X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jennylyn Mercado, may schedule na ng surrogacy implant bago malaman na buntis

4 min read
Jennylyn Mercado, may schedule na ng surrogacy implant bago malaman na buntis

Sinubukan rin daw nila Dennis at Jennylyn na magpa-freeze ng eggs noong 2018 pa.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang kanilang journey sa pagbubuntis ng baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jennylyn Mercado at Dennis Trillo journey on having a baby.
  • Dennis Trillo at Jennylyn Mercado on trying surrogacy.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo journey on having a baby

jennylyn mercado at dennis trillo baby

Image from Jennylyn Mercado’s Facebook account

Nitong October 29 ay ibinahagi ng celebrities at real-life couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na sila ay engaged na. Kasabay ng engagement announcement nila ay ipinaalam rin ng dalawa na sila ay magkakaanak na.

Ito ay kasunod ng biglaang pagkakaroon ng medical emergency ni Jennylyn habang nagte-taping ng isang programa sa GMA. Ito rin umano ang mga panahon na nakaramdam si Jennylyn ng sintomas ng pagbubuntis.

Marami ang natuwa sa ibinahaging milestone na ito ni Jennylyn at Dennis sa kanilang pagsasama. Lalo na’t anim na taon naring strong at happy ang relationship nila.

Sa pinakabagong vlog entry ni Jennylyn ay ibinahagi nila ni Dennis ang orihinal na plano nila pagdating sa pagkakaroon ng anak.

Dennis at Jennylyn nagbalak magka-anak sa pamamagitan ng surrogacy

Kuwento ng dalawa, taong 2018 ng mag-desisyon silang magpa-freeze ng eggs ni Jen. Pero ang dalawang beses nilang subok sa procedure na ito ay hindi nagtagumpay.

“Noong 2018 ang plano lang namin ni Dennis ay magpa-freeze lang ng eggs, ng speciment. Noong mga time na ‘yon hindi pa ako handa talaga mag-carry ng baby.”

Ito ang pagbabahagi ni Jennylyn sa kaniyang vlog.

Sa payo ng kanilang mga kaibigan ay sinubukan nila Dennis at Jennylyn ang surrogacy na legal ng gawin sa ibang bansa.

Sa pagsisimula ng pandemic ay nagpunta sila sa USA para doon magpatingin at doon nga gawin ang unang hakbang ng surrogacy. Nauna doon si Dennis para mag-deposit ng kaniyang sperm.

Nang makauwi si Dennis sa bansa, ay sunod namang napunta si Jennylyn sa USA ng magsimula na ang second lockdown sa Pinas.

Doon niya sinimulan ang mga hakbang para maihanda ang kaniyang katawan na maging healthy para sa pag-reretrieve ng kaniyang eggs na kailangan sa surrogacy.

“Pagdating ko doon sa Vegas doon namin ginawa ‘yong cycle. Doon ako nag-start ng medication, blood test, interview. Araw-araw nag-u-ultrasound ako para macheck kung may nabuo na ba.”

Ito ang pagkukuwento ni Jennylyn sa ginawang procedure sa kaniya.

BASAHIN:

LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!

Want baby to start blabbing? Here are some speech exercises to do at home

Magkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anak

Jennylyn kailangang mag-inject ng gamot 3x a day bilang parte ng surrogacy procedure

jennylyn mercado at dennis trillo baby

Image screenshot from YouTube video

Maliban sa ginawang test ay nag-i-inject din umano ng gamot sa kaniyang tiyan si Jennylyn araw-araw ng tatlong beses. Ito umano ay napakasakit.

Mabuti na nga lang umano ay bumalik si Dennis sa US. Ito ay naging malaking tulong sa kaniya para masigurong magkakaroon siya ng healthy eggs for surrogacy.

Sa katunayan ay pinag-aralan ni Dennis kung paano ang tamang pag-i-inject ng gamot sa tiyan ni Jennylyn na hindi niya kayang gawin ng mag-isa kinatagalan.

“Araw-araw siya 3x a day. Bugbog na bugbog ‘yong tiyan ko. Parang ayoko ng gumawa kasi sakit na sakit na ako. Kailangan ibang tao kasi hindi ko na siya kayang itusok sa sarili ko,” sabi ni Jennylyn.

“Nag-decide ako na sumunod na lang kay Jen. Dapat talaga siya lang gagawa noong buong proseso na ‘yon pero naisip ko na mahihirapan siya at kailangan niya ‘yong suporta ko.”

Ito naman ang sinabi ni Dennis bilang pagsuporta sa fiancé na ngayong si Jennylyn.

May schedule na raw ang surrogacy implant pero ‘di natuloy dahil nabuntis si Jennylyn

jennylyn mercado at dennis trillo baby

Image screenshot from YouTube video

Sa awa ng Diyos matapos ang halos isang buwan na paghahanda ay nagkaroon ng raw ng healthy eggs si Jennylyn. Maayos itong na-retrieve sa kaniya.

Kaya naman ang sunod nilang naging hakbang ay ang maghanap ng surrogate mother na magdadala sana ng anak nila ni Dennis. Mayroon silang nakita na nakausap na rin daw nila Jennylyn at Dennis.

Ito raw ay isang couple na kung saan ang profession talaga ng babae ay maging isang surrogate mother. Magaganap nga umano sana ang surrogacy implant last week nitong Oktubre.

“Nakilala namin sila sobrang bait na couple. Ayun talaga profession ng babae.

“Gumawa na ng schedule para sa contract signing pati sa implant. Dapat yung naka-schedule ng October. Dapat yun last week ng October mangyayari.”

Pero sa hindi inaasahan ay nabuntis si Jennylyn na hindi lang magandang balita para sa kanila ni Dennis kung hindi para narin sa kanilang buong pamilya.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Sa ngayon ay 9 weeks pregnant na si Jennylyn. Ito ang unang baby nila ni Dennis. Bagamat sila ay parehong may anak na sa mga nauna nilang ka-relasyon.

Source:

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jennylyn Mercado, may schedule na ng surrogacy implant bago malaman na buntis
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.