TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

WARNING: Ito ang epekto kapag tinatakot ang bata bilang paraan ng pagdidisiplina

5 min read
WARNING: Ito ang epekto kapag tinatakot ang bata bilang paraan ng pagdidisiplina

Ang labis na takot maaring magdulot ng psychological problem sa iyong anak. Kaya mas mabuting tigilan na ang pananakot sa kaniya.

Epekto ng pananakot sa bata, maaari niyang madala o katakutan kahit siya ay matanda na.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang masamang epekto ng pananakot sa bata
  • Paano mapapasunod ang iyong anak sa tamang paraan?

Epekto ng pananakot sa bata

Epekto ng pananakot sa bata

credit to sources

Karamihan sa ating mga magulang ay gumagamit ng pananakot para disiplinahin o pasunurin ang ating mga anak. Pero alam ninyo ba na ang paggawa nito ay maaaring magdulot ng matinding takot sa inyong anak na maaaring maging dahilan para ayawan niyang maglaro ng mag-isa kahit sa loob ng bahay?

Maaaring para sa ibang mga mommies ay isa lang itong joke. Pero kung lagi o madalas itong ginagawa ay hindi imposibleng maging duwag ang iyong anak paglaki. O kaya naman ay magkaroon ng mababang self-confidence sa sarili at umiwas na sumubok ng mga bagong karanasan.

Ang pananakot sa bata maaari niyang madala hanggang sa pagtanda

Epekto ng pananakot sa bata

credit to sources

“Naikuwento ng isa sa mga kaibigan ko na lagi siyang tinatakot ng mga magulang niya noon tungkol sa mga “bad guys” o masasamang loob.

Dahil dito, lumaki siyang hindi kayang tumayo sa sarili niyang paa at takot maglakad ng mag-isa sa pag-aakalang baka may mangyaring masama sa kaniya.

Isang gabi, pagkagaling namin sa school ay kinailangan niya pang tawagan ang kapatid niya para pagbuksan lang ang kanilang gate.

Dahil sa natatakot siyang gawin ito ng mag-isa at baka may biglang dumating ng mga “bad guys” bigla siyang kunin at saktan.”

Ito ang isang halimbawa ng epekto ng pananakot sa bata ng mga magulang. Bagama’t ito ang pinakamabisang paraan para pasunurin ang isang bata, ang negatibong epekto nito maaari niyang madala hanggang sa kaniyang pagtanda.

Mga nakasanayan nating pananakot sa bata

Marami sa ating mga magulang na ngayon ang lumaki rin sa pananakot ng mga nakakatanda. Ito ay dahil naniniwala ang karamihan ng matatanda na ito ang paraan para masiguro na tayo ay ligtas at susunod sa kanilang sinasabi.

Ilan nga sa mga pananakot na ating kinalakihan ay ang mga sumusunod:

  • Huwag kang uuwi ng gabi na kasi may masasalubong kang white lady sa daan.
  • May lalabas na pari na putol ang ulo sa sugat kung hindi ipapagamot.
  • Kapag hindi natulog sa hapon hindi na tatangkad.
  • Huwag sayangin ang kanin, dahil bawat butil ng bigas ay iiyak dahil sila ay may pakiramdam din.
  • Huwag kung saan-saan magpupunta dahil may nangunguha ng bata lalo na sa gabi.
  • Kapag hindi nagpakuto, liliparin ng kuto pataas sa langit.
  • Kapag nakakain ng buto ng prutas ay tutubo ito sa loob ng katawan
  • Huwag kang kakanta sa loob ng kusina kung ayaw mong mapangasawa ng matanda.
  • Magkakaroon ka ng pigsa kung uupo ka sa unan.
  • Hindi dapat umuupo sa hagdan ang mga virgin na babae dahil baka wala ng mag-propose sa kaniya na lalaki.

Ilan lamang ito sa ipinanakot natin sa ating mga anak para sumunod na hindi natin binibigyan ng paliwanag kung bakit. Bagama’t ito ay epektibo, ang mga pananakot na ito ay may maaring magdulot ng masamang epekto sa mga bata.

Pagdating naman sa pananakot para mag-aral ang anak, ayon, kay Teacher Gabby Roa-Limjoco, sa FB live ng Knowledge Channel na may title na talkED: Early Childhood, hosted by Bianca Gonzales hindi naman talaga maiiwasan ang pananakot sa bata, pero kalaunan ay hindi naman na ito eepekto. Kumbaga ito ay quick fix lamang. 

Pahayag niya, 

“Parang nagiging negative na, specially ‘yong pananakot, parang nasa mind na nila, (for example), ay math time na, takot na ko dahil galit na ‘yong mom ko. Nagiging negative ‘yong association niya sa study time. Kasi ‘pag homework time doon lang kayo nagagalit.”

“Mas nagiging afraid sila, maraming times na ayaw na nila mag-try(kids) kasi ayaw nilang magkamali. Kasi naging associated na sa kanila na kapag nagkamali sila, kukurutin sila, kapag mali ‘yong sulat nila pinapalo ‘yong kamay. So ayaw na lang, para hindi sila magkakamali. Which is wrong din dahil they don’t a chance to learn.”

BASAHIN:

Halloween: Dapat bang payagan ang mga bata na manood ng nakakatakot?

Alam niyo ba na mayroong mga inang takot mabuntis at manganak?

Dapat bang matakot ang mga magulang sa pagpapabakuna?

Ang pananakot sa bata ay maaaring magdulot ng psychological problems sa kaniya.

Biro o maliit na bagay man para sa atin kung iisipin, ang pananakot sa bata ay maaring magdulot sa kaniya ng psychological problems.

Tulad na lang sa nabanggit na halimbawa sa itaas. Kahit isang adult na ang dating bata na tinatakot ng kaniyang magulang tungkol sa “bad guys” ay nadala niya pa rin ito kahit siya ay malaki na.

Ang epekto, hindi niya kayang maging independent o mag-isa dahil pakiramdam niya ay hindi siya ligtas o secure.

Epekto ng pananakot sa bata

credit to sources

Malamang may mga kakilala ka rin na takot kapag masyadong madilim ang bahay o isang lugar. Dahil sa paniniwalang maaaring may multong biglang lumabas.

Halimbawa na nga rito ay mga kaibigan mong takot na mag-CR ng mag-isa kapag nasa ibang bahay o masyadong madilim ang paligid nila.

Ang mga ito ay produkto ng takot dulot ng kanilang imahinasyon. Kaya naman mga magulang mabuting tigilan na ang pananakot sa inyong anak. Kung mayroon mang nais sabihin sa kaniya ay ipaliwanag itong mabuti para kaniyang maintindihan.

Sa ngayon ay hindi pa sila nakakapag-isip ng maayos o logically. Ang mga bawat salita o sagot mo sa mga tanong niya ay tatatak sa kaniyang isipan.

Magpaliwanag sa iyong anak ng tama. At bigyan siya ng mga reasonable na dahilan o paliwanag sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kaniya.

Partner Stories
The Gut Advantage: 3 Ways HMOs Support Stronger Immunity  and Smarter Kids
The Gut Advantage: 3 Ways HMOs Support Stronger Immunity and Smarter Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!

Dahil ang paggawa nito ay nakakatulong sa brain development niya na may malaking epekto sa magiging personality at mental health niya paglaki.

Higit sa lahat ay dapat maging mas mapasensya sa mga bata. Lalo na sa pagtuturo sa kanila na ang pinaka-magandang paraan na maaring gawin ay sagutin ang bawat tanong nila.

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa the Asianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianParent

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • WARNING: Ito ang epekto kapag tinatakot ang bata bilang paraan ng pagdidisiplina
Share:
  • The Gut Advantage: 3 Ways HMOs Support Stronger Immunity  and Smarter Kids
    Partner Stories

    The Gut Advantage: 3 Ways HMOs Support Stronger Immunity and Smarter Kids

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • The Gut Advantage: 3 Ways HMOs Support Stronger Immunity  and Smarter Kids
    Partner Stories

    The Gut Advantage: 3 Ways HMOs Support Stronger Immunity and Smarter Kids

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko