TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Neil Arce at Angel Locsin ikinasal na!

5 min read
LOOK: Neil Arce at Angel Locsin ikinasal na!

Angel sinabing sigurado siyang magiging masaya ang future niya kasama ang mister niya na ngayong si Neil Arce.

Neil Arce and Angel Locsin wedding, simple ngunit naging napakasaya para sa dalawa na sa wakas ngayon ay ganap ng mag-asawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Neil Arce and Angel Locsin wedding details.
  • Mga paghahanda na ginawa ni Neil Arce at Angel Locsin sa pagpasok sa buhay mag-asawa.

Neil Arce and Angel Locsin weddingImage from Nice Print Photography

Neil Arce and Angel Locsin wedding

Kahapon, August 7 ay ginulat nina Neil Arce at Angel Locsin ang lahat ng i-anunsyo nilang sila ay kasal na. Ito ay kanilang ginawa sa pamamagitan ng pinaka-bago nilang vlog post na pinamagatang “Lipat Bahay Gang”. Sa vlog ay tampok ang ginawa nilang pag-iimpake at paghahanda sa lilipatan nilang bahay sa oras na sila ay kasal na.

Ang inakalang simpleng lipat bahay video lang ay may pasabog pala sa dulo na kung saan inanunsyo nila na sila ay kasal na.

“Oh by the way . . . since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married.”

Ito ang nakasulat sa dulong bahagi ng kanilang vlog na sinundan ng larawan sa kanilang naging kasal.

Para sa mga hindi nakapanood ng vlog, ang magandang balita ay ibinahagi rin ng kanilang kaibigan na si Dimples Romana sa kaniyang social media accounts.

“In case you missed the end of their VLOG May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce @therealangellocsin

Ayon naman sa isa pang social media post ni Dimples, ang naging kasal nila Neil at Angel ay pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano. Ito ay isang civil wedding ceremony na nangyari bago ipatupad ang panibagong lockdown sa Maynila.

Matatandaang, una ng nakatakdang ikasal si Angel at Neil ng nakaraang taon. Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay minabuti nilang i-postpone ito.

Mula noon ay hindi na nagbanggit ng eksaktong date ang dalawa sa kung kailan matutuloy ang kasal nila. Pero sabi nila, tuloy na tuloy na daw na ito ngayong taon na kanila ngang naisakatuparan na.

Mr. and Mrs. Arce

Sa kanilang mga Instagram accounts ay nag-post sina Neil at Angel ng mga larawan sa naging kasal nila.

Ayon sa post ni Angel, sa ngayon ay hindi pa siya handang magbigay ng iba pang detalye sa kanilang kasal dahil siya ay kinikilig pa.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

“..and just like that ❤️ Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig ????❤️”

Ito ang nasabi ni Angel sa kaniyang Instagram post.

Samantalang si Neil naman ay may isang salita lang na inilagay sa isa sa mga unang larawan nila ni Angel bilang mag-asawa. “Pamine”, dahil sa ngayon si Angel ganap na misis na niya.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Mga paghahanda nina Angel at Neil sa buhay may asawa

Sa vlog kung saan ibinalita nina Angel at Neil na sila ay kasal na ay nakuwento ni Neil kung bakit naging biglaan ang pagpapakasal nila ni Angel. Ito ay dahil hindi niya inakalang mabibili niya agad ang singsing na gusto niya para sa asawa.

“Naghanap ako ng ring sabi ko hindi ako gagalaw ng from bank account ko, pero from now on lahat ng kikitain ko doon mapupunta.

Sabi ko Lord ikaw na bahala kung gaano katagal ‘yon, e. Nagulat ako for some weird reason in 2 months naabot ko iyong amount.”

Ito ang pagkukuwento ni Neil sa singsing na ibinigay niya kay Angel na ayon sa mga reports ay milyon ang halaga.

Neil Arce and Angel Locsin wedding

Image from Nice Print Photography

Sa parehong vlog ay napag-usapan rin ang mga ginagawang paghahanda nina Neil at Angel sa buhay may-asawa.

Ayon kay Angel, nangunguna ang “no cheating” rule sa mga non-negotiables nila kapag sila ay mag-asawa na. At willing daw siyang mag-adjust sa mga bagay na ayaw ni Neil para maging maayos ang pagsasama nila.

“Kilala namin ang isa’t-isa para ma-detect kung ano iyong ayaw. Kunyare, Si Neil sanay siya na nakikita ako lagi hindi ako puwede mag-travel very random tulad ng dati na alis ako today. Kailangan mong mag-inform sa kung anong gagawin mo.”

Ito ang nasabi ni Angel sa isa mga magiging adjustments niya kapag mag-asawa na sila ni Neil. Dagdag pa ang paggawa ng mga gawaing-bahay na alam niyang siya ang gagawa.

BASAHIN:

Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya”

Angel Locsin on Nov. 8: “We were supposed to get married today.”

REAL STORIES: It took us 12 years bago kami nag-decide na magpakasal

Angel excited ng magkaanak at handang-handa na sa buhay may asawa kasama nila Neil

Neil Arce and Angel Locsin wedding

Image from Nice Print Photography

Kuwento pa ni Angel ay excited narin siyang magkaanak. Noong una nga ay gusto niya daw sana ng kambal pero dahil sa nakita niyang mahirap mag-alaga base sa karanasan ng mga kaibigan niya ay sinabi niyang puwede naman na ang isa.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

“Nakita ko mga kaibigan ko na nagka-babies na at kung gaano kahirap mag-alaga ng bata ay sabi ko parang hindi ko kaya ng sabay, so kahit isa nalang.”

angel at neil arce wedding

Image from Nice Print Photography & Exige Weddings

Ito ang sabi ni Angel. Pero base sa isa pa niyang pahayag ibinahagi ni Angel kung gaano kahalaga sa buhay niya ang mister na niya ngayong si Neil Arce. Ayon kay Angel, basta kasama si Neil sigurado siyang magiging masaya ang future niya.

“With Neil maraming bagay na hindi ako siguradong mangyayari sa future natin, pero kung kay Neil ok ako. Kung maghirap kami sa future, magkagulo sa future basta si Neil ang kasama ko, masaya yung future ko.”

Ito ang nasabi ni Angel Locsin na si Mrs. Arce na sa ngayon.

Source:

ABS-CBN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Neil Arce at Angel Locsin ikinasal na!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko