Angel Locsin on her father: "Kalahati sa Pilipinas alam ‘yong mukha ko pero tatay ko hindi ako nakikita"  

Naiyak si Angel Locsin nang maalala ang kalagayan ng kaniyang father. Alamin sa article na ito ang buong istorya at kung kumusta ang buhay may-asawa ni Angel Locsin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi napigilang umiyak ni Angel Locsin sa interview ni Ogie Diaz tungkol sa kaniyang tatay. Aniya, isa sa biggest regret niya na hindi siya nakita ng sariling ama noong panahon ng kaniyang kasikatan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angel Locsin emosyonal nang maalala ang kaniyang father
  • Buhay mag-asawa nina Angel at Neil

Angel Locsin emosyonal nang maalala ang kalagayan ng kaniyang father

Sa isang interview sa vlog ni Ogie Diaz, naikwento ni Angel Locsin kung gaano kabuti ang kaniyang father.

Noong bata pa umano si Angel Locsin ay isa siyang swimmer at ang father niya lang ang only parent na nakatayo sa gilid ng pool hanggang matapos ang training. Saad pa niya, kitang-kita umano ng kaniyang father kung nandaraya siya sa laps niya at kung tinatamad siyang mag-training.

Noon ay iniisip niyang masyadong mahigpit ang father niya, ngunit ngayon ay mas naiintindihan na niya na limitado lang ang oras ng tao. At maswerte siya na inilaan ito ng father niya para makasama siya, 

“Yong oras na binibigay sa 'yo ng tao malamang marami siyang mas gustong gawin. Kaya lang hindi niya ginawa kasi gusto niyang kasama ka niya."

Larawan mula sa Instagram ni Angel Locsin

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ni Angel Locsin, nasa elementarya siya nang magpa-laser ng mata ang kaniyang Tatay at doon lang nila nalaman na matagal na pa lang bulag ang isa nitong mata.

Nang tanungin nila kung bakit hindi nito sinabi sa kanila ang lagay ng isang mata, ay dahil raw sa hindi naman na kailangan. Katwiran ng father ni Angel Locsin, nakakapag-function pa naman siya nang maayos.

Ngunit 3 years matapos magpa-laser, nagkaroon ng retinal detachment ang father ni Angel Locsin at tuluyan nang hindi nakakita.

Pahayag niya, may available treatment naman daw noong panahon na ‘yon ngunit hindi pa kaya ng aktres ang gastusin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabila ng pagkabulag ay hindi pa rin nagbago ang pagiging supportive ng father ni Angel Locsin. Kahit hindi nakakakita ay nanonood umano ito ng kaniyang mga teleserye at nakikinig ng mga balita tungkol sa kaniya.

“Gumagawa siya ng paraan para maging involved pa rin siya sa buhay ko.”

Larawan mula sa Instagram ni Angel Locsin

Emosyonal na binalikan ni Angel Locsin ang kasagsagan ng kaniyang pagsikat kung kailan ay hindi na umano nakikita ng father niya ang kaniyang mukha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Siguro 'yon ang pinakapinanghihinayangan ko sa buong buhay ko. Lalo na dati nong peak ko. Halos anong part ng EDSA may billboard ako, sunod-sunod…” simula ni Angel.

“Siguro kalahati sa Pilipinas alam ‘yong mukha ko. Pero ‘yong tatay ko hindi alam ‘yong mukha ko,” dagdag pa niya.

Proud naman si Angel Locsin dahil hindi pinababayaan ng kaniyang father ang sarili. Nag-e-exercise daw ito at walang bisyo. Sa edad na 95 ay masasabing malakas pa rin ang ama.

Hindi rin malilimutan ni Angel Locsin na ang kaniyang father ang nagturo sa kaniya na maging humble. Saad ni Angel Locsin, palaging paalala ng father niya na matuto siyang makisama sa ibang tao dahil hindi siya ang pinakaimportanteng tao sa mundo.

Salaysay pa ng aktres,

“Ang happiness ng tao hindi naman nasusukat sa haba ng tinagal mo rito sa mundo.”

BASAHIN: 

Angel Locsin to husband Neil Arce on his birthday: “Mag-aral ka lang mag-picture, sobrang perfect mo na talaga!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Angel Locsin at Neil Arce, nakalipat na sa kanilang bagong bahay

Angel Locsin on 94-year-old dad battling COVID: "It’s been a week of feeling helpless"

Angel Locsin happy sa buhay may-asawa

Larawan mula sa Instagram ni Neil Arce

Masaya naman umano si Angel Locsin sa buhay niya kasama ang asawang si Neil Arce. Wala pa mang planong magkaroon ng anak sa ngayon ay hindi naman daw problema ito sa kanilang mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinaliwanag nga ni Angel na kailangang gumaling muna ang kaniyang thyroid problem bago sila payagang magkaroon ng baby.

Labis din umano ang kaniyang tuwa para sa pregnant friends na sina Dimples Romana at Angelica Panganiban. Giit niya, wala siyang nararamdamang inggit sa mga ito.

“Happy rin ako na wala pa ako sa ganong posisyon sa totoo lang. 'Pag oras mo na talaga, 'pag tingin ni Lord na you’re ready bibigyan ka naman niya ng blessing eh,” saad ng aktres.

Larawan mula sa Instagram ni Angel Locsin

Aminado naman daw siya na tuwing nakikita ang kaibigang si Anne Curtis na hands-on sa pag-aalaga sa anak ay naiisip niya na gusto niya ring maging tulad nito.

Aniya, natatakot nga raw siya dahil pakiramdam niya ay magiging stage mother siya sa kaniyang anak dahil masyado siyang protective sa mga kaibigan.

Pero sa ngayon ay hindi aniya ma-explain ‘yong pagmamahal na handang-handa niyang ibigay sa kaniyang magiging anak.

Wala na rin daw pakialam si Angel Locsin sa mga basher na todo lait sa kaniyang body size. Ina-acknowledge naman daw niya na malaki siya at hindi naman ito issue sa kaniya. Ang mahalaga umano sa kaniya ay maganda siya sa paningin ng kaniyang asawa at masaya ang kanilang pagsasama.

Saad niya, marami naman na raw siyang napatunayan sa kaniyang sarili at sa ibang tao at masaya siya roon. Dagdag pa rito, hindi muna gagawa ng mga teleserye si Angel Locsin dahil gusto niya munang ma-enjoy ang honeymoon stage nila ni Neil Arce.

 

YouTube

Sinulat ni

Jobelle Macayan