayoko, ayoko.’”
Nabanggit din ni Andrea ang tungkol sa kaniyang pag-baby talk, aniya boses niya talaga ito at hindi ito yung napipili niya subconsciously, bigla lamang ito nagsi-switch. Dagdag pa niya, kulang din siya sa pansin noong bata pa siya.
“Nung bata ako, kulang din ako sa pansin kasi nga bunso ako. Hindi ako lumaki sa parents ko, baby-baby talaga ‘ko dati-dati pa.”
Kwento pa niya, ang pagka-baby voice niya, minsan ay maganda at hindi. Paliwanag pa ni Andrea Brillantes, minsan lalabas ito kapag kumportable siya sa tao o ‘pag may nakikita siyang father, kuya o ate figure sa isang tao.
Dagdag pa ni Andrea Brillantes, lumaki siya sa broken family kung kaya wala siya masyadong father figure at maaga rin namatay ang kaniyang lolo na kaniya ring father figure. Ani ni Andrea, kapag nakakakita siya ng ganoon, lumalabas ang kaniyang pagbe-babytalk, dahil sa pakiramdam na maaalagaan siya nito.
Saad pa ni Andrea, lumalabas din ito kapag masyado siyang excited, masaya at minsan kapag hindi siya kumportable sa tao. Aniya, hindi niya napipili at nari-realize niya na lang kapag inaasar siya ng mga tao.
Ika pa niya, bumabalik at bumabalik talaga ito at nababago niya lang kapag may role siya. Para pa kay Andrea, “So feeling ko part talaga siya ng childhood ko na nawala.”
Kondisyon ni Andrea Brillantes na Anosmia
Sa interview rin tinanong ni Karen si Andrea kung totoo bang diagnosed ito ng Congenital Anosmia, sinang-ayunan naman ito ng aktres. Ani pa ni Andrea, “Wala po akong pang-amoy at all”.
Kwento pa ni Andrea, nalaman niya na wala siyang pang-amoy dahil sa sa kaniyang daddy.
“Do’n ko actually nalaman, kasi inutuan ako ni Daddy dati tapos silang lahat hinihintay ‘yong reaksyon ko. Ta[ps sabi ko, ‘ano?’ ta’s do’n ko nare-realize ‘hala, may mali ba sa’kin.’”
Pagpapatuloy pa niya, marami pabango ang kaniyang ate, dahil ito ang hilig nito. Kwento niya, pumunta siya sa cabinet nito at nagspray nang nag-spray, umiinit na ang kaniyang leeg ay wala pa rin siyang naaamoy.
“Ang meron lang ako, sensation. Kapag may alcohol, ‘yong rubbing alcohol, ‘yong parang lalamig. ‘Yon lang, mga cooling-cooling pero amoy po, wala talaga.”
Maging sa mga pagkain at bulaklak, wala ring pang-amoy ang aktres. Aniya pa, kulang pa rin ang kaniyang five senses at hindi pa rin niya nararanasan ang mundong nararanasan ng iba. Pagbabahagi pa ni Andrea, mahilig siya sa pabango, ang ate at kasintahan niya ang nagpapaliwanag kung ano ang amoy.
Nang mapag-usapan ang panlasa, saad ni Andrea, kumpleto ang kaniyang panlasa. “Sakin po kumpleto naman, pero hindi ko po masasabi kasi pinanganak akong ganto. So hindi ko mako-compare kung anong natitikman niyo sa natitikman ko. So hindi ko alam if kulang yung sa akin, pero sabi nila ate kulang. Kaya daw ako mahilig sa mga sobrang maasim, maalat, sweet.”
Tinanong pa ni Karen si Andrea kung tingin ba nito’y pinanganak siyang ganoon, ani ni Andrea, “Yes po, wala po talaga akong memory ng kahit na anong amoy… wala po talaga.”