Alamin kung ano ang aneurysm sa tagalog, pati na ang mga pangunang sintomas nito upang hindi lumala at maiwasan ang nakakatakot na mga epekto nito.
Aneurysm, isa ito sa itinuturong dahilan kung bakit may mga tao ang nakakaranas ng biglaang pagkasawi. Pagkasawi na kanilang naranasan habang sila ay natutulog o kaya naman ay biglaan na sa una ay hindi maipaliwanag ang dahilan.
Ngunit ano nga ba ang aneurysm, dahilan ng pagputok ng ugat sa ulo at ano ang ipinapakitang sintomas ng aneurysm parte ng ulo na masakit o kondisyon na hindi natin inaakala at hindi dapat isa walang bahala?
Dito, malinaw nating maiintindihan kung ano ang aneurysm, ano ang tawag dito sa tagalog, at paano maiiwasan at makita ang sintomas ng aneurysm parte ng ulo na masakit.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang aneurysm?
Ayon sa health website na WebMD, ang aneurysm ay tumutukoy sa pagkakaroon ng bulge o umbok na dulot ng pamamaga sa wall ng ating ugat. Nagkakaroon nito kapag labis ang pressure ng dugong dumadaloy sa ating katawan na pumepwersa sa mahinang parte ng ating ugat na lumobo.
Image from Wikimedia Commons
Ang aneurysm ay maaaring maranasan sa kahit anumang blood vessel sa ating katawan. Subalit madalas, ang pinakadelikadong parte na maaaring magkaroon nito ay ang dibdib, tiyan at utak.
Dahil kung ang aneurysm sa parte ng katawan na nabanggit ay lumobo pa at pumutok na, maaaring magdulot ito ng stroke o labis na pagdurugo. Isa itong delikadong kundisyon at maaaring malagay sa peligro ang buhay ng isang tao.
Ayon nga sa mga tala, 10% ng mga pasyenteng mayroon nito ay nasasawi dahil sa pumutok na aneurysm na hindi nakakakuha ng medikal na atensyon na kailangan nila.
Kaya naman mahalagang malaman ang mga sintomas ng aneurysm. Ito ay para maagapan ito at mapigilan ang nakakatakot nitong epekto.
Ano ang aneurysm sa tagalog at ilang sintomas nito?
Sa medikal na paliwanag, ang anuerysm ay pamumuo’t pagbukol sa blood vessel sanhi ng panghihina o pagnipis ng mga blood vessel wall. Kadalasan, ang pamumuo ng mga dugong ito ay sa mga blood vessel wall nagaganap.
Kapag dumaloy ang dugo sa mahihina o malalambot na blood vessel, ang presyon ng dugo ay nagdudulot ng maliit na area na bumubukol tulad ng paglobo ng plastic balloon.
Sa tagalog, dahil sa mga sintomas rin na ipapakita a artikulong ito, maaaring tawagin sa tagalog ang anuerysm bilang paglobo ng ugat o pamumuo ng dugo (sa ugat o daluyan). Sa ibang medikal na katawagan, puwede ring ang tagalog ng anerysm ay paninigas ng ugat na may mga sintomas tulad ng sa may mataas na blood pressure at cholesterol.
Ang aneurysm o pamamaga ng ugat sa tagalog at mga general na sintomas nito
Maliban sa matinding pagsakit ng ulo, ang mga sintomas ng aneurysm ay hindi kapansin-pansin agad hangga’t di pa nagkakaroon ng burst o pagsabog. Pero, kailangan pa ring magpatingin kung lagi ng nararanasan ang mga sumusunod na sintomas:
- Nausea at pagsusuka
- malabo at pagkakaroon ng doubled vision
- matinding sensitivity sa ilaw o liwanag
- seizure o fits
- paglaylay ng mga talukap ng mata
- palagiang nawawalan ng malay
- pagkabalisa
Hindi dapat baliwalain ang mga sintomas na ito. Lalo pa at ang aneurysm ay hindi agad kapansin-pansin sa mga apektado nito. Ugaliin ding iwasan ang mga bagay na maaaring makapagdulot ng paninigas ng ugat.
Kunsakaling may kamag-anak na biglang inatake o nag-seizure, huwag silang hahayaang makatulog. Tumawag agad ng ambulansya upang madala agad sa ospital.
Sanhi at sintomas ng brain aneurysm o paglobo ng ugat sa tagalog
Ang tinatawag na Circle of Willis ay isang junction ng apat na major arteries ng isang tao. Dalawang carotid arteries at dalawang vertebal arteries na nagsu-supply sa ating utak ng nutrition, partikular na ang oxygen at glucose.
Ang dalawang loop ng arteries na ito ay nasa base ng ating utak na nagdadala nang mas maliit na branch ng arteries papupunta sa iba’t ibang parte ng utak ng tao.
Sa kabilang banda, ang junctions na ito nagsasama-sama para makapag-develop ng weak spots. Ang weak spots na ito ay maaaring maglikha ng tila balloon na puno ng dugo, na naglilikha ng outpouchings ng blood vessels na mas kilala nating aneursyms. Samantala, ang sac-like na bahagi nito ay maaaring mag-leak o mag-rupture, at mag-spill na dugo sa pinapalibot na tissue sa utak ng tao.
Maraming maaaring sanhi ang pagkakaroon ng aneurysms ay dahil sa high blood pressure o mataas na presyon sa dugo, atherosclerosis o pagkakaroon ng mga bara sa arteries dulot ng mga tinatawag na tila plaque, trauma, namamana, at abnormal na daloy ng dugo kung nasaan ang junction ng arteries na nagsasama-sama.
May ilang mga rare na kaso o sanhi ng aneurysms. Ito ay tinatawag na mycotic aneurysm, dulot ito ng impeksyon sa artery wall ng isang tao. Ganun din ang tumor at trauma na nagdudulot para mag-form ng aneurysm.
Maaari ring drug abuse, lalo na ang mga taong gumagamit ng cocaine, ay pwedeng magkaroon ng aneurysm dahil pinapahina at pinapamaga nito ang artery walls ng tao.
Ano ang mga sintomas na ipinapakita ng aneurysm o pamumuo ng dugo sa tagalog?
Bagama’t ang aneurysm ay maaring tumubo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, may tatlong kadalasang dahilan naman kung bakit ito nararanasan. Maaaring dulot ito ng mataas na blood pressure, high blood cholesterol at atherosclerosis o ang paninigas ng ugat.
Piwede ring ito’y dahil rin sa malalalim na sugat o impeksyon. O ng isang kondisyon na kung saan ipinanganak na may mahihinang ugat ang isang tao. Ito’y maaring idulot din ng labis na paninigarilyo o pag-inom na alak.
Ang paglala ng aneurysm ay maaari namang maagapan. Ang unang hakbang upang maisagawa ito. Kinakailangang alamin ang mga sintomas ng kundisyon na ito.
Minsan hindi natin paghihinalaan na nararanasan na pala natin ang ilang palatandaan ng sakit na ito. Bagama’t, ayon sa mga eksperto, hindi lahat ng may aneurysm ay magpapakita ng sintomas.
Karamihan nga ng kasong naitala na may kaugnayan dito’y natukoy na lamang ng masawi na ang taong mayroon nito sa pamamagitan ng autopsy.
Ganoon pa man mainam din na malaman ang mga sintomas ng unruptured aneurysm partikular na sa ating utak na dapat nating hindi isawalang bahala sa oras na ating maramdaman.
Upang agad na magpakonsulta sa doktor. Para mas malinawagan sa iyong kondisyon at maiwasang pumutok ang aneurysm na nakakamatay.
Ang mga sintomas ng unruptured aneurysm ay ang sumusunod:
Sintomas ng unruptured aneurysm
Business photo created by jcomp – www.freepik.com
- Headache o pananakit ng ulo.
- Stiff neck.
- Blurred o malabong paningin.
- Pananakit sa bahagi ng katawan na may aneurysm.
- Hirap o pagbabago sa pananalita.
