TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Angeli Khang idinemanda ang ama matapos ang labis na pang-aabuso nito sa kaniya

3 min read
Angeli Khang idinemanda ang ama matapos ang labis na pang-aabuso nito sa kaniya

Matinding pang-aabuso pala ang dinanas ng aktres na si Angeli Khang mula sa sariling ama. Umabot pa ito sa pagsasampa ng kaso.

Matinding pang-aabuso pala ang naranasan ng aktres na si Angeli Khang sa kamay ng kaniyang sariling ama. Umabot na raw kasi sa madalas na pisikal na pananakit ang ‘pagdidisiplina’ nito sa kaniya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeli Khang sinampahan ng kaso ang ama dahil sa physical abuse
  • Akala niya normal lang ito sa mga magulang

Angeli Khang nakaranas ng matinding physical abuse, idinemanda ang ama!

Ibinahagi ng aktres na si Angeli Khang ang naranasan nitong pang-aabuso mula sa sariling ama. Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ng aktres na sinampahan ng kaniyang ina ng kaso ang kaniyang tatay dahil sa pisikal na pang-aabuso nito sa kaniya at maging sa mga kapatid niya noong sila ay menor de edad pa lang.

angeli khang

Larawan mula sa Instagram ni Angeli Khang

Sadyang labis ang pagiging istrikto ng kaniyang ama dahil na rin daw sa dating trabaho nito. Former military officer kasi ito sa Amerika. At ang ‘military discipline’ na nakasanayan nito ay nadala niya maging sa parenting style niya sa kaniyang mga anak.

Kwento ni Angeli Khang, “One time…may makita siyang dos por dos, nung nakita niya ‘yun sinaktan niya agad ‘yung kuya ko, pinalo sa likod. And hindi pula ang lumabas sa likod ng kuya ko, color purple na.”

Ito raw ang naging dahilan para tumakas at umuwi sa Pilipinas ang kuya ng aktres. Nang maiwan si Angeli sa poder ng ama, doon niya naranasan ang pisikal na pang-aabuso nito sa kaniya.

“Ang way niya sa’kin, bigla niya ‘kong nginudngod sa hugasan ng mga plato. Nginudngod niya ‘ko do’n, at one-week niya ‘kong hindi pinakain,” kwento nito.

angeli khang

Larawan mula sa Instagram ni Angeli Khang

Akala niya normal lang ito sa magulang

Dahil bata pa ay lumaki na sa pananakit ng ama, inakala umano ni Angeli na normal lamang ang ginagawang pagdidisiplina nito sa kanila.

“I actually thought that was a normal [parenting]… But, hindi ko na-realize na sobra-sobra na pala. Na hanggang sa na-realize ko na lang na pumapasok ako sa school na may pasa, dumudugo ‘yung kamay ko…”

angeli khang

Larawan mula sa Instagram ni Angeli Khang

Nalaman umano ng pinapasukang school ni Angeli sa Saipan ang ginagawa ng tatay niya at pinatawag ito. Dito na siya pinauwi ng tatay niya sa Pilipinas.

Pero pagkauwi ng Pilipinas ay nakita ng nanay niya kung ano ang sinapit ng anak. At doon ay agad na nagsampa ng kaso ang ina nito laban sa ama.

Sa ngayon ay may naka-abang nang warrant of arrest sa ama ni Angeli, at sakaling umuwi ito ng Pilipinas ay maaari itong hulihin agad ng pulisya.

GMA Entertainment

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Angeli Khang idinemanda ang ama matapos ang labis na pang-aabuso nito sa kaniya
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko