Isa ka bang work from home mom? Gets namin ang nararanasan mo! Mahirap talagang pagsabayin ang pagtatrabaho lalo na kung nasa paligid mo lang ang pamilya mo.
Maaring nalilito ka rin sa roles na kailangan mong gampanan. Dapat ka bang maging partner, magulang, boss, employee o teammate? Paano ka naman lilipat sa isa nang mabilisan?
Ang challenge talaga ay sa araw-araw mong pagsasabay nitong mga ‘to, may mga kailangan ka ring i-prioritize. Kailangan mong malaman na magkakaroon talaga ng mga pagkakataon kung saan kailangan mong mag-focus sa isa. Ang tip namin para sa iyo ay habang hinahanap mo ang balance sa lahat ng tasks na ito. Siguraduhin mo lang din na walang responsibilidad na napapabayaan.
Masyadong suntok sa buwan na sabihin na kaya mong galingan sa lahat ng ito. Mayroon at mayroon talagang maco-compromise para ma-achieve ang sinasabing balance. Huwag ka ring masyadong maging hard sa iyong sarili. I-acknowledge mo rin ang mga nagagawa mo kahit pa mahirap.
Walang magic spell na gagana para sa lahat. Iba-iba tayo ng mga sitwasyon at mga anak na iba-iba rin ang age groups. Gayunpaman, mayroon pa ring mga bagay na maaring makatulong sa iyo.
Mahigit anim na linggo ng lockdown bago ko nahanap o na-realize ang mga bagay na ito. Mahirap pa rin kung minsan pero posible talagang magawa ito. Narito ang ilang mga bagay na natutunan ko.
Una ay matuto kang mag-prioritize. Hindi mo puwedeng gawin lahat ng sabay. Ang iyong role ay dapat nagbabago sa buong araw.
Hindi ka rin iju-judge ng iyong mga katrabaho kung sa mga video team meeting niyo ay nakikita ang kaguluhan ng iyong mga anak. Normal lamang ito.
Okay lang na isara ang laptop mo para bigyang-pansin ang anak mong nagta-tantrums. Bumalik ka na lang sa pagtatrabaho kapag kumalma na sila. Sa paraang iyon, magkakaroon ka na ng peace of mind at matutulungan ka pa nitong maging productive.
Susunod ay hayaan ang lahat sa iyong pamilya na tumulong. Ang partner mo at mga anak, dapat kayong magtulungan. Sa ganitong paraan, maari rin silang maging busy. Maging creative lang sa pagbibigay ng tasks sa kanila.
Kailangan mo rin ng schedule at dapat na sundan mo ito. Habang nasa lockdown, kailangang nakaplano na kahit ang mga ulam na lulutuin mo. Ito ay para magkaroon ka pa ng oras na mag-focus sa ibang bagay. Ang weekend mo ay puwede mong gamitin para mag-meal prep. Malaking tulong ito at dagdag sa oras mo.
Importante rin na magkaroon ng kahit kaunting alone time. Magpahinga ka at kahit papaano ay mag-relax. Mahalaga ito para sa peace of mind mo at productivity.
Image source: iStock
Sa panahong nararamdaman mo na gusto mong umiyak, sumigaw o maglabas ng sama ng loob, take your time! Puwede kang mag-relax at makinig sa music habang kumakain ng ice cream. Palabasin mo lang sa sistema mo ang pagod at stress na nararamdaman mo.
Ang pagkakaroon ng time out ay hindi nangangahulugang masama kang magulang. Kailangan mo lang ito paminsan-minsan para mas maibigay mo ang iyong best.
Creative Parenting: Paano maka-survive sa work from home situation
Image source: iStock
- Gamitin ang balcony o buksan ang mga bintana. Lumanghap ng fresh air o magkaroon ng picnic sa inyong balcony. Gawing exciting at creative lang ang ilang moments ninyo sa bahay!
- Mag-experiment sa pagluluto! Hikayatin ang mga bata na tumulong pero siguraduhin lang na safe ang mga ibibigay mong tasks sa kanila. Hayaan silang mag-explore at mag-enjoy.
- Puwede rin kayong mag-cosplay ng inyong mga favorite cartoon characters o mag-movie night!
- Hayaan ang mga bata na maglaro at mag-isip ng activities. Magugulat ka na lang kung gaano sila ka-creative!
Translated with permission from theAsianParent Singapore
Basahin:
8 effective work from home tips para sa mga parents
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!