TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Hasna Cabral sa pagkakaroon ng 2 anak na may autism: “Walang halong kaplastikan, nagko-compare ako sa kids na iba.”

5 min read
Hasna Cabral sa pagkakaroon ng 2 anak na may autism: “Walang halong kaplastikan, nagko-compare ako sa kids na iba.”

Sabi pa ni Hasna understatement ang salitang mahirap sa kondisyon nila ng mga anak niya. Pero super proud siya dahil nakakayanan nila ito at nagsu-survive sila.

Hasna Cabral ibinahagi ang struggle niya sa pagkakaroon ng two kids na may autism. Ayon pa kay Hasna, hanggang sa ngayon ay hindi niya paring lubos na napapatawad ang kaniyang sarili ng pagtakaan niyang lasunin ang mga anak niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Ang struggle ni Hasna Cabral sa pagpapalaki ng kaniyang two kids na may autism
  • Mensahe ni Hasna sa mg magulang na tulad niya ay may anak na may autism

Ang struggle ni Hasna Cabral sa pagpapalaki ng kaniyang two kids na may autism

hasna cabral kids

Image from Hasna Cabral’s Instagram account

Si Hasna Cabral ay nakilala sa programang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Pero mas umingay ang pangalan niya ng wala niyang takot na ikuwento ang buhay niya sa vlog ng kilalang TV host na si Toni Gonzaga. Si Hasna ay may dalawang anak na sina Bash, 11-anyos at Baste, 8-anyos na parehong na-diagnose na may autism.

Sa vlog ni Toni  ay idinetalye ni Hasna kung paano niya pinagtangkaang lasunin ang dalawa niyang anak na mayroong autism. Ito rin ang mga panahon na kung saan iniwan si Hasna ng pangatlong lalaking minahal niya at pinakasalan siya.

“Kailangan mawala muna ‘yong mga anak ko. Hindi ko sila puwedeng iwan sa nanay ko, sa mga kapatid ko dahil hindi nila kaya. Kasi ako nga nanay, hindi ko kaya eh.”

“So kailangan mawala kami as a family. Kailangan muna mamatay sila then after nila ako naman.”

“Hindi ko kayang patayin ‘yong mga anak ko. Yun ‘yong least na magagawa ko, nagluluto ako nilalagyan ko ng insecticide.”

Ito ang pagkukuwento noon ni Hasna sa ginawa niyang pagtatakang lasunin ang mga anak niya. Pero sa awa ng Diyos hindi ito natuloy. Nakapag-isip-isip si Hasna at hindi itinuloy ang masamang binabalak niya.

Sa ngayon, base sa panayam sa kaniya ng broadcaster na si Karen Davila ay hindi niya parin napapatawad ang kaniyang sarili sa nagawa niya sa anak.

“Hanggang ngayon I am learning to forgive myself. I almost killed them so parang trauma ko narin sa sarili ko na I got to that point na mahal na mahal mo ‘yong anak mo bakit mo sasaktan. Emotionally unstable talaga ako nun.”

Hasna umaming minsan ay hindi niya mapigilang mainggit sa ibang magulang na may normal na anak

hasna cabral with daughter bash

Image from Hasna Cabral’s Instagram account

Kuwento ni Hasna, sa pagkakaroon ng dalawang anak na may autism ay understatement ang salitang mahirap. Noong una ay marami siyang tanong at higit sa lahat ay galit sa buhay na mayroon siya.

Partikular na ang paninisi sa mga ninuno niya dahil ayon sa pag-aaral ang autism ay 80% na namamana bagamat hindi pa tukoy ang inheritance pattern nito.

“Talagang maraming punto sa buhay ko na nagalit ako sa parents ko. Parang bakit nagkaganito yung mga anak ko. Alam mo ‘yong gusto kong hanapin yung mga lolo at lolo ko para awayin sila. Galit talaga ako sa mundo tapos nahihiya ako sa situation namin.”

Ito ang sabi pa ni Hasna.

Dagdag pa ni Hasna, noong una ay ikinahihiya niya ang sitwasyon nila. Lagi siyang nagpe-pretend na happy family sila sa social media. Bagamat sa puso niya ay may inggit siya sa mga magulang na may normal na mga anak.

“Every day nagwo-worry ako na paano kami. Hindi ko kayang itago e. Nahihiya, natatakot, galit. When people asked me, Kamusta kayo ng kids? We are happy family.”

“Lalo na sa mga friends ko, minsan kapag nag-scroll ako sa Facebook lalo pag March nakikita ko yung mga anak nila may awards. Walang halong kaplastikan pero talagang ang hirap na nag-cocompare ako sa kids na iba. Paano ba naman ako wala akong maipagmalaking anak.”

Pero kuwento pa ni Hasna, ang pinakamahirap sa pagkakaroon ng anak na may autism ay ang marami sa atin ang hindi aware sa kondisyon na ito. Kaya naman karamihan ng mga batang may autism ay nabu-bully tulad ng nangyari sa anak niyang si Baste.

BASAHIN:

Actress Hasna Cabral tinangkang lasunin ang mga anak: “Kailangan mawala muna ‘yong mga anak ko. Hindi ko sila puwedeng iwan.”

Aubrey Miles sa pagkakaroon ng anak na may autism: “Yes, it’s mental but not a problem.”

REAL STORIES: “Lumalala ang meltdowns, self-harming at pananakit ng anak ko—senyales na pala ito ng autism”

Mensahe ni Hasna sa mga magulang na may anak na mayroong autism

hasna cabral with son baste

Image from Hasna Cabral’s Instagram account

Kuwento pa ni Hasna, minsan ay nakaligtaan niya ng isara ang pinto. Habang siya ay busy sa paglalaba, nakalabas pala ng bahay ang anak niyang si Baste.

Hinanap niya ito at nakitang pinagsasampal na ito ng ibang bata. Si Baste masaya at nakangiti pa daw sa ginagawa sa kaniya.

“Paglapit ko may grupo ng bata na neurobiology. Nakabilog sila kay Baste tapos sinasampal nila isa-isa si Baste. Kasi pag sinampal mo si Baste hindi siya mag-rereact. Tatawa pa siya kasi akala niya its play, its game. So ‘yong mga batang mas matangkad sa kaniya habang sinasampal si Baste salitan natatawa sila kasi pagsampal mo tatawa si Baste.”

Ito daw ang sitwasyon kung saan labis na naawa si Hasna sa kondisyon ng anak niya. Kaya naman mula noon ay ipinangako niya sa sarili na hindi na muli itong mararanasan ng anak. Una syempre sa pamamagitan ng pagtanggap sa kondisyon nila at ang maging instrument na ipaintindi sa iba ang kanilang nararanasang sakit.

Si Hasna ito ang mensahe sa mga magulang na tulad niya ay may anak na may autism.

“If you need help, wag kang matakot mag-seek ng help sa mga tao sa paligid mo. It takes a village to raise a child e, totoo ‘yon talaga. Every time na mabubully yung anak mo, everytime na mangyayaring masama or may encounter ka na feeling mo inaapi kayo take it a chance or an opportunity to spread awareness.”

YouTube

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Hasna Cabral sa pagkakaroon ng 2 anak na may autism: “Walang halong kaplastikan, nagko-compare ako sa kids na iba.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko