Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures

Ano na nga ba ang itsura ni Angel Locsin now? Netizens, nagpaabot ng saloobin tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Netizens, nagpaabot ng appreciation kay Angel Locsin dahil sa mga photos niya na lumabas ngayon. Bagama’t marami ang pumuna sa kanyang weight gain, mas marami pa rin ang nabilib sa kanyang mga effort na tumulong sa mga tao.

Angel Locsin now

Nagpaabot ng appreciation at compliment ang mga netizens kay Angel Locsin kasabay ng paglabas ng mga photos nito kung saan makikita ang pagbabago sa kanyang weight at body shape.

Photo from Rappler

Ayon sa mga netizens, wala siyang kailangang patunayan dahil ang aktres pa rin ang itinuturing nilang ‘darna’. Hindi raw nagbago ang kanilang tingin dahil ito ay maganda pa rin kahit pa hindi siya mag-ayos at magpa-sexy.

Mas mahalaga umano na patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan, lalo na sa sitwasyon ngayon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng relief operations si Angel dahil kahit na sa bagyo o anumang sakuna ay present ang aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Twitter

Giit naman ng aktres, wala pa siya sa kalingkingan ng ‘superhero’ na tinatawag sa kanya ng mga tao. Siya raw ay simple lamang na tao.

“Bilang ginampanan ko si Darna, at alagang-alaga ako sa character ni Darna, isang malaking compliment sa akin ‘yun kasi alam ko kung gaano kabuting tao si Darna and si Narda ang hangarin nila is pure. Pero kung tutuusin, wala ako sa kalingkingan, ‘yun ‘yung reality doon.”

Shop and Share movement

Noong June 20, ibinahagi ni Angel na nakalikom sila ng funds para makabili ng 600 test kits para sa mga stranded na Fiipinos sa pamamagitan ng campaign na Shop and Share. Ito ay ni-launch niya kasama ng co-actress na si Anne Curtis.

Ang movement na ito ay nagsimula noon pang 2009 para sa Typhoon Ondoy relief operations. Ngunit ito ay ni-relaunch nitong May para naman i-aid ang relief para sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We’ve officially begun! Because of your overwhelming support we were able to provide 600 COVID-19 test kits for some of our stranded kababayans that reached out to us.”

Tumulong na rin sa movement na ito noon sina Pia Wurtzbach, Liza Soberano at Vice Ganda kung saan nagbenta sila ng mga pre-loved items upang makapag-raise ng funds.

Public service program, “Iba Yan”

Bukod sa Shop and Share movement, Angel Locsin now hosts a public service program na tinatawag na “Iba Yan”. Ito ay isang docu-reality show kung saan ipapakita niya ang iba’t ibang buhay ng mga Pilipino. Ito ay directed syempre ng kanyang fiance na si Neil Arce.

“Pero I’m very flattered kasi siguro napapanood nila ‘yung mga ginagawa kong projects pero isa lang akong simpleng tao, hindi ako bilyonaryo, hindi ako mayaman, hindi rin ako laging nauuna.”

Image from Twitter

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Spotted din ang aktres sa isang coastal town sa Quezon kung saan kumakain siya kasama ang isang pamilya ng pagkain na siya mismo ang nag-prepare.

 

 

Image from Facebook

Ayon sa mga nakakita at nakasama niya, napaka-down to earth daw talaga ng aktres. Bagama’t nagte-tape ng episode ng docu si Angel noon, hindi pa rin makakaila na talagang busilak ang puso niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I think ‘yung mga ganitong tao kasi dapat bigyan kasi talaga ng pasasalamat sa laki ng naitulong nila sa atin ngayong panahon ng pandemya especially. ‘Yun ‘yung target din namin ng show bukod sa magbigay ng inspirasyon o ng good vibes.”

Malapit nang ipalabas ang docu series na ito at nito lamang June 8 ay ibinahagi na ni Angel ang full trailer nito. Maari naman itong mapanood sa new Kapamilya channel tuwing Linggo.

 

Source:

Inquirer,Bandera,

Rappler

Basahin:

Coleen Garcia, gusto ng natural at unmedicated childbirth para sa kaniyang first baby

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie