Bata ginahasa ng kalaro at pinsan niya diumano. Ina ng biktima, kinompronta ang kapatid niya pero pinabulaanang hindi ito kayang gawin ng 12-anyos niyang anak na pinsan ng biktima.
Mababasa dito ang sumusunod:
- 7-anyos na bata ginahasa ng kalaro at pinsan niya.
- Ano ang dapat gawin kung ang iyong anak ay ginahasa ng malapit sa inyong pamilya?
7-anyos na bata ginahasa ng kalaro at pinsan niya diumano

Isang ina ang nagbahagi ng kaniyang nakakalungkot na karanasan. Kasabay nito ang paghingi niya ng payo sa kung anong gagawin niya. Dahil ang ina hinihinalang pinagsamantalahan ang 7-anyos niyang anak. At ang mga suspek ay ang 12-anyos na pamangkin niya at ang kalaro nito.
Kwento ng naguguluhang ina, nasa pangangalaga ng kaniyang kapatid ang kaniyang anak. Ito ay sa kadahilanang siya ay solo parent na matapos masawi ang kaniyang mister sa isang motorcycle accident. Samantalang, ang kaniyang kapatid ay full-time mom sa tatlong anak nito.
Ang nakakagulantang na insidente para sa naguguluhang ina ay nangyari mismo sa araw ng kaniyang birthday. Kwento ng naturang ina naghalfday siya sa trabaho para mag-celebrate sana ng birthday niya kasama ang anak, kapatid at mga anak nito. Agad siyang dumeretso sa bahay ng kapatid na katabi lang ng tinitirhang bahay nilang mag-ina. Doon naabutan niya ang kapatid niya na masama ang pakiramdam at nagpapahinga sa kwarto nito. Habang ang isa niyang pamangkin na babae 5yo ay tulog at isang pamangkin pang babae na 9yo ay busy sa panonood ng cartoons sa cellphone niya. Nang itanong niya dito kung nasaan ang anak niya ay hindi daw nito alam kung saan nagpunta.
Kwento ng bata sa kaniyang ina

Pag-akyat niya sa second floor ay doon niya nakita ang anak na tumatakbo papunta sa CR galing sa kwarto ng pamangkin niyang lalaki edad 12-anyos.
“I saw my daughter running into the comfort room kaya tinanong ko siya if saan siya pupunta. She told me that she’s going to wash her v*g*** as his kuya told her to do so.”
Ito ang kwento ng nagtatakang ina na noong una ay hindi naman naghinala at inaya nalang ang anak na umuwi sa bahay nila.
Pero bago tuluyang umalis ay dumaan muna siya at pasimpleng sumilip sa kwarto ng pamangkin niya. Doon niya nakita ito na nakahubad at nasa sahig ang underwear at short nito. Sa kwarto nito ay kasama rin nito ang kalaro niya at ang dalawa ay may tila pinaguusapan. Dito na nagsimulang kinutuban ang ina.
Paguwi sa kanilang bahay ay doon niya kinausap ang anak at ito ang sinabi sa kaniya ng bata.
“My daughter told me that they were playing game with my nephew’s friend doo sa room and sabi ko sa kaniya anong game naman yon anak? She said kuya’s playmate inserted his v*g*** in and out sa v*g*** daw niya and after daw ng playmate ni kuya ay si kuya naman. Wash daw po ako and soap ko daw.
Kwento ng ina, v*g*** din daw ang tawag ng anak sa private part ng boy. Pagsasalarawan pa nga ng anak niya umano sa v*g*** ng pinsan niya ay “ugly” daw ito at parang “long bread”.
Doon na nakaramdam ng galit ang ina at nagrequest na tingnan ang private part ng anak niya, Wala naman daw dugo pero may lumalabas daw na watery liquid mula dito. Pero ang anak niya sinabi daw na wag hawakan ito ng ina. Huhugasan niya daw muna dahil makati na. Doon napaiyak ang ina.
“Napansin niya na I was crying while asking her a question. She told me na 3 times na daw sila nagplay ng ganun ng nephew ko and this time kasama na yung playmate niya.”
Ito ang pagbabahagi pa ng ina.
Kinausap niya daw ang kapatid tungkol dito. Kahit daw ang pamangkin nito pero dineny nito ang kwento ng anak niya. At sinabing nakita niya daw ang pinsan niya na nagpapasok ng pen sa private part nito. Sinuportahan din ito ng pahayag ng playmate ng kaniyang pamangkin. Ang kapatid niya hindi rin naniwala at sinabing malabo daw itong gawin ng anak niya.
“I dont know na my sister defended his son na hindi naman magagawa yun ng nephew ko ang ganyang bagay because of his age or baka yung playmate lang.”
Ito ang sabi pa ng ina na naguguluhan sa kung ano ngayon ang gagawin niya. Lalo pa’t nagbanta ito na magdedemanda sa oras na ma-trauma ang anak sa ginagawang pambibintang umano ng panggagahasa.

Ano ang dapat gawin kung ang iyong anak ay ginahasa ng malapit sa inyong pamilya
Ang pang-aabusong sekswal, lalo na kung ito ay nagawa ng isang malapit na kamag-anak, ay isa sa pinakamabigat na trahedyang maaaring maranasan ng isang pamilya. Bilang magulang, maaaring hindi mo alam agad kung ano ang gagawin dahil sa matinding sakit at galit na iyong nararamdaman. Gayunpaman, mahalagang kumilos nang mabilis upang maprotektahan ang iyong anak at mabigyan siya ng hustisya. Narito ang mga mahahalagang hakbang na dapat gawin:
-
Siguraduhin ang kaligtasan ng iyong anak.
Ang unang hakbang ay tiyaking ligtas ang iyong anak mula sa kanyang nang-abuso. Kung ang pang-aabuso ay patuloy na nangyayari o may posibilidad na maulit, ilayo agad ang iyong anak mula sa sitwasyon. Huwag hayaang magkaroon ng anumang ugnayan ang iyong anak sa nang-abuso. Kung kinakailangan, humingi ng tulong sa mga awtoridad o sa isang malapit na kaibigan o kamag-anak na mapagkakatiwalaan.
-
Magpatingin sa doctor.
Kahit walang nakikitang pisikal na sugat, mahalagang dalhin ang iyong anak sa ospital o klinika para sa medikal na pagsusuri. Ang isang doktor ay maaaring tumingin kung may pisikal na pinsala at maaaring mangalap ng ebidensya na maaaring magamit sa pagsasampa ng kaso. Mahalaga rin ito upang matiyak na wala siyang nakuha o nadalang sakit mula sa pang-aabuso.
-
Ipagbigay-alam ang pangyayari.
Huwag matakot na i-report ang insidente sa mga awtoridad. Narito ang ilang ahensya na maaaring lapitan sa Pilipinas:
- PNP Women and Children Protection Center – 0919-777-7377 (Globe) o 0966-725-5961 (Smart)
- DSWD (Department of Social Welfare and Development) – Tumawag sa 8888 o pumunta sa pinakamalapit na DSWD office.
Ang pagsasampa ng reklamo ay makakatulong upang maprotektahan ang iyong anak at maiwasan ang pang-aabuso sa iba pang bata. Maaari mo ring isumbong ito sa barangay upang magkaroon ng rekord ng insidente.
-
Humingi ng tulong legal.
Upang matiyak na makakamit ang hustisya, makipag-ugnayan sa isang abogado o sa mga organisasyong nagbibigay ng libreng legal na tulong, tulad ng:
- Child Protection Network (CPN)
- Public Attorney’s Office (PAO)
Ang mga ahensyang ito ay makakatulong sa pagsasampa ng kaso laban sa nang-abuso at magbibigay ng gabay sa mga legal na proseso.
-
Suportahan ang iyong anak emotionally.
Napakalaking pagsubok ito para sa iyong anak. Mahalaga na iparamdam mo sa kanya na siya ay ligtas at walang kasalanan. Iwasan ang pagsisi o pagdududa sa kanyang kuwento. Sa halip, bigyan siya ng pagmamahal at pang-unawa. Maaari ring humingi ng tulong sa isang child psychologist o counselor na may karanasan sa trauma upang matulungan siyang makabangon mula sa matinding karanasang ito.
-
Alagaan ang iyong sarili.
Bilang magulang, maaaring makaramdam ka ng matinding galit, lungkot, o pagkabigo. Normal lamang ang mga emosyon na ito, ngunit huwag hayaang lamunin ka ng sitwasyon. Maghanap ng suporta mula sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan, pamilya, o professional counselor upang matulungan kang mapanatili ang iyong lakas para sa iyong anak.
-
Pigilan ang karagdagang pang-aabuso.
- Siguraduhin na ang iyong anak ay nasa isang ligtas na kapaligiran.
- Kung ang nang-abuso ay isang miyembro ng pamilya, pag-isipan kung paano mo maiiwasan ang anumang pakikisalamuha sa kanya.
- Maging mapagmatyag sa anumang palatandaan ng trauma o pagbabago sa ugali ng iyong anak upang agad siyang matulungan.
Ang ganitong klase ng trahedya ay hindi dapat ipagsawalang-bahala. Ang iyong anak ay nangangailangan ng iyong pagmamahal, proteksyon, at suporta upang malampasan ang pagsubok na ito. Huwag matakot humingi ng tulong mula sa mga awtoridad, legal na eksperto, at mga propesyonal sa mental health. Hindi ka nag-iisa—may mga taong handang tumulong upang makamit ang hustisya at mapanumbalik ang kaligayahan ng iyong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!