Noong nakaraan, nagcelebrate ng anniversary ang couple na si Angelica Panganiban at Gregg sa pagiging vlogger.
Angelica Panganiban hindi pa kayang bumalik sa showbiz
Naglabas ng question ang answer vlog ang mag-asawa na nakapost sa kanilng YouTuber. Naitanong sa aktres kung kailan siya babalik sa pag-arte.
Kwento naman ni Angelica, hinihintay lang niya mag-isang taon ang kanyang anak at babalik na siya sa pag-tanggap sa mga projects.
Angelica, sinagot ang mga tanong ng netizens patungkol sa kanyang buhay. | Larawan mula sa YouTube account ni Angelica Panganiban
“Pwede ko siyang pag-isipan after mag-September, after mag-one year ni Bean,” sagot ni Angelica.
Nabanggit rin niya na marami ang offers niya pero hindi pa niya ito tinitignan dahil ayaw niya matukso bumalik sa showbiz agad.
“But hindi ko pa binubuksan ‘yong pintuan – meaning hindi ako nagbabasa ng script,” chika pa niya.
Nagbiro pa ang aktres na pag-nagbasa daw siya ng script ay baka may magustuhan ang aktres ay mapaaga pa ang pagbalik nito sa spotlight.
“Pero kasi ‘di ba, ayaw kong makakita ng script tapos napanood ko tapos iisipin ko na sa akin dapat ‘yan,” kwento niya pa
Dagdag niya, “Ayaw na ayaw ko ng ganung feeling. So iniiwasan ko magbasa.”
Nasabi pa rin niya na next year na sya babalik sa pag-tanggap ng projects.
Nakwento rin ni Ange na balak na nila magpakasal next year at may siguradong date na ito.Nakapagpadala na nga sila ng imbitasyon para sa kamag-anak at kaibigan.
Focus muna sa anak na si Amelia Sabine ang aktres. |Larawan mula sa Instagram ni Angelica Panganiban
“Meron na kaming ‘save the date’” paliwanag ng aktres.
Para daw ito sa mga kamag-anak at kaibigan na galing pa sa abroad. Nagbiro pa ang aktres na papakasalan niya na ang partner dahil patay na patay ito sakanya kaya pagbibigyan niya ito.
“So finally, pakakasalan ko na ‘to kasi deads na deads sakin. Pagbibigyan ko lang.” biro ng aktres.
Noong nakaraang 2021 pinakilala ni Angelica ang kanilang relasyon sa publiko. Sumunod na taon naman inanounce ng aktres na siya ay buntis at nanganak noong September.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!