TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Angelica Panganiban sa mga bumibisita sa kaniya pagkatapos manganak: “All they want is to see my baby. But not really "visiting" me.”

3 min read
Angelica Panganiban sa mga bumibisita sa kaniya pagkatapos manganak: “All they want is to see my baby. But not really "visiting" me.”

Si Angelica may banta sa mga taong malalapit sa kaniya na hindi man lang siya makamusta sa ngayon.

Angelica Panganiban ibinahagi ang kaniyang postpartum experience na kung saan maraming ina ang siguradong sasang-ayon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Angelica Panganiban postpartum experience.
  • Paano ba ang tamang pagtrato sa bagong panganak na babae?

Aktres na si Angelica Panganiban sa mga taong bumibisita sa kaniya pagkatapos manganak

angelica panganiban with baby amila

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa kaniyang Instagram stories ay may maikling video na ibinahagi si Angelica Panganiban tungkol sa postpartum experience ng maraming ina. Base sa video na ibinahagi ni Angelica ay sadyang nakakastress daw sa bagong silang na ina ang mga taong pumupunta para bisitahin siya. Lalo na kung hindi naman ito tutulong sa mga gawaing-bahay at basta lang kukunin ang newborn baby nito na hindi nagpapaalam sa bagong panganak na mommy.

angelica panganiban postpartum

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Si Angelica may maikling komento sa naturang video na tila parinig narin sa mga taong bumibisita sa kaniya ngayon. Hirit ng aktres, ngayon ay madalang na siyang kumustahin ng mga taong malalapit sa kaniya noon. Kung bisitahin man siya nila, tanging ang baby lang niya na si Amila ang gusto nilang makita. At hindi talaga para kumustahin si Angelica na hanggang ngayon ay umaming nakakaranas parin ng postpartum blues.

“Hmmm… until now hindi pa rin ako madalas kamustahin ng mga fersons. All they want is to see my baby. But not really “visiting” me. Not a single text on how’s my hip injury. If I still have postpartum blues. But nasanay naman na ako. Pero walang gulatan kung lumalayo loob ko ha?”

Ito ang sabi ni Angelica sa Instagram.

Sa post na ito ni Angelica ay maraming mommies ang nag-react. Sila ay naka-relate sa sinabi ng aktres at sinabing hindi lang ito ang nakakaranas ng naturang sitwasyon.

Paano ba ang tamang pagtrato sa bagong panganak na babae?

Ayon narin sa mga pag-aaral at pahayag ng mga eksperto, napakahalaga na mabigyan ng kaukulang pansin ang mga babaeng bagong panganak at kanilang sanggol. Dahil maliban sa pisikal nilang kalagayan, lalo na ang sanggol na mahina pa ang immune system laban sa mga sakit. Ang mga babaeng bagong panganak ay nakararanas ng postpartum blues na maaring mauwi sa postpartum depression kung hindi maagapan.

Ang postpartum blues ay dala ng biglang pagbabago o dagdag na responsibilidad niya na maalagaan ng tama ang kaniyang baby. Dagdag pa ang mga gawaing-bahay na kailangan niyang gawin. Pati na ang mga isyus sa kaniyang paligid, pamilya o sarili na kailangan niyang harapin.

Napakahalaga, pahayag ng mga eksperto na dapat mabigyan ng masusustansiyang pagkain ang bagong panganak na ina. Pati na ng tamang tulog at pahinga na maibibigay sa kaniya sa pamamagitan ng pag-aalalay ng isang kapamilya, kaibigan o tao na tutulong sa kaniya sa gawaing-bahay at pag-aalaga sa kaniyang newborn baby.

Sa kaso ni Angelica ay makikita naman sa kaniyang Instagram posts na talagang hands-on siya sa anak na si Amila. Buntis pa man dito ay siya narin naman ang gumagawa ng mga gawaing-bahay sa tinitirhan nila ng fiancé na si Gregg Homan sa Subic. Hanggang ngayon ay fulltime mom si Angelica sa cute niyang anak na si Amila. Ang aktres piniling isantabi muna ang propesyon para masulit ang oras sa anak. Pati na ang pagiging bata nito na alam niyang mabilis lang lilipas.

angelica panganiban with gregg homan and amila

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

NCBI

 

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Angelica Panganiban sa mga bumibisita sa kaniya pagkatapos manganak: “All they want is to see my baby. But not really "visiting" me.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko