LOOK: Angel Locsin at Neil Arce, nakalipat na sa kanilang bagong bahay

Angel at Neil, masaya sa buhay nila bilang bagong mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angel Locsin at Neil Arce house tour masayang ginawa ng bagong kasal para sa mga fans at followers nila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng paglilipat-bahay ng bagong ka sal na sila Angel Locsin at Neil Arce.
  • Mga pagbabago sa buhay ni Angel at Neil sa ngayong magkasama na sila sa iisang bahay.

Angel Locsin at Neil Arce house tour

Nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce. Ito ay itinampok ng bagong kasal sa kanilang pinaka-bagong vlog, pati narin sa mga post nila sa social media.

Ayon kay Angel at Neil ay hindi naging madali ang paghahanap nila sa bahay na kanilang titirhan bilang mag-asawa. Sa katunayan ay matagal umano silang naghanap ng bahay na tutugma sa needs nila.

“Ang tagal naming naghanap. Siyempre kailangan komportable kami, okay sa locations ng trabaho namin at kaya ng budget.”

Ito ang sabi ni Angel sa panimula ng kanilang vlog kung saan tampok ang house tour nila.

Mabuti na nga lang umano at ini-offer ng pamilya ni Neil ang old house nila. Ito ang ni-renovate nila Angel at Neil base sa taste at style nilang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong una ay ayaw sana umanong tanggapin nila Angel ang bigay na bahay na ito ng pamilya ni Neil. Pero para makapatipid at para hindi nar in sila mahirapang maghanap pa ay tinanggap na lang nila ito.

“Ayaw na sana namin tanggapin. Siyempre nakakahiya eh. Ayaw namin umasa.” sabi ni Angel.

“Sobrang laking ginhawa, sobrang laking tipid namin sa maraming bagay. Medyo old house siya. Rinenovate lang namin ng konti,” dagdag naman ni Neil.

Image from Angel Locsin’s official Facebook account

Mga pagbabago sa buhay at bahay nila Angel at Neil

Pagbabahagi pa ni Angel sa kaniyang Instagram ay hindi naging madali ang ginawa nilang renovation sa lumang bahay nila Neil. Pero sa itsura at ambiance nito ngayon ay sulit ang mga ginawa nilang effort at changes dito.

“For the past months, it’s been our project to turn our new house into a home. Definitely not as easy (haha) as we thought it would be.

BUT it was worthwhile! Natutunan namin how to compromise and negotiate our own individual styles, and make OUR touches become more visible in every area.”

Ito ang sabi ni Angel sa Instagram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Angel Locsin’s official Facebook account

Sa kanilang house tour ay makikita ang mga collections ng mag-asawa. Mula sa mga paintings, sculptures at libro na karamihan ay regalo rin nila sa isa’t isa.

Ibinahagi rin ng aktres na bilang parte ng pagsisimula sa buhay may pamilya ay ibinibenta niya na ang kaniyang “baby”. Ito ay ang Hummer na sasakyang ginagamit niya sa mga shootings noon sa lahat ng mga naging teleserye niya. Masakit pero ayon kay Angel ay kailangan niya na itong i-let go.

“Nag-promise ako dati na hindi ko ito i-le-let go. Darating ‘yong araw siyempre nag-asawa ka na or dumating din ‘yong pandemic ma-realize mo talaga kung ano ‘yong dapat i-keep mo.

So kahit sobrang mahal na mahal ko itong sasakyan na ito, technically hindi ko na siya kailangan. Actually may bumili na nito.

Parang ako ata ‘yong unang babae sa Pilipinas na nagkaroon ng Hummer. Nagamit ko siya nung Asian Treasure days, The General’s Daughter, sa halos lahat ng teleserye ko.”

Ito ang nasabi ni Angel tungkol sa paglelet-go sa paborito niyang sasakyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK: Neil Arce at Angel Locsin ikinasal na!

Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya”

4 na downside kapag nakikitira sa bahay ng biyenan

Angel at Neil masaya sa bago nilang bahay at buhay mag-asawa

Image from Angel Locsin’s official Facebook account

Samantala, sa ginawang interview ni Karen Davila sa bagong kasal na sila Angel at Neil ay ibinahagi ng mga ito ang naging pababago sa buhay nila ngayong sila ay nakatira na sa iisang bahay.

Kuwento ni Angel, sa ngayon ay nangangapa pa siya.

“Hindi ako sanay na may kasama sa bahay. May sarili akong rules ganoon din si Neil, so parang nangangapa pa.”

Ito ang sabi ni Angel. Pero sa unang araw at gabi nila sa bago nilang bahay, ay wala umano naging problema. Sa katunayan, naging napaka-suwabe nga umano ng first night nilang magkasama at naging masaya.

Ayon kay Neil, malaking pagbabago para sa kaniya na kasama niya na si Angel ngayon sa iisang bahay. Dahil mas nagiging kampante siya na katabi ito matulog sa gabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When I am sleeping and when I wake up at night and feel a bit scared or something kakayanin ko kapag nakakapa ko siya sa tabi ko.  I know she’s there. It might sound shallow, but it’s important. It keeps you sane.”

Ito ang pahayag ni Neil.

Habang para naman kay Angel ay nai-enjoy niya ngayon ang mga bagay na hindi nila nagagawa noon. Tulad ng mga pagtulog sa gabi at pagising sa umaga ng magkatabi.

“I love yung mga good nights at mga good mornings. Mga good morning dance niya yung mga ganoong ka-simpleng bagay. Kasi kilala ko na siya e so yung mga ganoong bagay na hindi namin nai-experience before, priceless siya e.”

Ito ang masayang pagbabahagi ni Angel sa buhay nila ni Neil ngayon bilang mag-asawa.

 Source:

YouTube, The Angel and Neil Channel

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement