X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games

3 min read
12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games

Dahil raw sa epekto ng video game violence kaya nagawa ng isang 12-anyos na bata na gahasain ang kaniyang nakababatang kapatid.

Isang 12-anyos na batang lalaki ang di umano'y ginahasa ang kaniyang nakababatang kapatid na babae. Dahil raw ito sa video game violence na nakita ng bata sa game na nilalaro niya. Ayon sa mga ulat, ilang beses pa raw naulit ang insidente, at mayroon pa raw nangyari noong Pasko ng nakaraang taon.

Video game violence, malaki ang panganib sa mga bata

Hindi lubos makapaniwala ang ina ng 12-anyos na bata habang siya ay sinesentensyahan sa korte sa UK dahil sa panggagahasa ng kaniyang kapatid. Ayon sa ilang mga statements, ilang beses raw naulit ang panggagahasa. At ang isang insidente ay nangyari pa raw sa harap mismo ng isa pa nilang kapatid.

Sinabi ng 12-anyos na suspek na ginagaya raw niya ang nakita niya na sex scene sa video game na Grand Theft Auto. Bukod dito, ilang beses pa raw naulit ang pang-aabuso niya sa kapatid.

Hinatulan ng korte ng 3 bilang ng rape, at isang kaso ng "inciting a girl to engage in sexual activity." Ngunit kung sumailalim siya sa therapy ng isang taon, posible raw na tanggalin ang mga kaso sa record niya.

Nahuli raw siya matapos magkwento ang kapatid niya sa isang guro. Nang tanungin ng mga pulis, hindi siya agad umamin, pero pagtagal ay sinabi rin niya ang totoo.

Ayon pa sa kaniyang ina, sinisisi raw ng kapatid niya ang sarili tungkol sa nangyari. Ngunit sinabi ng ina na hindi raw ito kasalanan ng biktima.

Sa ngayon, gusto lang raw ng ina na maisaayos ang kanilang pamilya. Sana raw ay bumuti na ang kaniyang anak, at malampasan nila ang pagsubok na ito.

Dapat strikto ang mga magulang pagdating sa video games

Sa panahon ngayon, madali na ang paglalaro ng video games para sa mga bata. At kahit na laro ang mga ito, mayroong ilang mga video games na hindi angkop para sa mga bata.

Kaya mahalagang maging maingat ang mga magulang, at huwag hayaan na basta-bastang makapaglaro ng kung anu-anongn games ang kanilang mga anak. Dapat basahin ng mga magulang ang age restriction sa ilang mga video games, dahil mayroong mga laro na bayolente, at para lamang sa mga edad 18 pataas.

Heto ang ilang tips para sa mga magulang pagdating sa video games:

  • Alaming mabuti ang mga games na nilalaro ng iyong anak. Maganda kung mag-research muna tungkol dito upang malaman kung angkop ba ito sa mga bata.
  • Orasan ang kanilang paglalaro ng games. Huwag silang hayaan na sumobra o kaya ay masyadong maadik sa video games.
  • Kung maaari, sabayan sila sa kanilang paglalaro upang gabayan sila at bantayan ang kanilang mga napapanood at nakikita.
  • Maglaan ng oras para sa physical activity, o kaya para sa paglalaro sa labas. Hindi maganda ang masyadong nakatutok sa games palagi.
  • Kung maglalaro naman ng online games, siguraduhin na pambata nga ang kanilang nilalaro, at safe itong laruin.
  • Hindi maganda sa mga bata ang makakita ng video game violence dahil naaapektuhan nito ang kanilang paglaki.

Sana ay makatulong ang mga tips na ito para sa mga magulang na nais bigyan at palaruin ng video games ang kanilang mga anak.

 

Source: The Sun

Basahin: Mother starved 1-year-old son to death, to save money for video games

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games
Share:
  • Bata na adik sa video games, namatay matapos maglaro magdamag

    Bata na adik sa video games, namatay matapos maglaro magdamag

  • May kinalaman ba ang video games sa pagkakaroon ng ADHD?

    May kinalaman ba ang video games sa pagkakaroon ng ADHD?

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Bata na adik sa video games, namatay matapos maglaro magdamag

    Bata na adik sa video games, namatay matapos maglaro magdamag

  • May kinalaman ba ang video games sa pagkakaroon ng ADHD?

    May kinalaman ba ang video games sa pagkakaroon ng ADHD?

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.