- Weakness o pamamanhid sa isang bahagi ng mukha o sa parte ng katawan na may aneurysm.
Mahalagang hindi basta balewalain ang mga nabanggit na sintomas. Sapagkat ang aneurysm na hindi naagapan ay maaaring pumutok na pala’y magpapakita naman ng mga sumusunod na sintomas na lubhang seryoso o delikado na.
Sintomas ng ruptured aneurysm o pamumuo ng dugo sa tagalog
- Labis at biglaang pananakit ng ulo.
- Kawalan ng malay.
- Pagkahilo at pagsusuka.
- Hirap sa pagbabalanse sa paglalakad at normal coordination ng katawan.
- Dilated pupils.
- Sensitivity sa liwanag.
- Pagbagsak ng pilik-mata,
- Pagkalito o trouble sa mental awareness.
Sintomas ng leaking aneurysm o pamumuo ng dugo sa tagalog
Sa ilang kaso, ang aneurysm ay maaaring mag-leak ng dugo, ang pag-leak na ito ay maaaring magdulot ng.
- Biglaang matinding pagsakit ng ulo.
- Pananakit ng bahaging itaas ng mga mata
- Pagkakaroon ng stiff neck o pananakit sa batok
- Pagkawala nang malay
Sintomas ng unruptured brain aneurysm o paninigas ng ugat sa utak sa tagalog
Samantala, ang brain aneurysm naman ay kadalasang walang sintomas na nakikita o napapansin dahil ito’y maliit lamang. Kadalasan, mas nakikita o kapansin-pansin ang sintomas ng brain anuerysm o paninigas ng ugat sa utak sa tagalog, kung sumabog na ang blood vessel.
Ngunit, hindi lahat ng anuerysm ay pumuputok o sumasabog. Kailangan pa ring magpatingin kahit na walang nagaganap na pagputok ng ugat.
Subalit kapag mas malaki naman, ang larger unruptured aneurysm ay maaaring maglagay ng pressure sa brain tissues at nerves, na maaaring magdulot ng mga sumusunod:
- Pananakit sa ibabaw at likod ng isang mata
- Dilated na pupil
- Pagbabago sa paningin o double vision
- Numbness ng isang side ng mukha
Dagdag pa, ang ilan sa mga sintomas ng unruptured brain anuerysm o paninigas ng ugat sa utak sa tagalog ay ang mga sumusunod:
- Nahihirapan sa pagsasalita o pagbuka buka ng bunganga
- Matinding pananakit ng ulo
- Pagkawala ng balanse ng katawan o nawawala sa balanse
- Nahihirapan sa pag-concentrate at pagfocus
- Pagkakaroon ng problema sa short-term memory
Minsan, ang ilan sa mga sintomas na ito ng brain aneurysm o sa tagalog ay paninigas ng ugat sa utak ay binabaliwala lang. Pero, kunsakaling madalas niyo na itong napapansin, kumonsulta agad sa doktor para payuhan kayong magpatingin sa angkop na espesyalista.
Paano matutukoy ang aneurysm at paano ito malulunasan?
Photo by Anna Shvets from Pexels
Ang pagputok ng aneurysm ay madalas na nagaganap ilang oras o araw matapos magkaroon ng kaunting leak sa dugo o magpakita ng sintomas ang isang pasyente.
Ang mga paraan kung paano matutukoy kung aneurysm nga ang dahilan ng ipinakitang sintomas ay sa pamamagitan ng CT scan, lumbar puncture, o angiography.
Para malunasan ang aneurysm o maiwasan ito sa pagputok ay maaaring sumailalim sa surgery ang taong mayroon nito o nakakaranas nito.
Sa kaso ng brain aneurysm ay maaaring sumailalim sa neurosurgery ang pasyente na kung saan kailangan lagyan ng clip ang kaniyang weak blood vessel.
May ilang pasyente naman ang pinipili na magpagamot sa interventional radiologist o neurologist na gumagamit ng coil para i-fill ang aneurysm at maiwasan ang pagdurugo.
Risk factor sa pagkakaroon ng brain aneurysm
Maraming mga factor na maaaring mag-contribute para maging mataas ang tiyansa ng isang tao na magkaroon ng brain aneurysm. Maaaring mag-develop ito paglipas ng panahon, ang iba naman ay present na kapag sila ay ipinanganak.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Karaniwan ito sa mga matatanda o adults kaysa sa mga bata
- Mas karaniwan itong nangyayari sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
- Mga naninigarilyo
- May mga edad na
- May High Blood Pressure o hypertension
- Gumagamit ng droga partikular ang cocaine
- Mga mahilig uminom ng alcohol o alak (heavy consumption)
Ang ilang uri ng aneurysms ay maaaring mangyari kapag may naging head injury (dissecting aneurysm, o partikular na blood infections.
Mga risk factor na present na kapag ipinanganak ang isang tao
- May namanag connective tissue disorders katulad ng Ehlers-Danlos syndrome na nagpapahina sa blood vessels
- Pagkakaroon ng polycystic kidney disease, isa itong namamanang disorder na nagreresulta ng fluid-fills sacs sa kidney at kadalasang nagpapataas ng blood pressure.
- Mayroon abnormal na narrow aorta 0 coarctation ng aorta, kapag mayroong ganito, ang blood vessel na nagde-deliver ng oxygen-rich na dugo mula dugo papunta sa katawan.
- Mayroong cerebral arteriovenous malformation o brain AVM, isang abnormal na koneksyon sa pagitan ng arteries at mga ugat sa utak na nag-i-interupt sa normal na daloy ng dugo sa pagitan nila.
- May history sa pamilya na nagkaroon o nakaranas ng brain aneurysm.
Paano ito maiiwasan?
Dahil sa ang aneurysm ay dulot ng unhealthy lifestyle ng isang tao, ang tanging paraan kung paano maiiwasan ang pagputok ng ugat sa ulo at sa iba pang parte ng katawan ay ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan na magagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Tumigil o iwasan ang paninigarilyo at secondhand smoke.
- Iwasan din ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
- Umiwas din sa labis na pag-inom ng alak.
- Magkaroon ng healthy diet. Kumain ng mga pagkaing mababa sa saturated fats, trans fats, cholesterol, salt, at added sugar.
- Gumawa ng physical activity hangga’t maari.
- Makipagtulungan sa iyong duktor upang malunasan ang iyong high blood at high cholesterol.
Ano-ano ang mga treatment na maaaring gawin?
-
Open surgery (Clipping)
Ang open surgery ay ang tradisyunal na paraan na ginagamit ng mga doktor. Isinasagawa ito upang ayusin ang anumang parte sa katawan ng tao na nasira dulot ng sakit na aneurysm.
Kadalasang ginagamit ang pamamaraang ito kung ang nararanasan ng pasyente ay abdominal aortic aneurysm.
-
Endovascular therapy (coil)
Ang Endovascular Coiling ay isang paraan kung saan ay kinakailangang gamitan ng catheter o manipis at flexible na tube at may kakayahang mag-pasok o maglabas ng fluid sa ating katawan.
Kadalasang ginagamit ang pamamaraang ito kung ang nararanasan ng pasyente ay brain aneurysm.
-
Walang treatment: Ang pasyente ay sasailalim lamang sa obserbasyon upang makontrol ang posibleng paglala at mga implikasyon.
Ang treatment na gagawin o gagamitin sa isang tao ay nakadepende sa desisyon ng doktor. Ito ay ayon sa mga salik na sumusunod:
- Edad at medikal na kondisyon ng pasyente
- Lokasyon, sukat, at hugis ng aneurysm
- Availability ng treatment options
- Kung ang aneurysm ba ruptured o unruptured
- History ng aneurysm sa pamilya
Tiyakin na laging magpapakonsulta sa doktor ang mga kaanak na apektado o makikitaan ng sintomas ng aneurysm. Panatilihin rin lagi ang malusog na pangangatawan at pagkain ng tama.
Karagdagang ulat mula kina Kamille Batuyong at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.