Paano alagaan at palakihin ang batang may autism? Narito ang kwento ng isang ina, patungkol sa pagpapalaki sa kaniyang anak.
6 notes kung paano alagaan at palakihin ang batang may autism
1. Iba ang pagproseso niya ng experience at bagay na pumapasok sa kanyang mga pandama.
Sa atin, naiimbak sa memory. Sa kanya, hindi lahat. Saan napupunta ang iba niyang danas? Hindi ko alam. Ang utak natin ay parang pag-akyat sa hagdan, araw-araw, pataas nang pataas ang ating alam.
Kay Dagat (ang aking anak na 6 years old), hindi. May mga danas siya na posibleng mamasyal sa loob ng utak for a few days or months or years, pero hindi rin tutuloy sa memory.
Paano nga ba alagaan ang batang may autism? Isang kwento ng isang ina. | Larawan mula sa author
Kaya minsan, may itinuro ka na sa kanya, na-develop na ang skill. Pero, dyeggeng, isang araw, ‘di na niya ito kayang gawin. O kaya ay ‘di na niya ito ma-articulate.
Dahil wala sa kanyang memory. Kaya siguro, napaparatangan na isip-bata ang autistic na katulad niya, dahil, hindi nga laging “nagtatanda.”
Ang challenge ay malaman agad kung ano ang mga ito. Kailangang ituro sa kanya ulit ang mga bagay na hindi naimbak sa kanyang memory. Kung kailangang from the top, from the top. At posibleng paulit-ulit talaga, kahit hanggang malaki na siya.
2. Pero ang good news ay napaka-sharp naman once na ma-retain ang isang bagay sa kanyang alaala.
Noong maliit pa si Dagat, nagulat kami ni Poy (ang asawa ko) nang minamanduhan na niya ang driver ng pedicab. Sasabihin niya pagpasok ng pedicab, San Rafael po.
At sa kanto kung saan dapat lumiko papunta sa amin, sasabihin ni Dagat, kaliwa po. Ibig sabihin, natatandaan niya ang lugar, ang sitwasyon, at ang tunog tungkol sa mga eksaktong sandali ng biyahe pauwi, kahit hindi ito itinuro sa kanya.
3. Mapapatawa ka sa kaniya
Kapag natutuwa siya, halimbawa, sa isang pinanonood, ipapahid niya ang mga daliri sa dila at saka ipapahid ang daliri sa hita. Eeew hahaha. At saka may sense of humor si Dagat! Alam niya ang konsepto ng joke. Ang paborito niya noon ay ito:
Ako or si Poy: What is your father’s name?
Dagat: Ro… Ro… lotion!
At sabay-sabay kaming hahalakhak!
Larawan mula sa author
4. Mahusay na siyang magbasa.
Kaya lang ay mas matatas siya sa Ingles, dahil ito ang wika sa kanyang mga speech at occupational therapy session. Ang paboritong libro ni Dagat ay We are going on a bear hunt at ang serye ng libro ni Anna Kang.
Ilang milyong beses na niya itong binasa. At kaya na niyang i-recite ang mga ito from memory. Mayroon din siyang isang boxed set ng books para sa nag-uumpisang independent reader.
Nasa 50 maninipis na aklat ito. Nabasa na niyang lahat pero isa ang paulit-ulit niyang binabasa. Favorite niya rin siguro iyon.
BASAHIN:
8 signs na maaaring may autism ang baby
6 things na dapat mong malaman tungkol sa AUTISM
“My son isn’t a threat to others” Says Father Of Boy Who Has Autism Who Got Kicked And Pushed At Indoor Playground
5. Mayroon siyang tatlong teacher/therapist ngayon.
Larawan mula sa author
Si Teacher Leb na since nag-umpisang mag-therapy si Dagat ay kasama na namin, for occupational therapy siya, face to face noon, pure online ngayon, si Teacher Angel, for speech naman, once or twice lang nag-f2f, tapos nagka-lockdown kaya pure online na; at si Teacher Mica, for occupational therapy din, pure online noon, ngayon ay f2f, nagpupunta ito sa bahay namin.
May iba pang naging therapist si Dagat, like si Teacher Van, na naoperahan sa voice box kaya di na nakapagpatuloy noong naroon kami sa Paslit Center, si Teacher Dada, na pinatigil ni Papa P (ang asawa ko).
Nagtalo sila sa mga salita na ginagamit nito sa assessment, na nangyayari every after session, at isa pang batang therapist sa Paslit Center, na humahalili sa tunay na therapist ni Dagat kapag absent ito. Lahat sila, naging bahagi ng growth ni Dagat kaya… salamat, salamat.
6. Since lockdown ay online ang mga therapy ni Dagat.
Nakapag-adjust siya dahil sa tiyaga ni Papa P. Nang una ay hindi nakaka-concentrate si Dagat, hindi nakakaupo nang matagal, maraming nasasayang na oras, (per ora pa naman ang bayad!!!).
Pero tyinaga ito ni Papa P. Sinubukan niya lahat. Example, sa baba sila noong una, sa computer ni Papa P. Kaya lang ay nadi-distract si Dagat, tumatayo sa upuan, tumatakbo, maglalaro, magkakalikot ng ibang gamit. Umakyat sila, at ginamit ang isang kuwarto, confined na confined, kumbaga.
Hoping si Papa P na liliit din ang kalikutan ni Dagat. Kaso wala namang computer sa kuwartong iyon. Sa cellphone na lamang nag-therapy ang bata.
Kaya ‘di rin ito nagtagal, maliit ang monitor, maliit ang therapist. Hindi effective. Bumaba uli sila for the next sessions, nadi-distract naman si Dagat kay Ayin (ang aking isa pang anak).
Larawan mula sa author
Trick na ginawa namin
Kaya mula noon, dinadala na si Ayin (ang aking isa pang anak) sa katabing bahay (na ate ni Papa P) kapag may therapy si Dagat. Sinubukan din ni Papa P ang gumamit ng earphones.
Kaso si Dagat lang ang nakakarinig. Kaya for the next sessions, bumili si Papa P ng pandalawa. Nang mapansin ni Papa P na mas ganado si Dagat kapag naririnig agad si Dagat ng therapist, bumili siya ng mikropono. For a time, nagagamit ito at nakadagdag nga ng gana. Pero nanawa rin si Dagat.
Dinagdagan naman ni Papa P ang kanyang monitor, para isang buong screen ang mukha ng therapist at sa kabilang screen naman ang activities na pinagagawa sa bata.
Sinubukan din ni Papa P na may cellphone na nakatutok lang sa kamay ni Dagat para namo-monitor ng therapist ang ginagawa nito. Try and try ang peg, hanggang sa makagamay ang bata. Ngayon, iyan ang set up for online, at mayroon na ring face to face!
Belated Happy Birthday kay Dagat at Belated Happy Father’s Day kay Peppa P, ang aking asawa!
Orihinal na nailathala sa Facebook account ni Beverly Wico Siy. Si Beverly Wico Siy ay isang premyadong manunulat.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!