Aubrey Miles ibinahagi sa publiko na may autism ang daughter at youngest child nila ni Troy Montero na si Rocket. Umamin din ang aktres na noong una ay hindi alam ang gagawin at maraming tanong sa naging kondisyon ng anak niya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Aubrey Miles ibinahaging may autism ang only daughter niyang si Rocket
- Paano hinaharap ni Aubrey Miles at Troy Montero ang kondisyon ng anak nila
- Mensahe ni Aubrey sa mga magulang na may autism ang anak
Aubrey Miles ibinahaging may autism ang only daughter niyang si Rocket
Image from Aubrey Miles Instagram account
Sa kaniyang Instagram account ay may revelation ang aktres na si Aubrey Miles tungkol sa only daughter niyang si Rocket. Ayon kay Aubrey, ang 3-year-old girl nila sa pamilyang si Rocket ay na-diagnose na may autism.
At ngayon lang nila ito isinasapubliko dahil noong una ay gulong-gulo sila at maraming tanong sa kondisyon na tinataglay ng kanilang unica hija sa pamilya. Kaya naman, ang unang hakbang nilang ginawa ay humanap ng espesyalista na makakapagpaliwanag sa kondisyon ni Rocket.
“Autism awareness for Rocket. Yes, our Rocket has ASD, Autism spectrum disorder. We didn’t share this right away because we are still learing about ASD. It was important for us to educate ourselves about it.”
“At first we were confused, and questioned ourselves, how and why. We searched around to for an ASD specialist before anything else.”
Ito ang bungad in Aubrey sa kaniyang Instagram post.
View this post on Instagram
Mga sintomas ng autism na nakita ni Aubrey sa anak niyang si Rocket
Dagdag pa ng aktres, nagsimula sila na mag-isip na may kakaiba sa anak dahil sa mga kinikilos nito. Sa edad daw ni Rocket na tatlo ay may delay parin ito sa pagsasalita. Hirap rin itong makipag-communicate at magkaroon ng eye contact sa mga taong nakakaharap niya.
Paulit-ulit din daw ito sa ilang bagay na ginagawa niya. At kaya niyang mag-focus sa iisang bagay lang sa loob ng maraming oras.
Ang mga nabanggit daw ang mga sintomas na napansin nila Aubrey sa anak na naging dahilan para dalhin nila ito sa espesyalista at tukuyin kung ano ba talaga ang pinagdadaanan niya.
Doon nila nalaman na may autism ang anak at sinabing taliwas sa inaakala ng iba ito ay hindi mental problem at maaring maiba-iba ang sintomas sa kada bata.
Image from Aubrey Miles Instagram account
Sa kaso daw ni Rocket tulad ng ibang batang may autism ay loner ito. Pinapalakpak o nag-flap ito ng kamay sa tuwing may nagugustuhan na bagay. At mabilis na magbago ang emotions nito into extremes sa mabilis na sandali.
Pero mariin na sabi ni Aubrey hindi ibig sabihin nito na may mental problems na ang anak. Sa ngayon daw ay hindi lang nito kaya pang i-control ang emotions niya tulad ng iba pang bata na nakakaranas rin ng parehong kondisyon.
“Some people might think someone with autism acts crazy, has mental problems, physical issues and other stuff. Yes, it’s mental but not a problem, yes can be physical but it’s not an issue and definitely not crazy.”
“There’s a lot more for other kids I’m sure, but so far these are the things we see from Rocket. Autism is always present, in many ways. There’s no proven reason that’s 100% why kids get autism. It can just happen.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “Lumalala ang meltdowns, self-harming at pananakit ng anak ko—senyales na pala ito ng autism”
Candy Pangilinan sa pag-handle ng tantrums ni Quentin: “We talk to them as calmly as possible.”
6 notes kung paano alagaan at palakihin ang batang may autism
Paano hinaharap ni Aubrey Miles at Troy Montero ang kondisyon ng anak nila
Hindi man nila maipaliwanag pa kung paano nagkaroon ng autism ang anak ay ginagawa nila ang lahat para mamuhay ito ng normal. Sa ngayon si Rocket daw ay sumasailalim ito sa therapy para umayos ang kondisyon niya.
“Rocket is taking ST (Speech therapy) and OT (Occupational therapy) basically OT is learning activities that she will encounter in her daily life.”
Si Aubrey may mensahe rin sa mga magulang na tulad niya ay may anak na nakakaranas ng kondisyong autism. Sabi ni Aubrey bagamat nakakatakot sa simula may maari naman daw gawin para matulungan ang anak nila.
Ang unang hakbang ay pumunta sa mga tao o espesyalistang makakatulong para maunawaan nila ang kondisyon ng anak. At humanap ng mga support groups na maaring mapagtanungan at gagabay sa kanila.
Higit sa lahat ang isailalim sila sa therapy na kakailanganin nila para maibsan ang sintomas ng autism at makapamuhay ng normal sa araw-araw.
Mensahe ni Aubrey sa mga magulang na may autism ang anak
Ayon kay Aubrey, sa ngayon ay nasa step parin sila ng pagkatuto at pag-uunawa sa kondisyon ng anak. Pero hindi nila ito susukuan at gagawin ang lahat ng makakaya nila para matulungan ang anak pati na iba pang bata na tulad nito.
“It’s possible for first time parents to think it’s the worst thing that can happen to their baby. It’s surely can be scary and who knows what the future holds but definitely not the worst.”
“You just need to know where to go, what you’re dealing with, finding the right therapist, the right support groups and lots of love. We’re still in the process of learning. It’s going to be a long ride.. #rocketASDjourney.”
Ito ang sabi pa ni Aubrey Miles tungkol sa kondisyon ng only daughter niyang si Rocket.
Image from Aubrey Miles Instagram account
Si Rocket ay ang bunsong anak nina Troy Montero at Aubrey Miles. Maliban kay Rocket ay may anak silang nagngangalang Hunter, 13-years old.
Nasa poder din nila ang anak ni Aubrey na si Maurice, 21 years old. Siya ay anak ng aktres sa dating karelasyon nito na si JP Obligacion.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!