Jennylyn Mercado, ibinahagi ang kaniyang pregnancy update, sa pamamagitan ng mga litrato at pag-flaunt ng baby bump kaniyang 30th week ng pagbubuntis.
Mababasa sa arikulong ito:
- Jennylyn Mercado ipinakita ang kaniyang 3oth week prenancy photos
- Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kinansela ang pagkakaroon ng baby shower
- 4 ways kung paano maaaring i-celebrate ang baby shower sa gitna ng pandemya
Jennylyn Mercado ipinakita ang kaniyang 3oth week prenancy photos
Hindi maitatanggi na kahit tatlumpung linggo na ang aktres na si Jennylyn Mercado ay very blooming pa rin sa kaniyang mga pregnancy photos.
Ibinahagi ni Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa mga netizen ang ilang mga litrato ng kaniyang baby bumb habang nagsi-swimming. In-upload niya ang mga ito sa kaniyang Instagram account bilang pagbibigay na rin ng update sa kaniyang prenancy.
Ayon sa aktres,
“30th week swimming with my girl!”
Suot ni Jennylyn ang kaniyang kulay puti na long-sleeve bathing suit sa kaniyang mga litrato na kuha nga kaniyang “hubby” na si Dennis Trillo.
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Dahil sa napakagandang kinalabasan ng mga litrato ng aktres kung saan kitang-kita rin ang kaniyang pagiging blooming, umani ng libo-libong likes at comment ang kaniyang IG post.
Karamihan sa mga nag-express ng kanilang paghanga sa comment section ay ang kaniyang malalapit na kaibigan at kapwa artista. Kasama na dito sina Chynna Ortaleza-Cirpriano, Sheena Halili, Yasmien Kurdi, at Chariz Solomon.
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kinansela ang pagkakaroon ng baby shower
Ibinahagi ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang ginawang pagkansela ng kanilang pinaghahandaang baby shower party.
Pagbabagi niya,
“Gusto lang naming i-share sa inyo na meron talaga dapat kaming baby shower..”
Ipinakita ng aktres sa isa sa kaniyang mga vlogs mula sa kaniyang Youtube channel ang lugar kung saan ito dapat na gaganapin. Mayroon na rin siyang taong nakausap natutulong sa kaniya upang maging success ang celebration na ito na minsan lamang mangyayari sa kanila.
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Subalit dahil sa kasalukuyang sitwasyon bunsod ng pandemya, minabuti ng dalawa na kanselahin na lamang ito upang masigurado rin ang healthy na pangangatawan ni Jennylyn at hindi na rin makasagap ng sakit.
Ayon sa aktres na si Jennylyn Mercado,
“Dahil sa sitwasyon ng buong mundo ngayon, mahirap talagang magkaroon ng contact sa ibang tao, cinancel namin (‘yong baby shower).”
Hindi man natuloy ang plinano nilang party para sa kanilang baby shower, hindi naman nagpapigil ang paggdating ng napakaraming “blessing” para sa mag-asawa at kanilang magiging anak.
Ipinakita ng dalawa kung gaano kadaming regalo ang dumating at patuloy na dumarating sa kanilang studio. Umulan ng regalo hindi lamang para kay Jennylyn, kundi higit lalo na para sa kanilang darating na baby girl.
Labis-labis naman ang pasasalamat ni Jennylyn at Dennis para kanilang pamilya, sponsors, kaibigan, at ang iba pang malalapit sa kanila. In-express ng dalawa ang kanilang pagkilala para sa mga taong nagbigay ng oras upang ipahatid ang kanilang mga regalo.
Pagbabahagi ni Dennis,
“Thank you sa lahat ng mga pinadala ninyong pagmamahal at mga regalo sa amin at sa aming padating na baby!”
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
BASAHIN:
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kinailangang mag-isolate para maprotektahan ang pagbubuntis sa kanilang unang baby
LOOK: Patrick Garcia’s son with Jennylyn Mercado looks just like him!
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang details ng kanilang civil wedding
4 ways kung paano maaaring i-celebrate ang baby shower sa gitna ng pandemya
Malaki ang naging pagbabagong dala ng pagkakaroon ng COVID-19 sa buong mundo. Kasama na rito ang tradisyunal na paraan kung paano ginaganap ang baby shower party para sa mga soon-to-be parents.
Dahil sa mga strict restriction na ipinatutupad, naging limitado na lamang ang galaw ng mga tao at hindi na rin pwede ang malakihang celebration. Kung saan maaaring dumulog ang maraming tao o bisita. Subalit hindi ibig sabihin noon ay hindi na pwedeng mag-organize ng espesyal na celebration para sa mga mom-to-be.
Narito ang 4 na idea na maaari ninyong pagpilian:
1. Outdoor baby shower
- Maaari kang humanap ng outdoor venue o space na maaaring pagdausan ng inyong pinaplanong baby shower celebration.
- Siguraduhin na limitado lamang ang bilang ng mga taong imbitado o maaaring pumunta sa inyong party.
- Maglagay ng note sa imbitasyon na required ang pagsusuod ng mask. Kung sakaling nakakaramdam ng kahit anong sakit ay huwag ng tumuloy o sumama pa sa celebration.
- Siguraduhin na mayroong lugar upang hugas o mag-sanitize ng kanilang kamay bago pumasok sa mismong venue.
- Iwasan ang paglalagay ng communal buffet, mas makabubuti kung naka-ready na at naka-pack na ang pagkain para sa mga bisita.
2. Drive-by baby shower
- Maaari mong imbitahan ang iyong mga kaibigan na gumawa ng signs o disenyuhan ang kanilang mga sasakyan saka ito padaanin sa bahay ng mom-to-be.
- Maaari itong gawin sa paraan na tila isang parada at magbigay lamang ng ilang minuto kada sasakyan upang ipahatid ang kanilang mensahe o ibigay ang kanilang regalo.
3. Video baby shower
- Maaari kang mag-conduct ng virtual event para sa inyong baby shower party sa pamamagitan ng ilang mobile application katulad ng Zoom, FaceTime, Google Hangouts, o Skype.
- Maghanap ng host para sa virtual party na mayroong sapat na kaalam sa app na gagamitin. Marahil ilan sa iyong mga imbitado ay limitado lamang ang kaalaman sa paggamit nito kaya makakabuti kung may isang tao na maaaring magturo sa kanila nito.
- Magkaroon ng iba’t ibang activities na maaaring gawin din online. Maaari kayong maglaro ng online quiezzes at games katulad ng pagiisip ng “Celebrity baby name game.” Maaari rin gawin ang virtual gender reveal ni baby.
Bagamat nananatili pa rin ang lahat sa sitwasyong may pandemya. Marami pa ring ibang paraan upang ganapin ang baby shower habang pinapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!