X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angel Locsin to husband Neil Arce on his birthday: “Mag-aral ka lang mag-picture, sobrang perfect mo na talaga!”

5 min read

Angel Locsin may funny but sweet message sa husband niyang si Neil Arce.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Angel Locsin sweet and funny birthday greeting to husband Neil Arce.
  • Love story nina Neil Arce at Angel Locsin.

Angel Locsin sweet and funny birthday greeting to husband Neil Arce

angel locsin with husband neil arce

 

Image from Angel Locsin's Facebook account

For sure, maraming misis ang makaka-relate sa naging birthday greeting ng aktres na si Angel Locsin sa mister nitong si Neil Arce. Si Angel may funny but sweet na mensahe para sa mister sa naging 39th birthday nito.

Sa kaniyang Instagram ay binati ng aktres ang mister niyang si Neil Arce ng maligayang kaarawan. Pero hindi lang ito basta “happy birthday” message.

Si Angel binuking na hindi magaling kumuka ng litrato niya si Neil. Hindi tulad nina Erwann Heussaff, Dingdong Dantes at Dominic Roque sa mga misis at girlfriend nila.

Ngunit sa kabila nito, ay hindi naman siya nanghinayang sa asawa. Dahil sa piling nito siya naman daw ay puno ng pagmamahal at kasiyahan. Higit sa lahat nag-eeffort naman umano ito na makakuha ng pinakamagandang litrato niya.

“Hindi man siya kasing galing nila @erwan @dongdantes at @dominicroque mag-picture, hindi naman siya nahuhuli pagdating sa effort

Kaya talo man ako sa ganda ng feed nila @annecurtissmith @marianrivera at @beaalonzo , panalo naman ako sa pagmamahal at kasiyahan na binigay niya sakin.”

Ito ang pabirong sabi ni Angel sa kaniyang Instagram account.

Dagdag niya pa dito, mag-aral lang mag-picture ang mister, magiging sobrang perfect na nito para sa kaniya.

Kalakip nga ng nakakatuwa at sweet niyang mensahe na ito para sa mister na si Neil ay ilang mga litrato nila na magkasama.

“Maligayang kaarawan my love @neil_arce. Mag-aral ka lang mag picture, sobrang perfect mo na talaga.”

Ito ang sabi pa ni Angel.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

Sa post na ito ni Angel ay nagsipag-komento ang mga celebrity friends nila. Kabilang na nga sina Anne Curtis, Marian Rivera at Bea Alonzo na sinabi niyang swerte sa mga mister at partner nilang magaling kumuha ng litrato. Ito ang komento nila sa funny but sweet birthday message ni Angel sa mister na si Neil Arce.

marianrivera

Whahahah. Di bale maganda naman subject niya palagi! Happy birthday Neil ! ♥️

annecurtissmith

Hahahaha happy birthday @neil_arce !!!!!!

beaalonzo

Hahahahhaah Happy birthday @neil_arce !!! 

Hindi rin naman siyempre nagpahuli ang iba pang celebrity friends nina Angel at Neil na batiin ito sa kaniyang kaarawan. Sa post nga ni Angel ay sinabi ng aktres na si Angelica Panganiban na kahit si Neil ang may birthday, ito raw ang nagbigay ng regalo sa kanila. Si Neil ay kilalang film producer at businessman sa mundo ng showbizness.

Angel Locsin to husband Neil Arce on his birthday: Mag-aral ka lang mag-picture, sobrang perfect mo na talaga!

Si Neil may sagot sa funny but sweet message ni Angel para sa kaniya. Maliban sa pagpapasalamat sa birthday greeting at pagmamahal na ibinibigay ni Angel bilang kaniyang misis. Ayon kay Neil, si Angel rin daw ang dahilan ng happiness at contentment na mayroon siya ngayon.

“You’re the reason I'm happy, content and sane! Thank you my Love.”

Ito naman ang message ni Neil para kay Angel.

Samantala, sa isa pang IG post ni Angel ay sinabi niyang si Neil rin ang favorite niyang human being sa lahat.

BASAHIN:

Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya”

LOOK: Neil Arce at Angel Locsin ikinasal na!

REAL STORIES: It took us 12 years bago kami nag-decide na magpakasal

Love story nina Neil Arce at Angel Locsin

angel locsin with husband neil arce

Bago pa man maging magkarelasyon, sina Angel Locsin at Neil Arce ay malapit na magkaibigan. Taong 2017 ng mapabalitang may nabubuong pagtitingan sa pagitan ng dalawa.

Bunsod ito ng mga litrato at post nila sa social media. Hanggang sa sumunod na taon ay isinapubliko na nga nilang sila ay opisyal ng may relasyon.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Magkasama pa nga silang umattend sa kasal ng aktres na si Anne Curtis at Erwann Huessaff sa Switzerland noong taon ring iyon.

“Eight years kaming barkada. So, alam namin 'yong pinagdaanan ng isa’t isa. Siguro mas ingat lang, iniingatan lang namin ang isa’t isa. Kasi kapag nag-away kami, wala kaming ibang makakausap.”

Ito ang sabi ni Angel sa isang panayam kung paano sila nagkahulugan ng loob ni Neil.

Sa sumunod na taon noong Hunyo ng 2019, inanunsyo ni Angel na siya ay engaged na kay Neil Arce. Ito ay matapos ang higit sa isang taon nilang pag-iibigan at isang dekadang pagkakaibigan.

At noon ngang August 2021, sa pamamagitan ng isang vlog na inakala ng lahat sa simula na simpleng lipat bahay lang, ibinahagi nina Angel at Neil na sila ay kasal na. Ito ay sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Matatandaang, una ng nakatakdang ikasal si Angel at Neil ng taong 2020. Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay minabuti nilang i-postpone ito. Hanggang sa lingid sa kaalaman ng lahat ay naganap na nga ito at sila ay naging opisyal ng sina Mr. at Mrs. Arce.

 

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angel Locsin to husband Neil Arce on his birthday: “Mag-aral ka lang mag-picture, sobrang perfect mo na talaga!”
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.