Angelica Panganiban ibinahagi ang ilang snaps sa bakasyon nila ni Gregg Homan at anak na si Baby Amila sa Australia

Aktres ibinahaging nabinat siya matapos manganak kay Baby Amila na mag-iisang taon na ngayong September 20.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban kasama ang anak na si Baby Amila at fiancé na si Gregg Homan enjoy sa bakasyon nila sa Australia. Aktres very hands-on talaga sa pag-aalaga sa anak niyang si Baby Amila o Bean kung kanilang tawagin.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bakasyon nila Angelica Panganiban at kaniyang pamilya sa Australia.
  • Angelica nabinat matapos manganak.

Bakasyon nila Angelica Panganiban at kaniyang pamilya sa Australia

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sina Angelica Panganiban kasama ang fiancé niyang si Gregg Homan at anak na si Baby Amila ay nasa Australia ngayon at nagbabakasyon. Ang mga pictures sa kanilang trip sa bansang pinagsilangan ni Gregg ay ibinahagi ni Angelica sa kaniyang Instagram account. Habang nag-share din siya ng ilan sa memorable at funny moments nila sa kanilang YouTube vlog.

Sa mga moments nina Angelica sa Australia makikita kung gaano siya ka-hands-on sa pag-aalaga sa anak na si Amila. Kahit nga sa paglalaba ay makikitang go na go ang celebrity mom para sa kaniyang baby girl.

“Hindi gumagana yung washing machine, nahihiya akong magtanong e. Mapapalaban tayo ng English mga kababayan kaya tiyaga-tiyaga nalang dito. Akala ko nakaangat-angat na ko ng mapunta ako sa ibang bansa.”

Ito ang natatawang pahayag ni Angelica habang nilalabhan ang mga damit ng anak na si Amila sa bathtub.

Larawan mula sa YouTube vlog ni Angelica Panganiban

Si Angelica makikitang gumagawa rin ng iba pang gawaing-bahay tulad ng paghuhugas ng plato, pagluluto at pagtutupi ng mga damit nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica nabinat matapos manganak

Ibinahagi niya rin sa kanilang vlog na matapos manganak ay nagkaroon ng leg and hip problem si Angelica. Ito daw ay maaring dahil sa nabinat siya.

“Medyo malamig nga yung weather. Masakit siya sa joints. HIndi nakakatulong sa aking leg and hip problem. Itong leg and hip problem ko still from my pregnancy. Sabi ng mga nanghilot sa akin nabinat daw ako.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Pero sa kabila ng lamig sa Australia, nakapamasyal naman at na-enjoy ng pamilya nila Angelica ang kanilang bakasyon. Sinulit rin nila ang quality time sa isa’t-isa kasabay ng pagdiriwang ng Father’s day sa bansa. Dagdag pa ng ilang araw nalang ay mag-cecelebrate narin si Amila ng kaniyang first birthday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement