X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!

4 min read
LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!

Sagot ni Jennylyn kay Dennis – “It’s always been a YES. ”

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo inanunsyo ang engagement at pagdadalangtao ni Jen.

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:

  • Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement.
  • Pagbubuntis ni Jennylyn sa baby nila ni Dennis Trillo.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement

Image from Jennylyn Mercado’s Official Facebook account

Engaged na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado! Ito ang special announcement ng real-life couple na inabangan ng kanilang mga taga-hanga sa 24 Oras ngayong gabi.

“We are getting married!”

Ito ang masayang pag-aanunsyo ng dalawa matapos ang ilang taong nilang pagsasama bilang mag-nobyo at nobya.

Ayon sa kuwento ng dalawa sa ginawang panayam sa kanila ng showbiz reporter na si Nelson Canlas, naganap ang proposal sa bahay ni Jennylyn.

Kuwento ni Jennylyn ay wala daw siyang kaide-ideya sa gagawing proposal noon ni Dennis sa kaniya.

“Wala akong idea dahil hindi ako masyado bumababa ng bahay. Pero nung time na ’yon, sinabi sa ’kin ni Dennis kailangan ko daw bumaba dahil may ishu-shoot daw kami parang future message.”

Ito ang pagkukuwento ni Jennylyn.

Jennylyn buntis narin sa first baby nila ni Dennis Trillo

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement

Image from Jennylyn Mercado’s Official Facebook account

Ayon sa kaniyang interview sa Preview magazine, nais sana ni Dennis na out of town ganapin ang proposal. Ngunit dahil sa maselan na kundisyon ni Jen ay pinili na lang niyang sa home gym na lang gawin ito.

Sa pag-aanunsyo na rin nila sa 24 Oras, naibahagi ng dalawa na 9 weeks pregnant na si Jen.

Pero ang pagbubuntis umano ni Jennylyn ay maselan dahilan para hindi siya makalabas ng bahay.

Kuwento ni Jennylyn, nagsimula siyang makaramdam ng sintomas ng pagbubuntis habang siya ay nag-te-taping ng isang programang ginagawa niya sa GMA dalawang buwan na ang nakakalipas. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo, nausea at acid reflux na madalas na sintomas na nararanasan ng mga babaeng nagdadalang-tao.

Hiling ng dalawa sana baby girl na ang ipagkaloob sa kanila. Dahil mayroon na silang two boys. Si Jazz na anak ni Jennylyn at Patrick Garcia. At si Calix na anak naman ni Dennis at dating beauty queen na si Carlene Aguilar.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement

BASAHIN:

LOOK: Teenager na ang anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia

Jennylyn Mercado pinagtanggol ang mga single mom: “Having a kid early doesn’t make you less of a woman”

The unlikely friendship of Jennylyn Mercado and Nikka Garcia

Jennylyn Mercado to Dennis Trillo’s proposal: “It’s always been a YES. ”

Pinaghandaan daw ng maigi ni Dennis ang ginawa niyang marriage proposal kay Jennylyn. Sa tulong ng event designer at florist na si Gideon Hermosa ay ginawa niyang mas special ang big event na ito sa relasyon nilang dalawa.

Si Jennylyn na noon ay walang kaalam-alam sa nangyayari ay pinagbihis ni Dennis para daw sa isang shoot. Naghinala lang si Jennylyn na may kakaibang nangyayari ng magsimula ng magsalita ng seryoso si Dennis.

Habang tinutugtog ang kantang “My Love” ni Paul McCartney ay doon daw biglang naglabasan ang nagliliwanag na mga salitang “Marry Me” sa harap ni Jennylyn. Doon daw naiyak ang aktres na sinundan agad ng paglapit ni Dennis na agad na sinuot ang singsing sa daliri ni Jennylyn.

“Sinuot na niya ‘di pa ‘ko sumasagot. Confident siya. Sabi ko lang, ‘Di mo pa ‘ko tinatanong!’”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Jennylyn sa ginawang panayam sa kanila ni Dennis ng Preview Magazine.

Ayon naman kay Dennis, bagamat hindi magarbo ang ginawa niyang proposal ay sigurado naman niyang mula sa puso ang lahat ng ginawa at sinabi niya dito.

“Siyempre gusto ko hindi masyado magarbo. Sa panahon ngayon, dapat maging practical. Ginawa kong simple pero heartfelt pa rin,” sabi ni Dennis.

Samantala, sa kaniyang social media accounts ay nagbahagi si Jennylyn ng mga larawang kuha sa marriage proposal ni Dennis sa kaniya. Ang caption at sagot ni Jennylyn sa alok na kasal ni Dennis ay ito. “

“It’s always been a YES. ❤”

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement

Image from Jennylyn Mercado’s Official Facebook account

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo love story

Unang nagkaroon ng relasyon sina Dennis at Jennylyn noong 2010. Pero ng sumunod na taon ay agad silang naghiwalay.

Taong 2015 nang muling magbalikan ang dalawa. Mula noon ay hindi na sila muling naghiwalay at palagi ng pinapakilig ang kanilang mga fans sa kanilang ka-sweetan sa harap at likod man ng camera.

Source: Preview, GMA

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.