X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Halloween: Dapat bang payagan ang mga bata na manood ng nakakatakot?

4 min read
Halloween: Dapat bang payagan ang mga bata na manood ng nakakatakot?

Narito ang dahilan kung bakit hindi mo dapat pigilang manood ng nakakatakot na palabas ang iyong anak.

Epekto ng pelikula sa kabataan, nakakatulong o nakakasama ba sa kanila?

Epekto ng pelikula sa kabataan

Image from Freepik

Isa ang Halloween sa mga selebrasyon taon-taon na pinakahihintay ng marami sa atin. Lalo na sa mga magulang tulad natin na excited bihisan ang ating mga anak ng iba’t-ibang character costumes. Dagdag pa ang enjoyment na ibinibigay ng trick-or-treat lalo na ang candies at goodies na hatid nito. Ngunit maliban sa makukulay na costumes at candies tuwing Halloween ay hindi rin nawawala ang mga nakakatakot na pelikula o palabas na mas nagbibigay excitement sa selebrasyon. Pero bilang isang magulang, malamang ay malaking tanong sayo kung dapat mo bang payagang manood ng nakakatakot na palabas ang iyong anak. Halika’t sagutin natin ang tanong mong ito sa tulong ng isang eksperto.

Epekto ng pelikula sa kabataan

Ayon kay Mike Brooks, isang licensed psychologist at parenting expert, ang epekto ng pelikula sa kabataan lalo na ang mga scary movies ay hindi dapat ipagalala ng mga magulang. Dahil hindi naman daw ito nagdudulot ng kahit anong “harm” sa kanila.

Ang panonood ng nakakatakot na palabas ay hindi daw agad na mababago ang ugali ng isang bata. Dahil wala daw pag-aaral ang nakapagpatunay na nagiging bayolente o emotionally disturbed ang isang bata sa tuwing makakanood nito. Ang pinaka-negatibong epekto nga lang daw ng panonood ng nakakatakot na palabas sa mga bata ay ang pagkakaroon niya ng transient fears. Tulad ng takot sa dilim, sa mga taong hindi niya kakilala at ang matulog mag-isa. Dagdag pa ang posibilidad na madala niya ito hanggang sa panaginip. Pero ang mga ito daw ay normal lang at parte na ng pagiging bata na kalaunan ay kalalakihan rin niya.

Advertisement

Bagamat nakakabigla at nakakakaba ay nag-eenjoy rin daw ang mga bata sa panonood ng mga nakakatakot na palabas. Dahil ito ay nagbibigay sa kanila ng adrenaline rush na gustong-gusto ng mga bata.

Madalas ay isa rin ito sa kaniyang paraan para makasabay sa kaniyang mga kaklase o kaibigan. Ngunit hindi nangangahulugan ito na hahayaan mo lang siyang manood ng kahit anong gusto niya para lang hindi mapag-iwanan. Mahalagang alam mo ang mga palabas o pelikulang pinapanood niya para siya ay mabigyan mo ng karapat-dapat na gabay at paalala.

Tips sa mga magulang sa panonood ng palabas o pelikula ng mga bata

Mas makakabuti rjn kung sasamahan mo sa panonood ang iyong anak, Ito ay para maintindihan mo kung paano ang kaniyang nagiging reaksyon sa kaniyang pinapanood. Saka ka dito mag-aadjust o kaya naman ay gamiting pagkakataon ito upang maipaliwanag sa kaniya ang kaibahan ng katotohanan at kathang-isip lamang.

Mabuti rin ito upang agad mong matakpan ang kaniyang mata kung may maselang eksena na hindi niya pa dapat makita.

Isang magandang oportunidad din ito na turuan siya ng values at magandang aral mula sa kaniyang pinapanood na palabas. Ngunit hindi nangangahulugan ito na kailangan mong pilitin na manood ng nakakatakot na palabas ang iyong anak. Bawat bata ay magkakaiba at may kaniya-kaniyang gusto at interes. Kung wala siyang hilig sa nakakatakot na palabas ay huwag itong ipilit sa kaniya. Sa halip ay tanungin siya kung anong palabas ang gusto niya na magbibigay entertainment at knowledge sa area na gusto niyang matutunan.

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Ang epekto ng pelikula sa kabataan ay depende sa gabay na ibinibigay ng mga nakakatanda sa paligid nila. Makakasama lang ito kung hahayaan silang intindihin ng mag-isa ang pinapanood nila. Ngunit kung sila ay sasamahan ang panonood ng isang pelikula o palabas ay magiging isang paraan upang sila ay magkaroon ng dagdag na kaalaman. Kaalaman na kakailangan nila para sa kanilang paglaki at development ng kanilang katauhan.

Source: Psychology Today

Photo: Freepik

Basahin: 11 na palabas na pambata na maaaring makapagpataas ng IQ at EQ

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Halloween: Dapat bang payagan ang mga bata na manood ng nakakatakot?
Share:
  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

    Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

    Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko