X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK! Angelica Panginiban pregnant sa kaniyang 1st baby

6 min read
LOOK! Angelica Panginiban pregnant sa kaniyang 1st babyLOOK! Angelica Panginiban pregnant sa kaniyang 1st baby

Congratulations Angge!

Angelica Panganiban, buntis sa kaniyang 1st baby! Ibinahagi ng aktres na siya’y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angelica Panganiban buntis sa kaniyang 1st baby
  • Gregg Homan at Angelica Panganiban love story

Angelica Panganiban buntis sa kaniyang 1st baby

Angelica Panganiban, binasag na ang katahimikan ukol sa usap-usapang siya ay pregnant para sa kanilang first baby ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Nagsimula ang relasyon sa pagitan ni Angelica at Gregg noon pang buwan ng Hulyo, taong 2020. Sa loob lamang na dalawang taong nang pagsasama ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.

Inamin Angelica Panganiban na siya’y buntis sa unang na nilang baby ng kaniyang partner na si Gregg. Ito’y ibinahagi niya sa pamamagitian ng isang Instagram post. 

Pagbabahagi niya, 

angelica panginiban

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panginiban

“Ay! Na post!!

Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko, kaiyaq pramis.”

 

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

 

Gregg Homan at Angelica Panganiban love story

Slowly but surely na mailalarawan ang simula ng lovestory ng aktres na si Angelica Panganiban at ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. Humahanga ang aktres sa kung papaano nagawang pumasok ni Gregg sa kaniyang guarded na puso.

“Parang naging normal na sa akin na may mataas na wall,” pagbabahagi ni Angelica.

Dahil sa tatlong heart break na kaniyang naranasan noon, mas naging wais na si Angelica sa pagpili ng tao na kaniyang mamahalin. Hindi na siya basta-bastang tumatanggap at hinahayaan na lamang muna niyang maging kaibigan lang sa simula.

Subalit may nanalo na! Si Gregg Homan ang nagwagi at nakabingwit sa puso ng aktres na si Angelica Panganiban. Labis umano na “pinursige” ni Gregg ang aktres upang makamit nito ang matamis niyang Oo.

angelica panginiban

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica

Masasabing very smooth ang panimula ng kanilang relasyon. Pagbabahagi pa ni Angelica,

“Wala naman kasing naging pressure. ‘Yon ang naging difference. Parang kalmado lang dumating ‘yong lahat.

Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari lang siya.”

angelica panginiban

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica

Dagdag pa ng aktres,

“Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo.”

Sa unang bahagi ng kanilang relasyon, minabuti ng dalawa na maging lowkey na laman at gawing pribado ang kanilang relasyon. Ayon sa aktres, dumating na siya sa punto kung saan nais na lamang niya  panatilihing pribado ang mga bagay na nasimulan nang pribado.

“Kasi minsan hindi mo nakikita yung point. Minsan mas gumugulo kapag mas marami nakikisawsaw na tao.” saad ng aktres.

Bukod pa rito, nirerespeto din ‘di umano niya ang pribadong buhay ng kaniyang nobyo, dahil hindi raw sila magkapareho at siya ay nananatiling nasa industriya ng show business.

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

Subalit nang pumasok New Year 2021, sa eksaktong araw ng Bagong Taon, ibinahagi ni Angelica ang litrato nilang dalawa kung saan sila ay magkahalikan sa tabing dagat.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Kinumpirma niya ang relasyon sa pagitan nilang dalawa sa pamamagitan ng litratong ito habang may caption na:

“Kung isa kang pelikuka, sana,, wala kang ending..”

Napakaraming natuwa at kinilig na kaibigan at taga-suporta sa rebelasyong ginawa na ito ng aktres. Ayon sa kaniya, nais niya itong ibahagi sa mga tao na naging karamay nita sa lungkot at sa ligaya, na sa muling pagkakataon siya ay masaya na ulit.

Opisyal na nagsimula ang relasyon sa pagitan ng dalawa noong July, 2020. Subalit, taong 2019 pa lamang noong una silang magkita at magkakilala.

Noon ay sinimulan nila ang kanilang relasyon nang magkaibigan lamang hanggang sa humantong ito sa masaya at romantic relationship.

BASAHIN:

LOOK! Dimples Romana pregnant sa kaniyang 3rd baby

Angeline Quinto sa pagiging bugnuting buntis: “Ang babaw kasi ng mga nagiging dahilan.. Ako nga minsan naiinis sa sarili ko.”

#SanaAll: Jennylyn Mercado blooming sa kaniyang 30th week na pagbubuntis

Bagay na dapat panatilihing pribado sa isang relasyon

Lahat ng bagay ay maaari mong ibahahagi sa mga tao o iyong kaibigan. Subalit hindi ibigsabihin na pwede ay dapat at tama. May ilang mga bagay na dapat panatilihing pribado higit lalo na sa mga sensitibong bagay sa isang relasyon.

Narito ang ilang mga bagay na dapat panatilihing pribado upang ma-maintain ang maayos at matatag na relasyon.

1. Usaping financial

Bawat couple ay dumaraan sa punto kung saan nagshe-share na ang dalawa pagdating sa ups and downs ng usaping pinansiyal. Nararapat lamang na iwasan ang pagbabanggit ng tungkol sa bagay na ito lalo sa ibang tao na hindi naman involve sa inyong relasyon.

2. Kahit anong bagay na tungkol sa sex o pakikipagtalik

Anumang nangyayari sa sensitibo at pribadong oras na para sa inyo lamang na dalawa ay dapat manatili na lamang sa inyo. Maliban na lamang kung napag-usapan at nagkasundo ang magkabilang panig na okay lang ibahagi ito sa iba.

3. Mga away at hindi pagkakaunawaan

Malaki ang posibilidad na maraming makialam kung mas marami ang nakikialam. Kung marami may say sa inyong relasyon, maaari rin na mas lumaki pa ang alitan sa pagitan ninyo ng iyong partner at mas mahirapan kayong ayusin ito.

4. Mga bagay na kinaiinisan mo sa iyong partner

Kapag ibinahagi mo sa iba ang mga bagay na ayaw o kinaiinisan mo sa iyong partner, para mo na rin silang binigyan ng opporunity upang i-judge ang iyong partner. Maaari itong maging hudyat sa kanila upang magbigay ng negatibong opinyon sa iyong partner.

5. Insecurities ng iyong partner

Maaaring maganda at malinis ang iyong intensyon kung tatanungin mo ang iyong mga kaibigan kung paano iha-handle ang insecurity ng iyong partner.

Subalit ang huling bagay na gugustuhin ng partner mo na marinig mula sa’yo ay ang banggitin mo ang mga bagay ukol sa kaniyang insecurity.

 

PEP, OZFM

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kamille Uriella Batuyong

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK! Angelica Panginiban pregnant sa kaniyang 1st baby
Share:
  • Nosebleeding while pregnant: What causes them and what you can do

    Nosebleeding while pregnant: What causes them and what you can do

  • Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

    Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

  • 5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

    5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

app info
get app banner
  • Nosebleeding while pregnant: What causes them and what you can do

    Nosebleeding while pregnant: What causes them and what you can do

  • Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

    Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

  • 5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

    5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.