Hindi ko akalain na ang simpleng paglinya-linya ng laruan ng aking anak ay senyales na pala ng autism, ito ang autism story ng aking anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Autism story: The joy of having a second child
- Panahong nalaman kong there’s something wrong with my child
- Dealing with meltdowns and tantrums
Autism story: The joy of having a second child
We all know that having a child is truly a blessing, ano pa kung another one added to the family. I gave birth to my second child via CS delivery again, kasi maliit daw ang sipit sipitan ko.
Sobrang ligaya ang naramdaman ko kasi finally after 2 yearrs may makakalaro na si Ate Iyah (my eldest daughter) ‘di na ‘ko mang hihiram o mananawag ng kids sa neighborhood para lang may makalaro siya.
Heidee is pretty, like me, well actually kamukha ko siya. Little Joy nga ang tawag sa kaniya, she’s bubbly, malikot, matakaw, malambing, and loves to play with her ate.
I was a working mom before, kaya lagi akong wala sa bahay, my Lola Tita is the one taking care of my kids then, wala rin ang hubby ko noon kasi dati siyang OFW.
Since birth until her 2 years old no signs of abnormalities will observed just a normal child as she is. Since tahimik ang lola Tita ko,so akala ko naadopt ng anak ko ang pagiging tahimik also.
Panahong nalaman ko na parang may iba sa anak ko, parang may mali
It was summer vacation/holiday that I just stayed at home with my kids. Lola Tita and Yaya are also on vacation, so I was the one hands on to my kids at that time.
Ate Iyah normally plays her favorite doll, while Heidee plays an empty bottle of coke and powder and toys na pwedeng itayo pataas, I was reading a magazine and pasulyap-sulyap sa ginagawa ni Heidee.
I was totally amazed kasi na-balance niyang pataas ang mga empty bottles. And I said to myself. “WOW! Na-balance ng anak ko ang mga boteng walang laman, ang genius ng anak ko.”
Isa pa lang ‘yan sa na-observed ko nung araw na ‘yon, at isa pa sa napansin ko ay hindi niya ako tinatawag na ‘mommy’. Kapag may gusto siyang kunin o ipakuha sa ref hinihila niya ang kamay ko papuntang ref at tinuturo ang gusto niya and walang eye contact.
Confused ako noong mga panahong iyon pero iniisip ko na lang na iba-iba ang mga bata kung si Ate Iyah, madaldal na at the age of 3 baka si Heidee ay tahimik lang, o introvert person lang talga.
I keep on observing pa rin, until may kinuha siyang mga tali, mga small toys na ni line-up niya, straight, I thought likes niya ang train.
The painful reality
Noong gabing iyon nag-research ako sa google ‘yong word na playing strings and lineup toy. BOOM! Sabi na, I know and I can feel na there’s something wrong with my child…what I found out was the word “AUTISM”. I cried and asked GOD why?
Autism story: The Acceptance
Right there and then tiwagan ko ang husband ko, at mga kapatid ko and of course alam ko na ang sasabihin nila na mali ang observation ko at ‘di ako Doktor o Specialist para mag-conclude sa hinala ko.
‘Wag daw ako mag-isip ng negative sa anak ko. But as a Mom alam natin at ramdam natin kung may mali at may pag kaiba sa mga anak natin. So I want an answer also, kaya naghanap ako ng Neuro Pedia Doctor at nagpa-set ng schedule.
Thank God at nakakuha naman ako ng schedule sa doktor, and mahal niya, per session that time ang cost ay NASA P4,500 per hour. Grabe ‘di ba? So the session begun and I won’t elaborate na muna paano nalaman.
But to summarize it all, YES, my daughter has a PDD Autism (Pervasive Delayed Disorder) she was 3 yrs then pero ang motor, mental, cognitive skills, and social development niya nasa 1yr and 8 months pa lang, halos kalahati ng edad niya.
Hindi doon nagtatapos ang gastos kasi Heidee kasi kailangan pa niyang mag-attend sa SPED school at kailangan niyang mag-take ng courses like Speech Therapy cost 800 per hour, ABA therapy cost 19k per month, Occupational therapy nasa 500 per hour, and SPED school pa nasa 60K yearl.
‘Di pa kasama ang mga libro. Hindi ba ang mahal ng anak ko, buti na lang nasa abroad ang daddy niya kahit papano napo-provide namin ang schooling ni Heidee.
BASAHIN:
My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism
6 notes kung paano alagaan at palakihin ang batang may autism
Hindi pag-ngiti ng baby, maaaring sign ng autism
A story of Me as a Mom of an autistic child
Story ng isang Inang may anak na mayroong autism
Isa akong klase ng Nanay na very transparent at vocal lalo na sa sitwasyon ni Heidee. One time nung first assessment ni Heidee sa kaniyang Neuro Pedia, upon telling everything the situation she told me na, it’s very rare umano ang katulad ko na ina-accept at open minded sa ganitong situation.
Almost mga parents daw ng mga may Special child ay kadalasang denial sa una pa lamang. Kahit umano obvious na ang behavior ng bata they keep on telling to everyone, and to themselves na normal ang anak nila, and there’s nothing wrong with their child.
In which opposite sa akin, all of them, my friends, and family they keep on telling me na normal si Heidee, baka bulol lang o late bloomer, but ako mismo na mommy niya I know! NO! my child is not okay.
Dealing with meltdowns and tantrums
Noong malit pa siya, I can still handle her tantrums, kasi kaya mo pa siyang makontrol and ma-hug, pero habang tumatagal at lumalak siya lalo siyang lumalakas.
Kaya naman trial and error ang ginawa namin, mahirap ito. May panahon na gusto ko na lang sumuko kasi maiksi ang pasensya ko.
May time na magwawala, maninira ng gamit, at dati sinasaktan niya ang Ate niya, nangungurot siya. Kaya naman dumating ako sa punto na kailangan ko nang bitawan ang career ko bilang accountant.
Kasi kung ako nga na Nanay niya nakakaramdam ng pagod at minsan gusto ko nang mag-give up, ano pa ‘yong ibang mag-aalaga. Ngayon, 15 years old na si Heidee, and she’s growing up so pretty.
Sayang siguro pila na ang manlligaw ng anak ko kung katulad siya ng mga siblings niya. Sa ngayon when tantrums attack, hinahayaan na lang namin siya, kasi kusa na lang siya tatahimik. The more na pinansin mo siya lalo siyang magwawala kaya dedma ka na lang at alerto sa pwede niyang masirang gamit.
Ang reality
Parenting is not an easy task, more so for parenting a differently-abled child. I know na I was a chosen one kaya ibinigay ni God ang ganitong situation. He knows that we are the perfect family for Heidee.
There are many moments and situations na struggles, pain, and emptiness ‘yong feeling exhausted ka na and can’t go any further. Pero at the end of the day I always look back and see how far I have come.
May mga araw na I feel I can’t handle this battle anymore. Pero sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko tinitignan ko ‘yong mga dinanas ko noon, at proud akong sabihin na nanalo ako at I am stronger.
I know darating ang panahon na ang 2 ko pang anak ay magpapamilya at iiwan kming mag-asawa. But definitely the fear to be left alone will never be happen kasi andyan si Heidee for u.
She will never leave us. I just pray to God na sana patagalin pa ang buhay ko at palakasin pa ako para mas mahaba ko pang maalagaan ang anak ko. I pray for goodness and I pray for Mercy, I pray that tomorrow will be a better day for us and Heidee.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!