Mga hirap na pinagdadaanan ng working moms dumoble ngayong may pandemic ayon sa mga pag-aaral. Alamin ang mga tips na makakatulong para maibsan ang mga ito.
- Hirap na pinagdadaanan ng mga nanay sa work from home set-up
- Advice para sa mga stress na nanay
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Mga hirap na pinagdadaanan ng working moms pinalala pa ng COVID-19 pandemic
Ang pagiging isang magulang ay isang napaka-laking responsibilidad. Lalo na ang pagiging isang ina na nagsisimula sa oras na ipinagbubuntis mo pa lang ang iyong anak. Dahil sa paniniwala ng lipunan at pati na rin sa dikta ng iyong instinct at konsenya ang pangunahing responsibilidad mo’y alagaan at siguraduhing nasa maayos na kundisyon palagi ang iyong anak. Para sa ilang ina na nagtratrabaho o working moms ang responsibilidad na ito’y nadadagdagan pa. May kaakibat na pressure at challenges na tanging ang mga tulad lang nilang mga nagtratrabaho at nag-aalaga sa anak ang makaka-relate. Base nga sa isang pag-aaral na pinamagatang 2020 Women in the Workplace Report, ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga working mom ay mas dumami pa ng nagsimula ang COVID-19 pandemic. Ang mga ito’y ang sumusunod:
Negative judgment sa work performance dahil sa kanilang caregiving responsibilities.
Nang magsimula ang COVID-19 pandemic, mas nauso ang work-from-home. Upang magpatuloy pa rin ang mga business at services na kailangan natin sa kabila ng banta ng kumakalat na sakit. Kaya naman ang mga working mom noon na full-time na pumapasok sa trabaho ay walang choice kung hindi maging empleyado at nanay ng sabay habang sila’y nasa bahay. Ang set-up na ito ay nagdulot ng worry at stress sa maraming working moms. Dahil sa kanilang takot na ma-judge ang kanilang work performance ng negative habang tumutugon sa mga pangangailangan sa loob ng kanilang bahay.
Tulad ng halimbawa sa tuwing sila’y nasa Zoom meeting at biglang nagising at umiyak ang natutulog nilang anak. Bigla-bigla sila’y tatayo at ito ay patatahanin. Mawawala sila sa meeting na parang bula na iisipin ng kanilang kausap na isang very unprofessional na gawain o behavior.
Business photo created by tirachardz – www.freepik.com
Pagbabalanse sa oras sa trabaho at pagiging isa ina.
Ang pagkakaroon ng negative assumption na ito sa kanilang work performance ay nasasabayan din ng hirap sa pagbabalanse nila ng oras sa trabaho at pagiging isang ina. Dahil hindi tulad ng pagtratrabaho sa opisina, mas distracted sila sa bahay. Gustuhin man nilang maging available o tutok sa lahat ng oras para sa kanilang trabaho may mga oras na hindi ito posible. Lalo na kapag may maliit silang supling na kailangang ng kanilang maya’t-maya na atensyon.
Mas mababang sahod at hirap na makakuha ng trabaho.
Bilang epekto ng negative assumptions na ito ang mga working mom ay nakakaranas din ng discrimination. Tulad na lamang ng hirap na makakuha ng trabaho dahil sa ideya na kapag may anak na ay mas priority ng isang ina ang mga ito. Mas mapapadalas ang kanilang absent sa tuwing ang anak nila ay may sakit. O kaya naman ay mas mababa ang inilalaan na sahod sa kanila sa pag-aakalang sila pa ang binibigyan ng pabor na kumita habang sila ay nasa bahay lang at inaalagaan ang kanilang anak.
BASAHIN:
Bakit strikto ang mga magulang? Mga dahilan kung bakit nakabubuti ito
Work from home mom: Paano nga ba makaka-survive sa sitwasyon na ito
Work from set-up maaaring maging sanhi ng mas matinding stress, ayon sa mga eksperto
Pagbe-breakdown dahil sa nararanasang stress.
Ang pinagsasama-samang challenges na ito sa kanilang buhay bilang isang ina at career woman ay may malaking epekto sa kanilang emotional stability. Dahil maaaring magdulot ng dagdag na stress at pressure sa kanila dahilan upang sila ay mag-breakdown.
Paniniwala ng sociologist na is Marianne Cooper, ang mga hirap na pinagdadaanan ng working moms na ito ay dapat ma-address ng kanilang mga kumpanyang pinagtratrabahuan. Upang mas ma-encourage silang maging productive sa trabaho. Habang hindi napapabayaan ang kanilang pamilya at naiibsan ang mom guilt at stress na nararanasan nila.
Paano mababawasan ang challenges na nararanasan bilang isang working mom?
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Samantala, para mabawasan ang worries at challenges na nararanasan bilang isang working mom ay narito ang tips na maaari mong subukan o i-apply.
- Kumuha ng mapagkakatiwalaang tao na maaaring mag-alaga sa iyong anak sa mga oras na ikaw ay nagtratrabaho. Upang makapag-concentrate ka sa iyong trabaho habang sinisiguro na nasa maayos na pangangalaga ang anak mo.
- Maging mas organize. Gumawa ng iyong working schedule o to-do list araw-araw. Saka planuhin at epektibong gamitin ang iyong oras.
- Panatilihin ang open communication sa iyong boss o manager para maintindihan niya ang posisyon mo. Habang sinisiguro na ibibigay mo ang iyong best sa bawat task o trabaho na ibinibigay sa ‘yo.
- Hingin ang tulong ng iyong partner. Sa ganitong mga oras at sitwasyon ay napakahalaga na kayo’y nagtutulungan. Upang sabay na maibigay ang pangangailangan ng inyong pamilya habang hindi nawawalan ng oras sa kanila.
- Maglaan ng oras o quality time sa iyong pamilya sa gitna ng iyong busy schedule. Ito’y upang maibsan ang mother’s guilt na iyong nararanasan.
- Magkaroon ng oras sa iyong sarili. Para maibsan din ang iyong stress ay dapat maglaan ng oras para sa iyong sarili na makapa-relax o makapahinga mula sa iyong mga trabaho.
- Bilang dagdag na guidance at inspirasyon, makakatulong kung makiki-connect ka sa ibang working moms na makaka-relate sa iyong sitwasyon.
Source:
The Atlantic
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!