Jennylyn Mercado at Dennis Trillo labis ang ang naging pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID ng aktres habang nagbubuntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jennylyn Mercado at Dennis Trillo isolation upang makaiwas sa COVID
- 3 tips mula kay Jennylyn at Dennis upang hindi magka-COVID
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo isolation upang makaiwas sa COVID
Matatandaang noong lamang Nobyembre noong nakaraang taon ay ibinahagi ng mag-asawang Dennis at Jen ang pagbubuntis ng aktres para sa kanilang unang anak. Sa parehong taon, naganap din ang pagpapakasal ng dalawa.
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Samantala, kasabay ng masayang pagpasok ng bagong taon ay ang pag-akyat din ng COVID positive cases sa bansa. Para sa isang nagdadalang-tao na gaya ni Jen, maigi at doble-dobleng pag-iingat ang kinakailangan.
Nito lamang nakaraan, ibinahagi ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang ginagawang aksyon kontra COVID habang nasa pregnancy journey ang aktres.
“Hello everyone! Sana ay safe at healthy po kayong lahat! Gusto sana namin i-share sa inyo ang aming kuwento sa pakikipaglaban kay COVID! Enjoy! Stay safe and COVID free!!!”
Ito ang caption na iniwan ng aktres sa video na kanilang in-upload sa kaniyang youtube channel.
Binigyan nila ng ilang tips ang kanilang followers at viewers sa kung papaano maging positibo sa buhay habang negatibo sa COVID.
Mapapansin ng kanilang mga tagasubaybay na dalawang linggo nang hindi nagpo-post ang celebrity couple. Ayon sa kanila, ito ay dahil bago pa man pumasok ang taong 2022, sila at nagkasakit.
Depensa ni Dennis,
“Hindi COVID, nagkaroon kami ng malalang ubo. Medyo matagal siyang nawala, parang mga two weeks.”
Ilang beses ‘di umano silang nagpa-Antigen at RT-PCR test at pare-pareho lamang ang nagiging resulta nito — “negative.”
Dagdag pa ng aktor,
“Pero masuwerte pa rin tayo kahit na itong whole run ng pandemic na ito, hindi pa rin natin siya nakukuha. Kumbaga, hindi pa rin tayo dinadapuan ng COVID.”
Mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas nang magsimulang magkaroon at kumat ang sakit na COVID. Marami na ang nabiktima, may ilang namatay, at marami na rin ang gumaling.
Samantala, malaki rin ang pasasalamat ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Dahil sa loob ng mahigit dalawang taon ay hindi pa rin sila tinamaan ng COVID.
Jennylyn mercado pregnancy at kung paano siya alagaan ni Dennis trillo. | Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
BASAHIN:
Jennylyn Mercado, may schedule na ng surrogacy implant bago malaman na buntis
Anne Clutz walang nakita sa pregnancy ultrasound: “Lord, kayo na pong bahala. Kinakabahan talaga ako.”
Iya Villana sa pagkakaroon ng COVID ngayong buntis: “The doctor never ever made me feel na dapat mag-alala ako.”
Subalit matapos magdiwang ng bagong taon, isang miyembro ng kanilang tahanan ang nagkaroon ng sakit. Dahil sa isang ito, sunod-sunod nang nagkaroon ang mga tao sa bahay maliban sa kanilang mag-asawa.
Ito ang dahilan kung bakit higit na minabuti ng dalawa na mag-isolate na muna lalo’t nasa ika-anim na buwan na ng kaniyang pagbubuntis ang aktres.
Pansamantalang nanatili ang celebrity couple sa kanilang condo upang maisawang makasagap ng sakit. Habang naka-isolate, doble-doblengg pag-iingat at pag-aalaga ang ginagawa ni Dennis para sa asawa.
Pagbabahagi ni Jen,
“Si Dennis ang halos lahat gumagawa ng mga bagay dito sa condo, kasi nga ayaw naman niya kong pakilusin”
Mula sa pagluluto hanggang paghuhugas ng pinagkainan ay si Dennis ang gumagawa. Bukod pa rito, maaasahan din niya ang asawa pagdating sa iba pang mga gawain sa bahay katulog ng paglilinis at paglalaba.
Masaya naman itong ginagawa ng aktor at ayon sa kaniya, hindi ito ganoon kahirap dahil dadalawa lamang sila sa loob ng condo.
Dagdag pa ng aktres,
“Masuwerte ako na kasama ko siya rito kasi at least, naaalalayan ako ng husto.. naaalagaan.”
Samantala, makalipas lamang ang dalawang linggong pag-isolate ay nagdesisyon na ang dalawa na bumalik na sa kanilang bahay.
Ayon sa aktres,
“Makakabalik na kami ng bahay kasi nag-RT-PCR na ‘yong taong nag-positive sa bahay..”
“Lahat sila nag-test, negative na for COVID. And thank God,” dagdag naman ng kapuso actor na si Dennis.
3 tips mula kay Jennylyn at Dennis upang hindi magka-COVID
Screen capture mula sa YouTube Channel ni Jennylyn Mercado
Ano nga ba ang sikreto ng dalawa sa hindi pagkakaroon ng sakit? Mahigit dalawang taon na ang pandemya, pero ang celebrity couple ay stay strong pa rin sa pagiging negative.
Ibinahagi ng mag-asawa ang ilan sa kanilang mga tips upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID.
1. Regular na pag-take ng vitamins at supplements
Ayon sa kanila, makakatulong pampalakas ng immune system ang pag-inom ng supplements at vitamins gaya ng Vitamin C, Zinc, D3, Magnesium, at Calcium.
2. Regular exercise
Regular din ang pag-e-exercise ng dalawa. Dahil ayon kay Dennis, “mahalaga pa rin ang pagpawisan at masikatan ng araw.”
Malaki ang naitutulong ng pag-eehersisyo upang magkaroon ng mas matibay at healthy na pangangatawan ng isang tao.
3. Pagkain ng masusustansiyang pagkain
Binigyang diin naman ni Jen ang pagkain ng healthy foods. Para sa aktres, ang bawat bagay at pagkain na pumapasok sa katawan ng isang tao ay dapat healthy upang mas tumibay ang immune system.
Bagama’t nasa pandemya, higit na tinututukan ng mag-asawa ang pagbubuntis ng aktres. Kaya naman sinisigurado nilang nagagawa pa rin ni Jen ang ilang mga actvity na makakatulong sa kaniyang pagbubuntis.
Halimbawa na lamang nito ang swimming at walking. Ito ay nakakatulong sa buntis upang maiwasan ang pagkakaroon ng manas.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!