X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Angelica Panganiban sa pagiging first-time mom: “Iba pala ‘yong puyat ‘pag may inaalagaan kang bata.”

4 min read
Angelica Panganiban sa pagiging first-time mom: “Iba pala ‘yong puyat ‘pag may inaalagaan kang bata.”

Aktres mas lalong humanga sa mga breastfeeding moms dahil mas naiintindihan niya na ngayon ang hirap ng pagpapasuso.

Angelica Panganiban nag-share ng experience niya as a first-time mom partikular na sa pagpupuyat at pagbe-breastfeed.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Experience ni Angelica Panganiban as a first time mom.
  • Babala ni Angelica at Gregg sa mga followers nila sa social media.

Experience ni Angelica Panganiban as a first-time mom

angelica panganiban as a first time mom

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Halos isang buwan na ang nakalipas ng manganak ang aktres na si Angelica Panganiban sa first baby nila ng boyfriend na si Gregg Homan. Ito ay isang baby girl na pinangalanan nilang Amila Sabine.

Sa kanilang pinaka-bagong vlog episode ay nag-share si Gregg at Angelica ng karanasan nila bilang first time parents. Sa nasabing vlog ay nag-aya si Angelica kay Gregg na mag-date sila.

At dahil kasama nila ang anak na si Baby Bean kung kanilang tawagin ay sa loob ng kotse sa isang parking lot sila nag-date. Ganito umano ka-hands on sa pag-aalaga sa kanilang anak si Gregg at Angelica.

Dahil wala silang yaya ay isinasama nila ito kung saan man sila magpunta. Ito ay isa sa mga pagbabago sa buhay nila Gregg at Angelica mula ng sila ay magkaanak na.

Ayon pa kay Angelica ay marami daw siyang naging realizations simula ng maipanganak niya ang kanilang baby girl. Isa sa na-realize niya ay kung gaano kahirap ang pagpupuyat ng mga bagong panganak na ina na tulad niya.

“Parang puyat na ako ever since six years old ako pero iba pala ‘yong puyat pag may inaalagaan kang bata. Meron kang ganoon kalaking responsibilidad.

Parang wala kang ibang naririning kung hindi ‘yong hikbi niya, ‘yong mga konting mga tunog, sounds na gagawin niya talagang magigising ka.”

Ito ang pagkukuwento ni Angelica Panganiban sa experience niya bilang isang first time mom.

Maliban sa pagpupuyat para maalagaan ang kanilang anak ay hindi rin din daw biro ang pagpapasuso sa kaniyang baby. Sa ngayon, ay pinapadede na ni Angelica ang kaniyang baby sa bote na ang laman parin naman ay breastmilk niya.

Dahil pagbabahagi ni Angelica ang nipples niya ay nagsusugat na dahil sa breastfeeding. Sabi pa nga ni Angelica ay mas mahirap pa nga daw ang pagpapasuso kesa sa pagle-labor. Kaya naman sa ngayon ay mas humanga siya sa mga breastfeeding moms na tulad niya.

“’Yong breastfeeding kasi parang mas mahirap siya sa labor kasi ‘yong labor alam mo may katapusan. Alam mong parang 24 hours maximum siguro tapos ka na di ba?

Pero ‘yong breastfeeding parang wow ilang taon to? Ilang taon tong commitment na gagawin mo. ‘Yong discipline, ‘yong commitment, ‘yong pain na titiisin mo para mapakain ‘yong anak mo.”

“So napakasaludo talaga ako sa lahat ng padede moms dahil nakakabilib ‘yong ginagawa nila,” sabi pa ni Angelica.

Babala ni Angelica at Gregg sa mga followers nila sa social media

angelica panganiban engagement with boyfriend gregg homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Ibinahagi rin ni Angelica ang dahilan kung bakit hindi pa nila ipinapakita ang mukha ng kanilang baby. Ito’y dahil umano sa mga scammers at manloloko na baka gamitin ang kanilang baby sa mga masasama nilang gawi.

“As much as gusto namin siya i-share sa inyo dahil proud na proud kami sa kanya, hindi namin magawa. Kasi sobrang sasama ‘yong loob ko nun baka ma-trigger ‘yong postpartum ko nun ‘pag nakita ko siya sa isang fake page na hindi kami. At ang ginagawa is nanghihingi siya ng pera sa mga inosenteng tao.”

Ito ang sabi pa ng aktres. Ito raw ay dahil may isang fake Facebook account ang nakapangalan sa kanila ang nanghihingi ng pera sa mga followers nito. Pero paglilinaw ni Gregg at Angelica hindi sila ito at hindi sila kalianman hihingi ng pera o anumang pabor sa mga fans nila.

“We will never ask money from you guys. We will just share our experiences. We’ll never go on Telegram, Facebook or any platform to ask money from you guys. So if you get any messages from anybody saying that’s us don’t believe them.”

Ito ang babala naman ni Gregg sa mga fans at followers nila ni Angelica.

Hiling ni Angelica, sana mai-share na nila sa public soon ang mukha ng kanilang baby at magagawa lang nila ito kapag wala na ang mga fake accounts nila na kumakalat.

Samantala, maliban sa pagdating ng kanilang Baby Bean, isa pang milestone sa kanilang pagsasama ang kamakailan lang ay ibinahagi ni Gregg at Angelica. Ito ay ang engagement nila na naganap noong 4 months pa lang na buntis si Angelica.

angelica panganiban engagement with boyfriend gregg homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

“Good morning. Look I said yes. We’re engaged.”

“May baliw na nag-propose sakin. Ewan ko dead na dead sakin. Kahit anong kabaliwan ko, pangit ng ugali ko mahal na mahal ako. Nag-propose sa buntis na mainit ang ulo. Grabe nakaka-speechless pala.”

Ito ang pagbabahagi ni Angelica sa nararamdaman niya sa naging engagement nila ni Gregg Homan.

 

The Homans Vlog

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban sa pagiging first-time mom: “Iba pala ‘yong puyat ‘pag may inaalagaan kang bata.”
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko