Angelica Panganiban sa kaibigang si Glaiza De Castro: “Pinakarockstar na ninang ni bean, bubuhatin niya si bean para makakain ako”

Angelica puring-puri ang kaibigan na si Glaiza bilang pagbati sa birthday nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban may nakakatuwang pagbati sa birthday ng kaibigang si Glaiza de Castro.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Angelica Panganiban sa kaibigang si Glaiza De Castro.
  • The best na ninang din daw si Glaiza sa anak niyang si Bean.

Angelica Panganiban sa kaibigang si Glaiza De Castro

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Nitong January 21 ay nagdiwang ang aktres na si Glaiza De Castro ng kaniyang 36th birthday. Ang kaibigan niyang si Angelica Panganiban may nakakatuwang pagbati sa kaibigang si Glaiza. Si Angelica puring-puri si Glaiza na masarap daw maging kaibigan. Ibinahagi ni Angge ang ilan nga sa mga most memorable moments nilang dalawa ni Glaiza.

“Si glaiza,, pinakamasarap maging kaibigan, pinaka game sa puyatan, kahit anong oras, pupuntahan ka niya. Aangkas siya sa motor ng masahista makarating lang sayo.”

“Si glaiza ang pinaka masarap kasama sa sound trip. Bibiritin niya mga kanta ni dua lipa ng ganun ganun na lang. Si glaiza pinaka masarap kasama sa byahe, mawawala maleta niya pero chill lang siya. Bibili na lang kami ng panty sa talipapa ng bhutan, lalabhan at isasampay namin mga bagong panty niya.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Angelica.

The best na ninang din daw si Glaiza sa anak niyang si Bean

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban nga daw sa pagiging the best na kaibigan ni Glaiza, the best ninang din daw ito para sa anak niya.

“Si glaiza ang pinaka rockstar na ninang ni bean, bubuhatin niya si bean para makakain ako.”

Kaya naman si Angelica may pangako sa long-time friend niyang si Glaiza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Si glaiza ang pinaka matagal ko ng kaibigan. Hanep na, solid pa. Hippie birthday sayo amigah! Kahit may bata na ko ngayon, ikaw pa rin ang number 1 bataah sa puso ko 🫶 fly high baard!”

Ito ang pagbati pa ni Angelica sa kaibigang si Glaiza.

Maliban kay Glaiza, ang iba pang malalapit na kaibigan ni Angelica ay sina Bela Padilla at Kim Chiu na present sa kasal niya sa LA California.

Larawan mula sa Instagram account ni Kim Chui

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement