Ayon sa mga eksperto, may mga katangian ng magandang relasyon ang dapat taglayin ng bawat pagsasama.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang sikreto para mapanatili ang spark sa isang relasyon
- 11 katangian ng magandang relasyon
11 katangian ng magandang relasyon | Image from Unsplash
Maliban nga raw sa physical attraction at chemistry, may mga bagay na dapat ginagawa ang makarelasyon para mapanatili ang spark sa kanilang pagsasama.
Isa na nga sa mga ito ay ang pagjo-joke at pag-gawa ng mga nakakatuwang bagay ng magkasama, ayon sa isang pag-aaral.
11 katangian ng magandang relasyon
1. Humor
Ayon sa isang research na ginawa ng University of Kansas sa pamumuno ni Associate Professor Jerry Hall mula sa Department of Communication Studies, napag-alamang ang playfulness o ang madalas ng pagtawa ng mga mag-partner ay crucial component ng bonding at pag-e-establish ng security sa isang relasyon. Ito rin daw ay isang indikasyon ng pagkakaroon ng romantic attraction sa pagitan ng dalawang tao.
Dagdag nga ni Prof.Hall, ang mga couples daw na gumagawa ng humor ng magkasama sa pamamagitan ng mga inside jokes ay mas magtatagal. Ito daw ay dahil mas nagpapakita ito ng pagkakaintindihan ng isang magkarelasyon sa pamamagitan ng pag-sesense sa kung ano ba ang nakakatawa sa hindi.
Ngunit, kailangan din daw iwasan ng magkapartner ang mean-spirited jokes o yung mga birong below-the-belt na. Dahil ito raw ay sensyales ng namumuong problema sa isang relasyon at maaring makasakit sa damdamin ng isa’t-isa.
BASAHIN:
12 signs na ikaw ay nasa isang emotionally abusive na relasyon
STUDY: 12 common mistakes na nakakasira sa relasyong mag-asawa
Pakikipagkaibigan sa ex, narito kung bakit hindi ito makakabuti sa isang relasyon
2. Compassion
Isa sa mga katangian ng magandang relasyon ay ang pagpapakita ng compassion sa isa’t-isa.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay sa sarili mo sa sitwasyon ng partner mo upang siya ay iyong mas maintindihan. Isa itong paraan ng pagpapakita ng respeto, appreciation at pagmamahal sa kaniya na mas nagpapatibay ng connection, intimacy at partnership ninyong dalawa. Ito ay ayon kay Dr. CarinGoldstein, isang marriage at family therapist mula sa Sherman Oaks, California.
3. Compromise
Maraming couples ang naniniwala na ang hindi pagkakaroon o pag-iwas sa isang problema ay katangian ng magandang relasyon. Ngunit, ayon kar Dr. Alicia Clark, isang psychologist mula Washington, D.C., ang isang tunay na masayang relasyon daw ay ang sa pagitan ng dalawang taong kayang solusyonan ang isang problema ng magkasama na mas nagpapatatag at nagpapalusog rin ng pagsasama.
4. Trust
Ayon kay Dr. Caroline Madden, isang marriage theraphist, ang trust o tiwala daw ang pinakaimportanteng bagay sa isang pagsasama. Dahil ito daw ay nabubuo sa loob ng ilang taon at kayang masira sa loob lang ng isang segundo. Ngunit ito daw ay hindi lamang sexual fidelity, ang pagkakaroon raw ng tiwala ay ang pagiging bukas sa fears, vulnerabilities at iba pang innermost thoughts ng isang magkapartner sa isa’t-isa.
5. Positivity
Ang pagpuri sa iyong partner ay isang paraan daw ng pagpapakita ng appreciation mo sa kaniya. Ito ay ayon kay Dr. Kurt Smith, isang theraphist.
Ang pagpapakita daw ng positivity na ito ay kailangan sa isang relasyon lalo na sa mga mag-asawa. Ito daw ay maaring sa simpleng pagsasabi ng “Thank you” o “I love you.” O di kaya naman ay ang pag-compliment sa mga ginagawa ng iyong partner na nagpapatibay ng connection, bonding at pagmamahal ninyo sa isa’t-isa.
11 katangian ng magandang relasyon | Image from Unsplash
6. Intimacy at sex
Ang intimacy ay ang pagpapakita ng pagmamahal at pag-unawa sa iyong partner. Ito rin ay ang pagtanggap at ang pag-appreciate sa kung sino siya. Ito ay ang pagiging espesyal niya kumpara sa ibang tao para sayo.
Ang kawalan daw nito ay maaring maging dahilan upang maging mababaw at tila empty ang isang relasyon, ayon iyan kay Dr.Laura Heck, isang marriage and family therapist sa Salt Lake City, Utah.
7. Mutual respect
Ang isang relasyon ay dadaaan sa iba’t-ibang klase ng problema at ang isang katangian ng isang relasyon na tumutulong para malagpasan ito ay ang pagkakaroon ng mutual respect o ang respeto sa isa’t-isa. Para magawa ito ay kailangang may self-esteem ang parehong magkapartner upang sila ay mas secure at satisfied sa kanilang sarili para respetuhin nila ang isa’t-isa na napakaimportante sa isang masaya at lasting na relastionship. Ayon iyan kay Dr. Elisabeth J. LaMotte, isang psychotherapist.
8. Presence
Ayon kay Dr. Dembra Campbell, isang psychologist at couple’s therapist sa Melbourne, Australia, ang pagiging present daw ay hindi lang ang pagbaba at pagtigil sa paggamit ng cellphone mo kapag kasama mo ang iyong partner, ikaw din ay dapat nagpapakita ng interest sa mga pangyayari sa buhay niya at gawin itong mas maganda at masaya para sa inyong dalawa.
Ang pagiging present din ay ang pagtingin sa mga bagay sa kaniyang point of view at hindi lang sa point of view mo. Kaya naman isa ito sa mga importanteng katangian ng magandang relasyon.
9. Love
Ang isang magkarelasyon ay dapat minamahal at chine-cherish ang isa’t-isa. Ayon iyan kay Becky Whetstone, isang marriage family therapist sa Little Rock, Arkansas.
Ang pagpapakita ng pagmamahal ay sa pamamagitan ng physical touch, words of affirmation, quality time at ang pagbibigay serbisyo at regalo sa iyong kapartner. Ito rin daw ay ang pag-aaproach sa kaniya sa paraang naipapakita mo na gusto mo ang best para sa kaniya at hindi para saktan o ipahamak siya.
11 katangian ng magandang relasyon | Image from Unsplash
10. Understanding
Walang problema ang hindi masosolve kung ang isang magkarelasyon ay magkakaintindihan at kikilos na parang isang team, ayon iyan kay Dr.Gary Neuman, isang psychotherapist sa Miami Beach, Florida.
Ipinapayo niya na dapat daw ay magkaroon ng regular na oras ang isang magkarelasyon upang mag-usap na hindi naiistorbo sa loob ng isang linggo. Dapat daw ay patuloy na nakikinig at umiintindi ang bawat isa para mas tumagal ang relasyon at mas maging masaya.
11. Friendship
Ang isang magkarelasyon na magkaibigan rin ay mas kilala daw ang isa’t-isa. Mas nagbibigay nga daw ito ng opportunity na mas maging open at komportable ang isang magkarelasyon. Ito ay dahil nagiging sandalan nila ang kanilang partner sa oras ng problema.
Kaya naman daw, dapat ding mas patibayin ng isang couple ang friendship sa pagitan ng kanilang relasyon. Ito umano ang makakatulong upang mas maging successful ang isang relasyon at malampasan ang kahit anong problemang susubok sa kanilang pagsasama. Ayon iyan kay Dr. Danielle Kepler, isang therapist mula sa Chicago, Illinois.
Ang mga katangian ng magandang relasyon na ito ay dapat taglayin ng bawat pagsasama na nagnanais tumagal at maging tunay na masaya.
Mga uri ng sikreto na nakakasira ng pagsasama ng pamilya
Narito naman ang tatlong uri ng sikreto sa loob ng pamilya na unti-unting sumisira ng inyong relasyon.
1. Pansariling sikreto
Normal sa isang tao ang magkaroon ng pansariling sikreto. Halos lahat tayo ay meron nito. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng romantic relationship ng iyong anak. Dahil bata pa siya at alam niyang pinagbabawal pa ito, ang tanging desisyon lang niya ay ang itago ito. Isa pang karaniwang nararanasan ay ang pagkakaroon ng third party o kaluguyo ng asawa.
Nagtatago tayo ng sikreto dahil alam natin ang consequence na mararanasan sa likod nito.
2. Sikreto sa loob ng dalawang myembro ng pamilya
Nagsisimula ang uri na ito kapag ang isang myembro ng pamilya ay sinabi ang kanyang sikreto sa iba pang myembro nito. Katulad na lamang kapag nalaman ng anak na may kalaguyo ang kanyang tatay at sinabi nito na kailangang sikreto muna sa kanilang nanay.
Dito ay nagkakaroon ng ‘sub-groupings’ na dahilan ng pagkakalayo ng pamilya. Lumalabas rito na may napag-iiwanan na isang member ng pamilya dahil wala siyang alam sa nangyayari.
3. Sikreto sa loob lang ng pamilya
Sa pagkakataon namang ito, involved na ang buong myembro ng pamilya. Kumbaga hindi makakalabas ng bahay at tanging umiikot lang sa mga ito ang sikretong iniingatan nila. Kadalasang nangyayari ito dahil takot silang ilabas ang sikreto dahil sa maaaring maging reaksyon ng ibang tao. Takot sila na mapahiya o mahusgahan.
Ang sikreto na ito ay nagbibigay ng boundary mula sa pamilya at sa outside world. Ang pangunahing papel nito ay ilayo sa kahihiyan at judgement ang buong pamilya.
Source:
Daily Mail, Huffpost
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!