Walang pag-aasawa ang nagsisimula nang may kasamang manwal. Ang mga kasunduan sa pagsasama ng mag-asawa ay nabubuo sa kurso ng kanilang pagsasama. Hindi ito naiiba sa pagiging mag-asawa ni Bill Gates at asawang si Melinda Gates.
Si Melinda at Bill Gates ay nagsasama na nang 25 taon. Nagpakasal sila sa Hawaii sa pagsapit ng bagong taon nuong 1994. Natatayang may $96.5 Billion ang dalawa na kinikilalang pinaka-mayaman na mag-asawa sa mundo.
Dati nang si Bill Gates ang kinilalang pinaka-mayaman sa mundo ngunit nahigitan na siya ni Jeff Bezos. Si Jeff Bezos, ang may-ari ng Amazon ay may $131 Billion ngunit kahihiwalay lang sa asawa.
Ang pagbuo ng manwal sa pagsasama
Ang manwal sa masayang pagsasama at pagbalanse ng trabaho at buhay ng mag-asawa ay nabuo sa kusina. Ayon sa kwento ni Melinda Gates, siya ay naiwan sa kusina nuon 10 hanggang 15 na minuto matapos ang lahat mag-ayos.
Sa gitna ng kanyang inis at galit, naisipan niya ito. Kaya sa sumunod na gabi, habang ang mga kasama niya ay nag-aayos na para umalis sa hapag-kainan, nagsabi siya na walang aalis sa kusina hanggang siyaay hindi pa umaalis. Dito nagsimula ang pag-tulong sa pagliligpit at paglilinis sa kusina ng lahat.
Sa ngayon, sila nalang ni Bill ang naglilinis gabi-gabi dahil ang mga anak nila ay nasa edad 16 hanggang 22 na. Pinagpapatuloy parin nila ang ganitong paraan kahit ilang taon na ang nakalipas.
Pitong taon nang pagtra-trabaho nang libre
Inaamin ni Melinda Gates na siya ay swerte sa asawa niyang si Bill Gates. Ganon pa man, nais niyang iparating na ang mga kababaihan ay maraming ginagawa na hindi napapansin at walang kabayaran.
Ayon sa kanya, ang mga bagay na kusang ipinapatong ng lipunan sa mga kababaihan ay ang hirap ng pagaalaga ng mga anak. Ang pagaalaga ng mga bata ay kumakain ng lakas at oras. Sa kanyang pagaaral, katumbas ito nang 7 taon nang pagtra-trabaho.
Ang iba sa mga trabahong ito ay nagbibigay ng saya. Ngunit, marami rin dito ay mga nakakayamot na gawain tulad ng labahin, paghuhugas ng mga pinagkainan, at paghahanda ng mga baon.
Baby contracts ng mag-asawa
Sa panahon ngayon, marami nang mag-asawa ang gumagawa ng sarili nilang baby contracts. Hindi kailangan na ito ay nasusulat basta ang layunin nito ay ang tamang paghati ng mga gawaing bahay sa mga mag-asawa. Maaari itong hatiin sa araw, oras o indibidwal na gawaing bahay. Ang ideya nito ay upang ang isa sa mag-asawa ay hindi sobrang mapagod at makapagpahinga.
Hinihikayat ni Melinda Gates ang mgakababaihan na alamin kung ano ang mga sobrang gawain na ito na maaaring magdala ng sama ng loob sa pagsasama. Sa pag-alam nito, mahahati nang maayos ng mag-asawa ang mga gawain.
Ito ang sikreto ni Melinda at Bill Gates. Kahit pa hindi madalian ang pagbabagong nagawa, hati ang mag-asawa sa mga gawain sa bahay.
Source: USA Today
Basahin: 11 katangian na nakakapagpatatag sa relasyong mag-asawa