Angelica Panganiban sa mister na si Gregg Homan: “Thank you for carrying the heavier load.”

Gregg punong abala sa pag-aalaga sa anak nila ni Angelica na si Amila matapos ma-diagnosed ang aktres na may avascular necrosis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban may appreciation post sa husband niyang si Gregg Homan ilang araw matapos silang maikasal.

Mababasa dito ang sumusunod:

Appreciation post ni Angelica Panganiban sa husband niyang si Gregg Homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Ilanga raw matapos maikasal, may maikli ngunit sweet na mensaheng ibinigay si Angelica Panganiban sa husband niya na ngayong si Gregg Homan. Ito ay kaniyang ipinost sa Instagram kalakip ang mga kahanga-hangang larawan ni Gregg bilang ama sa anak nilang si Amila o Bean kung tawagin.

“The dad series

Dada, thank you for everything that you do. Thank you for carrying the heavier load. I appreciate you. I love you.”

Ito ang caption ng post ni Angelica na may series of photos ng mister na si Gregg habang karga ang anak nilang si Amila.

Health condition ni Angelica

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Matatandaang na-diagnosed na may sakit na avascular necrosis si Angelica. Ito ay isang uri ng bone disease na kung saan namatay ang buto sa kaniyang bewang.

Ayon sa aktres, higit sa isang taon na siyang nakakaramdam ng sakit sa bewang na inakala niyang parte lang noon ng kaniyang pagbubuntis. Matapos ngang manganak ay hindi nawala ang pananakit na lalo pang tumindi dahilan para magpatingin na siya sa espesyalista. At doon nga natukoy ang sakit niyang nararanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa sakit ay na-bedrest si Angelica at hindi ngayon puwedeng magbuhat ng mabigat. Kabilang nga sa mga hindi niya mabuhat ay ang anak na si Amila. Kaya naman laking pasalamat niya sa mister na si Gregg na siyang punong abala sa pag-aalaga sa anak nila. Lalo pa ngayon na sila ay nasa ibang bansa parin matapos ang ginawa nilang pagpapakasal nitong December 31, 2023.

Ang kasal nila Gregg at Angelica very intimate na dinaluhan lang ng malalapit nilang kaibigan at pamilya. Ito ay ginanap sa Los Angeles, California.

Larawan mula sa Instagram account ni Kim Chui

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement