Malaking bagay sa mag-asawa kung alam nila ang nararamdaman ng isa’t isa. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang di pagkakaunawaan at maiaayon ang nararamdaman sa nararamdaman ng asawa. Ngunit, hindi panigurado na ang pagbasa ng nararamdaman ay malalaman agad ng bawat isa kahit pa dekada na ang pagsasama.
Pagaaral sa pagbasa ng nararamdaman
Sa pagsusuri ni Robert Franklin, Jr. ng Anderson University, nalaman niya na pinakamadaling malaman ang nararamdaman ng isang tao base sa mukha. Kung may nararamdaman ang isang tao, galit man o kasiyahan, ang mukha nito ang pinakamagbibigay ng senyales.
Ang pagiging angularidad ng mukha aydahil sag alit ang tao at ang pagiging bilogan naman ang para sa kasiyahan.
“Angularidad” ang pahiwatig ng galit
Kapag nagagalit ang isang tao, ang mga kilay nito ay nagsasalubong at bumababa sa gitna. Ang mga bibig naman ay bumababa ang mga gilid. Ang kilay ay tila bumubuo ng letrang V at ang bibig naman ay letrang X.
Ayon dito, negatibong emosyon ay konektibo sa mga linya at matutulis na gilid. Kapag napansin na tumitigas ang mga linya sa mukha ng asawa, masasabi na ito ay nakakaramdam ng galit.
“Pagkabilog” ang pahiwatig ng kasiyahan
Kapag nakakaramdam ng kasiyahan ang isang tao, ang mga linya sa mukha nito ay lumalambot. Ang mga kilay ay hindi nagmumukhang palaso kundi kuwit. Kung ang mga linya ay mas nagiging kurbada at pabilog, kasiyahan ang nararamdaman ng asawa.
Pagsusuri sa angularidad at pagkabilog
Upang mapatunayan ang naturang pagaaral, gumawa sila Robert Franklin, Jr. ng eksperimento kung saan ang mga larawan ng mukha ay ginawang malabo. Ipinasuri ang mga ito sa 33 na tao kung saan sasabihin nila kung ang tingin nila ay galit ang nasa larawan o masaya.
Sa pagsusuri na ito, kanilang natutunan na kapag ang mga kilay at bibig ay bumubuo ng letrang “X”, ito ay nagsisimbulo ng galit. Kapag ang kilay at bibig naman ay bumubuo ng hugis diyamante, ito ay nagbibigay senyales ng kasiyahan.
Ayon din sa nasabing pagaaral, kahit pa walang pinapakitang ekspresyon ang isang mukha maaari paring basahin ang nararamdaman nito. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagobserba sa mga linya ng mukha kung malambot o matalim.
Magagamit ang pagaaral na ito sa dalawang paraan upang mapagtibay ang pagsasama ng mag-asawa. Una, sa pagbasa sa mga linya na nasa mukha ng asawa. Suriin kung siya ay naging masaya o nagalit. Sunod sa pag-kontrol ng sariling mga linya sa mukha. Kung hindi nais na magparating ng mensahe na nagagalit, iwasan ang pagpapakita ng angluridad sa mukha.
Source: Psychology Today
Basahin: Isang #RealTalk na liham mula sa isang misis para sa kaniyang mister
Photo: istockphoto
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!