X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

6-anyos na bata nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro

3 min read
6-anyos na bata nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro

Ang naging testigo sa naganap na insidente ay ang anak ng suspek at kalaro ng biktima.

Bata binugbog ng nanay ng kalaro, aagaw buhay ngayon sa ospital. Alamin dito ang buong kuwento.

Bata binugbog ng nanay ng kalaro

Nakikipaglaban sa kaniyang buhay sa ospital ang isang batang babae ngayon mula sa Caloocan City. Ang bata na nagngangalang si Elisha, anim na taong gulang ay nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro.

Ayon sa report ng pulisya, ang mismong kalaro ng biktima ang nagkuwento at tumayong witness sa nangyaring insidente. Kwento ng kalaro ng biktima pumunta sa kanilang bahay si Elisha para makipaglaro. Habang naglalaro bigla nalang dumating ang kaniyang ina.

“According to the statement of the witness, pumasok daw ‘yung mama niya and then, no apparent reason, inuntog-untog daw ‘yung kalaro niya sa bowl. Apat na beses then, binuhat at inuga-inuga.”

Ito ang pahayag ni Police Captain Romel Caburog ng Hillcrest Police Sub-Station base sa statement ng batang witness.

batang binugbog ng nanay ng kalaro

Reaksyon ng pamilya ng biktima

Nanlumo naman ang pamilya ng batang biktima dahil sa dinanas nito. Hindi sila makapaniwala na nagawa ang ganitong karahasan sa kaawa-awang bata.

“Halos hindi ko makilala ‘yung pamangkin ko kasi namamaga ‘yung mukha, namamaga ‘yung mata. Tapos ang daming pasa.”

“Nakakapanlumo kasi hindi nga namin sinasaktan ‘yung bata tapos ganu’n ‘yung gagawin sa kanya.”

Ito ang sabi ng tiyahin ng biktima sa isang panayam.

Dagdag na impormasyon mula sa mga pulis, ayon sa nanay ng suspek ito daw ay may mental disorder. Isa sa tinitingnan dahilan upang magawa niyang bugbugin ang nasabing bata.

Advertisement

Paano masisiguro ang kaligtasan ng iyong anak sa tuwing makikipaglaro sa labas ng inyong bahay

mga batang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang

Para maiwasan na mangyari ang ganitong karahasan sa iyong anak, narito ang ilang hakbang na dapat mong gawin:

  • Turuan ang iyong anak ng mga basic na alituntunin sa kaligtasan. Tulad ng pag-stay lang sa isang lugar na alam mo o pinagiwanan mo sa kaniya.
  • Paalalahanan ang iyong anak na huwag basta sumama sa hindi nila kakilala.
  • Kausapin ang anak na sabihin agad sa iyo o sa ibang mapagkakatiwalaang matanda kung may hindi maganda o komportableng nangyari.
  • Bantayan ang iyong anak sa tuwing naglalaro. O kaya naman ay bisitahin o i-check sila ng regular para masigurong ligtas sila.
  • Panoorin kung paano nakikipaglaro ang iyong anak sa ibang bata. Bantayan ang mga senyales ng bullying, agresibong asal, o pag-iwas sa kanila.
  • Kilalanin ang mga bata na kalaro ng iyong anak at ang kanilang mga magulang. Makakatulong ito sa pagbuo ng mas ligtas na kapaligiran.
  • Ipaliwanag sa kanila kung bakit sila dapat umiwas sa mga kalsada o lugar na maaring maging prone sila sa aksidente.
  • Para sa mga toddlers at preschoolers, mahalagang manatili malapit sa kanila dahil hindi pa sila masyadong mulat sa mga panganib.
  • Siguraduhing alam ng iyong anak ang iyong numero ng telepono, address, at kung paano tumawag ng tulong (halimbawa, emergency hotline).

Paalala

Ang paglalaro sa labas ay mahalaga para sa pisikal, emosyonal, at social na pag-unlad ng mga bata, ngunit mahalaga rin na masiguro ang kanilang kaligtasan. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang panuntunan, pagbabantay, at pagpili ng ligtas na lugar, makakamit mo ang balanseng kapaligiran kung saan ang iyong anak ay maaaring maglaro nang masaya at ligtas. Lagi ring tandaan na ang bukas na komunikasyon at pagiging alisto ay susi sa kanilang kaligtasan.

Source:

Inquirer News

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • 6-anyos na bata nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko