Karen Davila very proud sa talent at accomplishment ng eldest son si David na differently-abled.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Gaano ka-proud si Karen Davila sa eldest son niyang si David
- Paano pinalalaki ni Karen Davila ang anak niyang may special needs
Karen Davila proud sa accomplishment at talent ng eldest son niyang si David
Malamang marami sa inyo ang kilala lang si Karen Davila bilang isang broadcaster at journalist. Pero sa likod ng camera, si Karen ay isang ina sa dalawang batang lalaki. At ang isa dito, ang panganay niyang si David na 20-anyos na ngayon ay na-diagnose na may Autism Spectrum noong tatlong taon palang ito.
Sa kabila nito ay very proud si Karen sa anak niyang si David. Patunay na nga rito ay ang exhibit na kinabilangan ng anak kung saan itinampok ang mga paintings nito.
Ang naturang exhibit at paintings ng kaniyang anak proud na ibinahagi ni Karen kahapon sa kaniyang Instagram account. Ayon pa kay Karen, ang naturang exhibit ay parte ng Visual Arts course na pinasukan ng anak sa The Vanguard Academy.
View this post on Instagram
Si Karen proud na ibinabahagi ang accomplishment na ito ng anak. Dahil sa pamamagitan nito ay umaasa siyang magiging inspirasyon sila ng anak niyang si David sa iba pang mga mga magulang na nakakaranas ng parehong sitwasyon.
“BRAVO DAVID. Sharing with all of you some of David’s paintings from his art exhibit as he caps his first year of taking a special Visual Arts course from The Vanguard Academy!
“It makes me so proud to share David’s journey & his accomplishments because I know it will inspire other mothers with gifted & special kids to believe, commit & invest in developing their child!”
Ito ang sabi pa ni Karen.
Dagdag pa ni Karen, ang naging exhibit ng paintings ng anak niyang si David at iba pang works ng mga kaklase nito ay for a good cause rin. Dahil ang kikitain nila sa exhibit ay ido-donate nila sa charity para makatulong sa mga kapus-palad.
“PROUD OF YOU DAVID. David and his classmates are closing the year with their first art exhibit – and for a good cause!
These are all @iamdavidstaana’s paintings & sculptures but his classmates have beautiful works as well! For all of you who know David’s journey – you know how powerful a testimony this is of God’s grace & goodness!
All proceeds of the artworks & photographs will go to the MISSIONARIES OF THE POOR!”
BASAHIN:
Hasna Cabral sa pagkakaroon ng 2 anak na may autism: “Walang halong kaplastikan, nagko-compare ako sa kids na iba.”
Aubrey Miles sa pagkakaroon ng anak na may autism: “Yes, it’s mental but not a problem.”
REAL STORIES: “Lumalala ang meltdowns, self-harming at pananakit ng anak ko—senyales na pala ito ng autism”
Paano pinalalaki ni Karen Davila ang anak niyang may special needs
Sa isa pang hiwalay na Instagram post, ibinahagi ni Karen kung paano siya na-inspire ng anak niyang si David. Ibinahagi niya rin ang sikreto kung paano niya nailalabas ang best ng anak niyang si David sa kabila ng nararanasan nitong kondisyon. Ang sabi ni Karen, early intervention ang pinakasusi para magawa ito.
“My son David has taught me unconditional love, kindness & compassion in my daily life. He is a living testimony of God’s grace.
I hope this inspires all the parents out there who have kids with special needs – believe they can be more. You can unlock their potential! Early intervention is key – including the right diet & biomedical treatment.”
Ito ang sabi pa ng kilalang broadcaster.
Na-diagnose na may autism ang eldest son ni Karen Davila na si David noong ito ay tatlong taong gulang pa lang. Kuwento ni Karen sa isang panayam ay labis siyang nabigla noong malaman ang kondisyon ng anak. Ang akala niya nga noon ay katapusan na ng lahat.
Pero dahil narin sa linya ng trabaho niya, ginawa niya ang lahat at nag-research ng mga paraan para matulungan ang anak at ma-treat ang kondisyon nito. Doon niya nga natuklasan ang halaga ng pagbibigay sa mga batang may special needs ng tamang diet at biomedical treatment.
Karen at kaniyang mister magkatulong sa pag-aalaga at pag-gabay sa anak nilang si David
Kamakailan lang ay proud ring ibinahagi ni Karen Davila na naka-boto na for the first time si David nitong nakaraang eleksyon.
Pagbabahagi pa ng broadcaster sa isa niyang Instagram post, ang paggabay at pagtuturo sa anak niyang si David ay tulungan nilang ginagawa ng kaniyang mister na si DJ Sta. Ana. Si DJ ay isa ring newscaster.
Sabi pa ni Karen, napaka-halaga ng ginagampanang papel ng mga magulang na tulad niya sa buhay ng mga batang may special needs.
Kung maaga daw na maibibigay ang needs nila ay matutulungan silang mamuhay ng tulad ng normal na bata. Isang pinaka-magandang regalo na maibibigay ng isang magulang sa kaniyang anak na may espesyal na pangangailangan.
“As a mom of a special child, it makes me SO GRATEFUL and HAPPY that David is aware, concerned and very present in the moment! Kids in the Autism Spectrum can live better lives if parents intervene early! As a parent, this is the best gift we can give them!”
Ito ang sabi pa ni Karen Davila na very proud mom sa eldest son niyang si David na may autism.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!