Angelica Panganiban sa proposal ng kaniyang boyfriend: “Ikakasal ako. Kaya ko ba to?”

Hindi tulad ng inaasahan, Angelica “no” ang unang naisagot kay Gregg ng tanungin siya nito ng “will you marry me?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang naging reaksyon ni Angelica Panganiban sa naging engagement proposal sa kaniya ng boyfriend na si Gregg Homan.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Mensahe ni Gregg Homan sa baby nila ng aktres na si Angelica Panganiban.
  • Gregg Homan and Angelica Panganiban engagement.

Mensahe ni Gregg sa baby ni Angelica

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Engaged at ikakasal na ang aktres na si Angelica Panganiban sa boyfriend at ama ng kaniyang anak na si Gregg Homan. Ang magandang balita ay ibinahagi nina Angelica at Gregg sa pinakabago nilang vlog sa YouTube channel nilang The Homans.

Base sa panimulang video ng vlog na kung saan makikita at maririnig na nagsasalita si Gregg sa camera ay kinakausap nito ang baby nila ni Angelica na nasa sinapupunan palang nito at 4 months. Sa video na para sa anak ay ibinabahagi ni Gregg kung paano siya nahirapang mag-propose kay Angelica dahil sa hindi siya maka-timing at pagiging moody ng aktres dala ng kaniyang pagbubuntis.

“Hi Baby Bean. It’s your dad here. You're still in mommy's belly and is four months old now. I'm making this video for you because I want to let you know that daddy's very nervous."

"‘Cause he's gonna ask your mommy to marry him today, and it has been difficult for daddy to find the time to do this because you know all the pregnancy stuff. And mom’s a been moody lately, but it’s not her fault.”

Ito ang pagsisimulang sabi ni Gregg sa video na ibinabahagi ang nararamdaman bago mag-propose ng kasal kay Angelica. Pero sa kabila ng nerbyos ay mahal niya daw talaga ang aktres kaya naman magpo-propose na siya dito ng kasal. Ang proposal ginawa niya sa isang isla na dadalhin niya rin ang anak sa oras na naipanganak na ito.

“But yeah daddy loves mommy very much and wants to spend the rest of our life together.  So I hope everything goes well. I don't think she has an idea that I'm gonna ask her today," We are currently on holidays in an island we gonna take you too one day."

"You gonna love it here. I am excited for you to see this. I am excited for you to come out and see the world. Daddy loves you very much I am very excited.”

Ito ang sabi pa ni Gregg.

Gregg Homan and Angelica Panganiban engagement

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa sunod na video ay makikitang nag-aayos si Angelica para sa inaakala niyang pagkuha lang ni Gregg ng litrato nilang dalawa. Pero sa oras na maiaayos na ni Gregg ang camera at saglit na nagpose dito para sa isang litrato ay bigla itong nagsalita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Love ko, maraming paraan para sumaya sa buhay na 'to pero ikaw yung kailangan ko. Ready?”

Matapos ng tanong na ito ay biglang lumuhod si Gregg at tinanong na ang big question niya kay Angelica.

“Angelica David Panganiban, will you marry me?”

Hindi tulad ng inaasahan na yes agad ang sagot, si Angelica “no” ang unang sinagot kay Gregg.

Kaya naman tinanong ulit ni Gregg ang aktres habang kinukuha na ang kamay nito para isuot ang singsing.

“Will you marry me?”

Si Angelica tila naguluhan at ito lang ang sunod-sunod na nasabi kay Gregg. “Yes? I don’t know. Yes I love you.”

Doon na siya biglang napaupo sa nakaluhod pang si Gregg at nag-iiyak na. Ang aktres hindi makapaniwala sa nangyayari at tila nasisisi pa si Gregg na binigla siya nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Totoo ba 'to? Bakit mo ginawa ng inaantok ako?”

Ito ang sabi ng natatawa at umiiyak na Angelica matapos mag-propose ng kasal ang boyfriend na si Gregg sa kaniya.

Nag-sorry rin siya kay Gregg sa naging inisyal na reaksyon niya at hindi parin makapaniwala sa nangyayari sa kaniya.

“I'm sorry. I love you forever paulit-ulit. Ikakasal ako. Kaya ko ba to? Oh my God.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa video na kuha ng sumunod na araw matapos ang proposal ay tila nag-sink in na kay Angelica ang wedding proposal na ginawa ni Gregg. Masaya na siyang ibinibida ang singsing niya.

“Good morning. Look I said yes. We're engaged.”

“May baliw na nag-propose sakin. Ewan ko dead na dead sakin. Kahit anong kabaliwan ko, pangit ng ugali ko mahal na mahal ako. Nag-propose sa buntis na mainit ang ulo. Grabe nakaka-speechless pala.”

Ito ang pagbabahagi ni Angelica sa nararamdaman niya sa naging engagement nila ni Gregg Homan.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, nitong September 20 ay ipinanganak na ni Angelica ang baby nila ni Gregg na nagngangalang “Amila Sabine”. Wala pang detalyeng ibinabahagi si Angelica sa naging panganganak niya pero makikita sa mga Instagram post niya na masayang-masaya siya sa bagong yugto na ito ng kaniyang buhay.

Congrats Gregg and Angelica!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement