X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anne Clutz walang nakita sa pregnancy ultrasound: “Lord, kayo na pong bahala. Kinakabahan talaga ako.”

4 min read

Youtube vlogger na si Anne Clutz, ibinahagi sa isa niyang vlog na hindi makita sa ultrasound ang kaniyang baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pregnant na si Anne Clutz ibinahagi ang kaniyang sitwasyon ngayon sa kaniyang pagbubuntis
  • Sintomas ng pagbubuntis sa unang anim na linggo

Pregnant na si Anne Clutz ibinahagi ang kaniyang sitwasyon ngayon sa kaniyang pagbubuntis

Kamakailan lamang ay masayang ibinalita ni Anne Clutz at ng kaniyang asawa na si Papa Kitz ang kaniyang pagdadalang-tao para sa kanilang ikatlong anak.

Marami ang natuwa at bumati para sa mag-asawa. Hindi maitatanggi ang mainit na pagtanggap ng mga tao para sa kanilang 3rd baby, lalo’t higit ang suporta mula sa kanilang pamilya at followers.

anne clutz pregnant

Anne clutz pegnant sa kaniyang 3rd baby. | Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Samantala, noong nakaraan lang ay ibinahagi ni Anne Clutz sa isa niyang vlog mula sa kaniyang Youtube Channel na walang makita ang doktor noong sumailalim siya sa ultrasound.

May ilang hindi pangkaraniwang bagay na nararamdaman ang sikat na vlogger na si Anne Clutz sa kaniyang katawan nitong nakakaraan.

Ayon sa kaniya,

“Wala akong ka-energy, energy at saka hindi ako nakakatulog ng maayos”

Dagdag pa niya,

“Nagigising ako sa sakit ng puson ko”

Ang mga bagay na ito ay hindi pangkaraniwang nararamdaman niya sa araw-araw. Bilang buntis, yung mga ganitong klaseng bagay ang nagbibigay kaba at pangamba sakaniya.

Ito rin ang nagtulak sa kaniya upang tuluyan nang magpakonsulta sa kaniyang pinagkakatiwalaang doktor. Pagbabahagi niya,

“Para ma-ease yung aking nararamdaman kasi nga hindi ko to naramdaman kay Jeya or kay Joo.. Wala, wala akong naramdaman na ganito”

Para sa maraming ina, mahalaga ang agarang pagkonsulta sa doktor oras na may kakaibang maramdaman sa kanilang pangangatawan habang nagbubuntis.

anne clutz pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

May mga pagkakataon na ang salita mula sa eksperto ang nakakatulong upang gumaan ang pakiramdam ng isang tao at mabawasan ang labis na pag-iisip. Tandaan na ang sobrang pag-iisip ay maaaring magdala ng hindi magandang epekto sa iyong sarili maging sa iyong pagbubuntis.

Dahil hindi mapalagay si Anne Clutz kaya bago pa man ang kaniyang pagbisita sa doktor ay nasambit niya ang mga salitang ito:

“Lord, kayo na pong bahala.. kinakabahan talaga ako.”

Samantala, sumailalim naman si Anne Clutz sa Transvaginal Ultrasound at Urinalysis upang masigurado na nasa maayos na kalagayan ang kaniyang baby.

Ang Transvaginal Ultrasound ay ginagawa upang makita ang kondisyon ng matris, obaryo, mga tube, cervix at pelvic ng isang babae.

Sa kabilang banda, ang Urinalysis naman ay ginagawa upang i-test ang ihi ng isang tao at makita kung mayroon ba itong posibleng impeksyon.

Sa sitwasyon ni Anne Clutz, wala naman siyang Urinary Tract Infection o kilala sa tawag na UTI.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

“Negative naman ‘yong urinalysis ko. Negative din ‘yong ultrasound ko.”

Ito ang mga katagang lumabas sa kaniyang bibig nang ibalita niya sa asawa kung ano ang resulta ng check up. Wala pa umanong makita ang doktor sa kaniyang ultrasound.

Ayon sa paliwanag ng doktor, ito ay dahil masyado pang maaga para may makita sa ultrasound. Dagdag pa rito, nang tanungin ni Anne, hindi pa raw masasabi ng doktor kung may posibilidad ba na dumaan siya sa ectopic pregnancy.

Ito’y ang sitwasyon kung saan ang egg ay wala sa loob kundi nasa labas ng bahay-bata. Sa kasalukuyan, normal naman ang naging resulta ng bawat test na kaniyang ginawa, kaya bahagyang gumaan ang kaniyang nararamdaman.

anne clutz pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Payo niya,

“Kaya best thing to do talaga ay ‘wag nang mag-google ng kung anu-ano,” giit ni Anne Clutz.

Mahalaga at palaging tandaan na mas mainam pa rin ang pagkonsulta sa doktor upang makuha ang wasto o tamang sagot ukol sa kondisyon ng ating katawan.

Ito rin ang payo ng vlogger sa kaniyang mga followers upang maiwasan din ang labis na pag-iisip. Malumanay naman niyang kinausap ang baby habang nakatingin sa sarili niyang tiyan at sinabing,

“Baby.. kahit hindi ka pa nagpakita okay lang, sige.. Take your time.”

BASAHIN:

6 mararamdamang sintomas ng buntis sa unang buwan ng kaniyang pagdadalang-tao

Buntis ba ako? Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis

21 na hirap na nararanasan ng mga babae sa habang buntis

Sintomas ng pagbubuntis sa unang anim na linggo

Sa unang bahagi ng pagbubuntis ng isang babae ay madaling makita at maramdaman ang mga maliit na pagbabago sa kaniyang sarili at nararamdaman.

Narito ang mga bagay na maaari mong maranasan kung ikaw ay nasa unang bahagi na iyong pagbubuntis.

  • Maaari kang makaranas ng sintomas na parang PMS o Premenstrual Syndrome, gaya ng pagkapagod, pananakit ng suso, at pananakit ng ulo.
  • Maaari ka ring makaranas ng morning sickness.
  • Madalas na pag-ihi dahil sa pagbabagong nagaganap sa iyong matris.
  • Pagiging maramdamin at iritable
  • Paglaki at pag-itim ng areolas sa pagitan ng nipple.

 

Youtube, Healthline

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kamille Uriella Batuyong

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Anne Clutz walang nakita sa pregnancy ultrasound: “Lord, kayo na pong bahala. Kinakabahan talaga ako.”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.