TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Angelica Panganiban on her pregnancy : "Kahit nakakapagod, hindi ka magdadalawang-isip magbigay ng magbigay."

5 min read
Angelica Panganiban on her pregnancy : "Kahit nakakapagod, hindi ka magdadalawang-isip magbigay ng magbigay."

Angelica umaming nahirapan sa unang buwan ng pagbubuntis ngunit sinabing labis niya ring nai-enjoy ang kaniyang pagdadalang-tao.

Angelica Panganiban naging emosyonal habang inaayos at binubuo ang baby nursery ng kaniyang ipinagbubuntis na sanggol.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban naging emosyonal sa nalalapit na pagdating ng kaniyang baby
  • Pagbubuntis ni Angelica Panganiban

Angelica Panganiban naging emosyonal sa nalalapit na pagdating ng kaniyang baby

angelica panganiban and gregg homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Nalalapit na ang panganganak ng aktres na si Angelica Panganiban sa kaniyang first baby. Kaya naman patuloy ang paghahanda na ginagawa ng aktres sa pagdating nito.

Sa kaniya ngang Instagram post ay ibinahagi ni Angelica na siya ay busy sa pagbuo ng nursery ng kaniyang baby. Ang aktres bigla nalang umanong naluha at naging emotional sa nalalapit na katuparan ng pangarap niyang maging isang ganap na ina.

“Habang nakaupo sa binubuong nursery. Bigla na lang akong naiyak. Napaka-overwhelming ng lahat ng ito.”

Ito ang bungad ni Angelica.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Pagpapatuloy pa ni Angelica, bagamat mahirap ang pagbubuntis niya at nakakapagod ay sobrang happy siya na maramdaman ang kind of love ng isang ina para sa kaniyang anak.

“Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka pala magdadalawang isip magbigay lang ng magbigay. Ang sarap makaramdam ng purong pagmamahal. Ganito pala ‘yong pagmamahal ng ina.”

“Abot langit ang pasasalamat sa lahat lahat.”

Ito pa ang sabi ni Angelica kalakip ang larawan niyang maluha-luha habang nakaupo sa binubuong nursery ng kaniyang baby.

Sa isang panayam kay Angelica ay ibinahagi niya kung paano naging mahirap sa kaniya ang mga unang buwan ng kaniyang pagbubuntis. Hindi niya rin umano maintindihan ang nangyayari sa kaniyang katawan noon.

“Medyo mahirap siya dahil hindi ko talaga naiintindihan nangyayari sa katawan ko. Suka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo. Para akong kinikiliti. Konting bagay na makita ko, pinagtatawanan ko ang babaw-babaw ng lahat. Lahat naamoy mo, lahat naririnig mo, kaunting galaw, ramdam mo.”

Pero magkaganoon man ay hindi siya nagrereklamo at ini-enjoy pa niya ang bawat moments ng kaniyang pagdadalang-tao. Dahil tulad ng sinabi ni Angelica sa iba pa niyang mga panayam ay matagal niyang hinintay ang moment na ito. Ang oras na kung saan siya ay magiging ganap ng isang ina.

“Well, ini-enjoy ko talaga dahil ang tagal ko itong hinintay. Lahat ng mga kaibigan ko kapag may nabubuntis, ako yung mahilig mag-interview kung ano ang pakiramdam ganyan. So nung dumating siya parang kahit mahirap ang pagsusuka, ini-enjoy ko lang.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Angelica Panganiban ibinida ang kaniyang baby bump

angelica panganiban and gregg homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa isa sa kaniyang IG post noong nakaraang buwan ay nag-share ng mga larawan si Angelica sa kung saan bida ang kaniyang baby bump.

Ibinahagi rin niya ang naging Father’s day greeting niya sa boyfriend niyang si Gregg Homan. Sa maikling video ay ipinakita ni Angelica kung gaano rin ka-excited si Gregg sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby. Makikita itong kinakausap at hinahalikan-halikan ang buntis na tiyan ni Angelica.

“This is your Daddy’s face. Sunday is Mommy’s favorite day because Daddy is home all day long. It’s my favorite day too.”

Ito ang maririnig na sinasabi ni Gregg sa buntis na tiyan ni Angelica habang sinisiil ito ng halik.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

“I know you’re gonna be a great one. Happy Father’s Day my Love.”

Ito naman ang pagbati ni Angelica kay Gregg nitong nakaraang Father’s day celebration.

Gregg at Angelica excited na sa kanilang baby girl

angelica panganiban baby gender reveal

Larawan mula sa YouTube vlog ni Angelica Panganiban

Alam narin ni Angelica at Gregg ang gender ng kanilang magiging baby. Ito ay isang girl na kung saan ayon kay Angelica ay kaniyang magiging mini version.

“I have my mini me! Oh my god. I am so happy.”

Ito ang naluluhang sabi ni Angelica ng i-reveal ang gender ng kanilang baby ni Gregg. Ang aktres ay marami na ngang planong gawin sa oras na maisilang niya na ang kaniyang baby.

“Una kong gagawin, tuturuan kong kumanta ‘yong anak ko. I’ll make you guys proud kasi ‘yong lyrics niya, gay lingo. Tuturuan ko rin siya kung paano maglambing sa tatay.”

Ito ang natatawang sabi pa ni Angelica.

Dahil sa girl ang kanilang baby, maliban sa may aayusan na siya, alam niya ring magiging malapit ito sa daddy nitong si Gregg.

“I am so happy for you. You are having a baby girl. Hindi ka na makaka-work,” sabi niya kay Gregg.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

“It’s an answered prayer. Secretly yun ang pinag-prepray ko. Ang saya! Hindi ako makapaniwala.”

“Ang saya pala kapag narinig mo na. Sisigaw ka pala talaga. May aayusan tayo guys,” masayang dagdag pa ng aktres ng malaman ang gender ng kaniyang ipinagbubuntis na sanggol.

Una naring sinabi ni Angelica na willing siyang saglit na iwan ang showbizness sa oras na maisilang na ang kaniyang baby.

“Napakatagal kong hinintay ito. At wala naman akong pinangarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. Iyon naman muna siguro ang gagawin ko.”

Ito pa ang sabi ni Angelica.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban on her pregnancy : "Kahit nakakapagod, hindi ka magdadalawang-isip magbigay ng magbigay."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko