Angel Locsin may funny but sweet message sa husband niyang si Neil Arce.
Mababasa sa artikulong ito:
- Angel Locsin sweet and funny birthday greeting to husband Neil Arce.
- Love story nina Neil Arce at Angel Locsin.
Angel Locsin sweet and funny birthday greeting to husband Neil Arce
Image from Angel Locsin’s Facebook account
For sure, maraming misis ang makaka-relate sa naging birthday greeting ng aktres na si Angel Locsin sa mister nitong si Neil Arce. Si Angel may funny but sweet na mensahe para sa mister sa naging 39th birthday nito.
Sa kaniyang Instagram ay binati ng aktres ang mister niyang si Neil Arce ng maligayang kaarawan. Pero hindi lang ito basta “happy birthday” message.
Si Angel binuking na hindi magaling kumuka ng litrato niya si Neil. Hindi tulad nina Erwann Heussaff, Dingdong Dantes at Dominic Roque sa mga misis at girlfriend nila.
Ngunit sa kabila nito, ay hindi naman siya nanghinayang sa asawa. Dahil sa piling nito siya naman daw ay puno ng pagmamahal at kasiyahan. Higit sa lahat nag-eeffort naman umano ito na makakuha ng pinakamagandang litrato niya.
“Hindi man siya kasing galing nila @erwan @dongdantes at @dominicroque mag-picture, hindi naman siya nahuhuli pagdating sa effort
Kaya talo man ako sa ganda ng feed nila @annecurtissmith @marianrivera at @beaalonzo , panalo naman ako sa pagmamahal at kasiyahan na binigay niya sakin.”
Ito ang pabirong sabi ni Angel sa kaniyang Instagram account.
Dagdag niya pa dito, mag-aral lang mag-picture ang mister, magiging sobrang perfect na nito para sa kaniya.
Kalakip nga ng nakakatuwa at sweet niyang mensahe na ito para sa mister na si Neil ay ilang mga litrato nila na magkasama.
“Maligayang kaarawan my love @neil_arce. Mag-aral ka lang mag picture, sobrang perfect mo na talaga.”
Ito ang sabi pa ni Angel.
Sa post na ito ni Angel ay nagsipag-komento ang mga celebrity friends nila. Kabilang na nga sina Anne Curtis, Marian Rivera at Bea Alonzo na sinabi niyang swerte sa mga mister at partner nilang magaling kumuha ng litrato. Ito ang komento nila sa funny but sweet birthday message ni Angel sa mister na si Neil Arce.
marianrivera
Whahahah. Di bale maganda naman subject niya palagi! Happy birthday Neil ! ♥️
annecurtissmith
Hahahaha happy birthday @neil_arce !!!!!!
beaalonzo
Hahahahhaah Happy birthday @neil_arce !!!
Hindi rin naman siyempre nagpahuli ang iba pang celebrity friends nina Angel at Neil na batiin ito sa kaniyang kaarawan. Sa post nga ni Angel ay sinabi ng aktres na si Angelica Panganiban na kahit si Neil ang may birthday, ito raw ang nagbigay ng regalo sa kanila. Si Neil ay kilalang film producer at businessman sa mundo ng showbizness.
Si Neil may sagot sa funny but sweet message ni Angel para sa kaniya. Maliban sa pagpapasalamat sa birthday greeting at pagmamahal na ibinibigay ni Angel bilang kaniyang misis. Ayon kay Neil, si Angel rin daw ang dahilan ng happiness at contentment na mayroon siya ngayon.
“You’re the reason I’m happy, content and sane! Thank you my Love.”
Ito naman ang message ni Neil para kay Angel.
Samantala, sa isa pang IG post ni Angel ay sinabi niyang si Neil rin ang favorite niyang human being sa lahat.
BASAHIN:
Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya”
REAL STORIES: It took us 12 years bago kami nag-decide na magpakasal
Love story nina Neil Arce at Angel Locsin
Bago pa man maging magkarelasyon, sina Angel Locsin at Neil Arce ay malapit na magkaibigan. Taong 2017 ng mapabalitang may nabubuong pagtitingan sa pagitan ng dalawa.
Bunsod ito ng mga litrato at post nila sa social media. Hanggang sa sumunod na taon ay isinapubliko na nga nilang sila ay opisyal ng may relasyon.
Magkasama pa nga silang umattend sa kasal ng aktres na si Anne Curtis at Erwann Huessaff sa Switzerland noong taon ring iyon.
“Eight years kaming barkada. So, alam namin ‘yong pinagdaanan ng isa’t isa. Siguro mas ingat lang, iniingatan lang namin ang isa’t isa. Kasi kapag nag-away kami, wala kaming ibang makakausap.”
Ito ang sabi ni Angel sa isang panayam kung paano sila nagkahulugan ng loob ni Neil.
Sa sumunod na taon noong Hunyo ng 2019, inanunsyo ni Angel na siya ay engaged na kay Neil Arce. Ito ay matapos ang higit sa isang taon nilang pag-iibigan at isang dekadang pagkakaibigan.
At noon ngang August 2021, sa pamamagitan ng isang vlog na inakala ng lahat sa simula na simpleng lipat bahay lang, ibinahagi nina Angel at Neil na sila ay kasal na. Ito ay sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.
Matatandaang, una ng nakatakdang ikasal si Angel at Neil ng taong 2020. Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay minabuti nilang i-postpone ito. Hanggang sa lingid sa kaalaman ng lahat ay naganap na nga ito at sila ay naging opisyal ng sina Mr. at Mrs. Arce.