Bipolar and pregnancy, ano ang mga sintomas ng kondisyon na ito at paano maiiwasang makaapekto ang kondisyon sa pagdadalang-tao.
Mababasa sa artikulong ito:
- Karanasan ng isang ina sa paglaban sa bipolar at anxiety disorder matapos manganak.
- Paano nga ba ang tamang pag-mamanage ng mental health disorder ng buntis.
Bipolar and pregnancy: A mother’s story
Image from BBC
Wala na sigurong mas sasaya pa sa isang ina na makitang ligtas at malusog niyang naisilang ang kaniyang sanggol. Lalo pa ang mahawakan at makarga ito sa kaniyang braso habang pinapasuso o pinadede ito.
Pero para sa inang si Seaneen Molloy mula sa Northern Ireland, ang tagpong ito ay saglit na ipinagdamot sa kaniya ng pagkakataon.
Ito ay dahil sa nararanasan niyang mental health disorder na labis na naapektuhan ang takbo ng pag-iisip niya pati na ang abilidad ng kaniyang katawan.
Kuwento ni Seaneen, masaya siyang natuklasan na siya ay buntis sa pangalawa niyang anak nang magsimula ang lockdown sa kanilang lugar.
Agad niya itong ipinaalam sa kaniyang doktor. Maliban kasi sa banta ng kumakalat na sakit sa kaniyang pagdadalang-tao, si Seaneen ay una ng na-diagnose sa pagkakaroon ng bipolar at anxiety disorder.
Kaya naman mahigpit na sinubaybayan, hindi lang ng mga midwife at doktor ang pagbubuntis niya. Kung hindi pati na rin ng mga psychiatrist at espesyalista na nagsasabing mas mataas ang tiyansa niyang makaranas ng relapse o postpartum complications matapos manganak.
Ang mga pahayag nga na ito ng mga espesyalista ay totoo. Sapagkat matapos maipanganak ni Seaneen ang kaniyang baby boy na si Jack ay nakaranas siya ng postnatal anxiety.
Ito ay sa kabila ng pag-iingat ni Seaneen sa kaniyang kalusugan habang nagbubuntis. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagtulog ng maayos sa gabi. Hindi pag-inom ng alak at pag-inom ng kaniyang mga gamot.
Postpartum anxiety
Sanhi ng bipolar disorder na nararanasan, hindi nakaiwas si Seaneen na makaranas ng delusions at hallucinations matapos manganak.
Kuwento niya naging kalmado naman ang cesarean section delivery niya. Hiniwalay rin muna si Baby Jack sa kaniya pagkapanganak para makapagpahinga at makatulog siya ng maayos.
Hindi rin siya pinabayaan ng mga doktor, psychiatrist at social workers na patuloy na sinubaybayan ang kaniyang kondisyon hanggang siya ay makauwi na.
Pero nagsimula ang pagsumpong ng postpartum anxiety niya ng makalimutan niyang uminom ng anticlotting medication niya para sa kaniyang CS wound sa tamang oras.
Photo by Kat Jayne from Pexels
Panic attacks at overthinking
Dito na nagsimulang mag-panic si Seaneen at kung ano-ano na ang pumasok sa kaniyang isip. Iniisip niya na maaari na siyang mamatay dahil sa nangyari.
Natatakot din siya sa tuwing umaalis at nahihiwalay sa kaniya ang kaniyang asawa at panganay na anak. Iniisip niyang maaaring may mangyari sa mga ito sa labas gaya ng sila ay baka maaksidente. Natatakot din siya na baka may mangyari sa kaniyang bagong silang na sanggol at bigla nalang itong mawala sa kaniya.
Agad namang sumaklolo ang psychiatrist at doktor ni Seaneen para matulungan siya. Siya ay binigyan ng gamot para kumalma. Pero ang ibinigay na gamot sa kaniya ay nagdulot ng labis na pagkapagod sa kaniyang katawan.
“My anxiety then transformed into an obsession that Jack was going to die. I was afraid to leave the room and rested my hand on his chest all night.
If my husband took him out to the shops with his brother, I cried and paced about, imagining they had all been hit by a car. I texted him incessantly.”
Naapektuhan rin nito ang muscles niya. Kahit nga umano ang pag-ngiti sa kaniyang sanggol ay hindi niya nagawa. Pati na ang hawakan o kargahin ito kahit na sa loob lang ng isang minuto.
Pagkukuwento niya,
“But the medication also caused intense restlessness. I couldn’t sit still. I couldn’t get comfortable enough to hold my baby for more than a minute.”
Hanggang sa lumipas ang mga araw at unti-unting umaayos ang kondisyon ni Seaneen. Sa tulong ng pag-inom ng kaniyang mga gamot at suporta mula sa kaniyang psychiatrist ay nanumbalik sa normal ang katawan ni Seaneen.
Nakakangiti na siya sa kaniyang baby na si Jack, nakakarga niya narin ito. Pero na-realize niya, ng hindi niya namamalayan, dalawang buwan ng buhay ng kaniyang baby na si Jack ang nakaligtaan niya.
Hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng anxiety si Seaneen. Bagama’t ito ay pasumpong-sumpong lang at na-mamanage niya na.
“I’m not entirely recovered and am still with the perinatal mental health team and on medication. My anxiety is still there – sometimes it’s just background noise, other times it’s cacophonous.”
BASAHIN:
Postpartum must-haves: 7 items you absolutely need after giving birth
Binat matapos manganak, ano ang mga sintomas at paano maiiwasan?
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
Mental health issues in pregnancy
Ayon sa isang artikulong nailathala sa BC Medical Journal o BCMJ, ang depression ang isa sa pinaka-madalas na psychiatric disorder na naiiugnay sa pagdadalang-tao.
Bagama’t maari ring makaranas ang isang buntis ng anxiety at iba pang mental disorders tulad ng mga sumusunod:
- Bipolar disorder o episodes ng low-energy depression at high-energy mania. Ang mga taong nakakaranas ng bipolar disorder ay magpapakita ng sintomas tulad ng pagiging sobrang optimistic o irritable. Hindi makatulog ng maayos at masyadong mabilis na pagsasalita o pagkakaroon ng impaired judgements sa mga bagay-bagay.
- Post-traumatic stress disorder (PTSD) o ang pagkakaroon ng flashbacks, bangungot o intense distress sa tuwing naalala ang mga traumatic na episodes sa iyong buhay.
- Panic attacks o ang biglaan o intense physical responses, hindi maipaliwanag na takot o paralyzing fear.
- Obsessive-compulsive disorder (OCD) o pagkakaroon ng obsessive thoughts.
- Eating disorders tulad ng bulimia o anorexia nervosa
Ano ang dapat gawin?
Mahalaga na sa oras na makaramdam ng sintomas ng mga nasabing mental disorder o minsan ng na-diagnose ng mga nasabing kondisyon ay agad na ipaalam sa iyong doktor kung nagdadalang-tao.
Sapagkat kung hindi maagapan ay maaring lumala ito matapos manganak. May mga paraan naman kung paano ma-manage ang kondisyon na ligtas sayong pagbubuntis. Ito ay sa pamamagitan ng mga sumusunod.
Prescription medicine
May mga gamot na ibinibigay sa mga buntis na nakakakanas ng mental health disorders. Pero bago gumamit o uminom ng mga ito ay dapat magpakonsulta muna sa doktor. Sapagkat sila lang ang makakapagsabi kung angkop o ligtas ito sa pagbubuntis mo.
Sa oras na maresetahan ng gamot ng iyong doktor ay dapat inumin ito sa tamang oras at huwag itigil ang pag-inom nito hangga’t hindi niya sinasabi.
Talk therapy
People photo created by freepik – www.freepik.com
Ang pakikipag-usap sa therapist o isang taong mapagkakatiwalaan mo ay makakatulong para ma-manage ang stress at depression na iyong nararanasan.
Isang paraan ito para mailabas ang iyong mga fears at worries na nararanasan. May mga support group din na maaring hingan ng tulong o payo para mabawasan ang mga pag-aalala o stress na nararanasan mo.
Iba pang approaches
Ang iba pang paraan para ma-manage ang stress o depression ay sa pamamagitan ng pagyoyoga, pag-iexercise at pag-memeditate.
Mahalaga rin na manatilihing healthy sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Pagtulog ng sapat sa oras at pag-inom ng prenatal vitamins.
Para hindi lumala ang stress o depression na nararanasan ay iwasang i-comare ang iyong sarili sa ibang buntis. Mahalagang maintindihan na maaring maiba-iba ang karanasan ninyo sa pagdadalang-tao.
Huwag ring matakot humingi ng tulong sa mga tao sa paligid mo lalo na sa mga doktor tungkol sa iyong nararamdaman. Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo na hindi lang nakakasama sa pagbubuntis mo. Ito rin ay maaring makapagdulot pa ng dagdag alalahanin o banta sa kalusugan mo.
Source:
BBC, Help Guide, BCMJ, Kids Health, NHS
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!