Ibinahagi ng aktres at komedyanteng si Candy Pangilinan sa isang vlog niya sa kanyang YouTube channel kung paano niya hina-handle tuwing nagkakaroon ng tantrums ang kanyang anak na si Quentin.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Paano pinapakalma ni Candy Pangilinan si Quentin kapag may tantrums
- Ano ang autism
Paano pinapakalma ni Candy Pangilinan si Quentin kapag may tantrums
Kilala si Candy Pangilinan bilang aktres at komedyante, pero ngayon mas nakikilala na siya bilang ina.
Bumibilib ang mga netizen sa tandem nila ng anak na lalaking si Quentin dahil sa kanilang bonding na binabahagi ni Candy sa social media. Madalas makikitang masayang nagkukulitan at nagsasayaw ang dalawa sa mga videos nito.
Kaiba sa karaniwang inu-upload ni Candy Pangilinan, ngayon naman ay ibinahagi niya kung papaano niya hina-handle ang tantrums ng anak niyang si Quentin.
Ang binata kasi ay diagnosed na may developmental disorder na autism at ADHD. Makikita sa bungad ng vlog sa YouTube channel ng komedyante na nakaupo sa sahig si Quentin.
Dito ay hinahanap ng anak niya ang kanyang slippers at sinasabing gusto nitong sumama kay Candy. Sa video makikitang mayroong siyang inaayawan na suotin. Tinanong din ni Quentin kung galit ba ang nanay niya sa kanya, sagot ni Candy:
“I’m not mad at you.”
“Yes you did!” tugon naman ni Quentin.
Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan
Pinagsasabihan ng aktres ang kanyang anak na suotin nito ang kanyang medyas ngunit pilit ding tinatanggihan niya dahil ayaw niya ito suotin. Nananatiling kalmado si Candy kahit pa naiinis na si Quentin, inalok niya pa ito kung kailangan ba nito ng tulong niya.
Tinanong niya rin ang anak kung gusto na nitong umuwi na sinagot naman ng anak ng, “No more!”
Sagot ni Candy, “I think you are mad.” Matapos nito ay pinagbabato ni Quentin ang ilang mga gamit. Dahil dito inalisan ni Candy ang anak at dali-dali namang nitong tinawag ang nanay at tumakbo para habulin siya.
Ayon sa kanya, kaya raw nagkakaganito si Quentin ay dahil hindi niya maayos na ma-express ang sarili.
Ang ilan sa tinignan na factors ni Candy Pangilinan ay maaaring kulang sa tulog, masyadong mainit ang panahon, at kahit gusto sumunod ng anak siya ay hindi komportable. Napag-alaman din niyang kumain ito ng sweets at uminom ng juice.
Payo ni Candy sa mga parents na may parehong kalagayan sa kanyang anak sa tuwing nasa ganitong sitwasyon,
“We let them be. We leave them. They will follow and let’s bring them to a place where they are more comfortable and safe. We talk to them as calmly as possible.”
Sa loob ng kanilang sasakyan, mapapanood na magkatabi ang mag-ina sa harap. Tinanong pa rin ni Candy ang anak kung bakit ito galit at kung ano ang emosyon na mayroon siya.
Sinagot ito ni Quentin na siya raw ay naantok. Ipinakita rin ni Candy ang bahagyang galos sa braso niya para malaman ni Quentin kung ano ang nagawa nito sa kanya dahil sa pagta-tantrums.
Dahil dito agad na sinabi ni Quentin na, “Mommy, sorry.”
Ipinaliwanag din ng aktres na painful ang ginagawa ni Quentin sa kanya, kaya tuloy-tuloy ang paghingi ng sorry ng anak. Dumating sa puntong napupuno na ng emosyon ang anak dahil guilty sa nagawa nito sa nanay niya.
Ayon kay Candy ito raw ang second phase ng kanyang pag-iyak, ang makaramdam ng guilt.
Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan
BASAHIN:
Candy Pangilinan, ibinahagi kung paano pinakalma si Quentin bago bakunahan
REAL STORIES: “Hilig ng anak kong ilinya ang mga laruan niya—senyales na pala ‘yon ng autism“
My Child has ADHD. How do I make a decision about medication?
“He is realizing what he did and is dealing with it.”
Bago umalis ay pinakalma muna niya ang anak para hindi siya hampasin muli nito habang nagdadrive. Sa kanilang biyahe, humingi ng tawad si Quentin at sinabing hindi na niya muli itong gagawin sa ina niya.
Tumagal pa nang ilang beses ang pagkagalit ni Quentin at pinipilit niyang hindi pa rin daw sila friends ng kanyang nanay.
Sa ganitong pagkakataon daw ay hindi matanggap ng anak na siya ay umiyak at siya ang naging dahilan.
“Talk to your child like a grown up. Help them process their emotions.”
Nasa kalagitnaan pa kasi siya raw ng process at iniintindi kung ano ang nangyayari sa kanya.
Sa kabila ng marami nilang pag-uusap hindi pa rin kumakalma si Quentin. Naglilikot ito sa upuan niya at nagsisisigaw pa rin.
Hanggang sa dumating sa kanilang bahay naglupasay muli ang anak, pero si Candy ay nanatiling kalmado. Ang video na raw ito ay hindi dahil eksperto siya sa ganitong sitwasyon kundi gusto niyang ibahagi ang karanasan kung papaano iniha-handle ang anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan
Ano ang autism
Ang autism, o kilala rin sa tawag na autism spectrum disorder, ay isang kondisyon na nakaaapekto sa speech at behavior ng isang tao.
Ang mga taong may autism ay hirap makihalubilo sa ibang tao, at minsa’y kinakailangan ng special care.
Mapapansin din ang pagiging hirap sa pag-express ng kanilang mga sarili ang mga na-diagnose na may autism.
Wala pang natutuklasang gamot ang mga eksperto sa autism. Ngunit makatutulong na maaga itong ma-diagnose para masimulan agad ang early treatment.
Sa mga complementary treatment ay posibleng ma-boost ang learning at communication skill ng isang tao na may autism. Makatutulong din ang ilang therapy na may kaugnayan sa music, art at mga animals.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!