X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Angelica Panganiban dalawang linggo matapos masawi ang kaniyang adoptive mother: “Life goes on”

4 min read
Angelica Panganiban dalawang linggo matapos masawi ang kaniyang adoptive mother: “Life goes on”

Aktres nagbigay rin ng sweet na mensahe sa mister niyang si Gregg Homan na nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang.

Angelica Panganiban may positive post ilang linggo matapos masawi ang adoptive mother niyang si Annabelle Panganiban. Ang celebrity mom hindi parin nagbigay detalye tungkol sa ikinasawi ng ina.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Angelica Panganiban post after death of adoptive mother.
  • Birthday message ni Angelica sa mister na si Gregg Homan.
  • Paano mag-deal sa pagkawala ng isang minamahal.

Angelica Panganiban post after death of adoptive mother

angelica panganiban mom with bean

Larawan mula sa Facebook

Nitong Agosto 21 ay marami ang nagulat sa nakakalungkot na balitang ibinahagi ni Angelica Panganiban tungkol sa kaniyang adoptive mother. Si Anabelle Panganiban sa edad na 61-anyos ay pumanaw na. Hindi man nagbigay detalye ang aktres sa naging biglaang pagkasawi ng kaniyang ina, bumuhos ang pakikiramay sa kaniya ng mga kaibigan niya sa showbizness. Habang si Angge nanatiling tahimik sa pagluluksa sa pagkawala ng babaeng nagpalaki sa kaniya.

Makalipas ang dalawang linggo, si Angelica mukhang nakapag-moveon na sa mga nangyari. Base sa kaniyang post ay positibo ang lagay ng pagiisip ng aktres ngayon. Ipinakita niya ito sa pamamagitan ng pag-share ng mga larawan at video nila ng anak niyang si Amila na nag-swiswimming. Ito ang caption ng post ni Angelica.

“Life goes on 🦄🌈🌸🍭.”

 
View this post on Instagram
  A post shared by Angelica P Homan (@iamangelicap)

Birthday message ni Angelica sa mister na si Gregg Homan

ngelica panganiban husband gregg homan

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

Nagdiwang rin kamakailan lang ng kaarawan ang mister ni Angelica na si Gregg Homan. Ang aktres may mensaheng ibinigay sa mister sa kaniyang Instagram account.

“Happy birthday to my husband, best friend, my constant, my rare pokemon, my answered prayer, I love doing life with you Captain Greggy. Adadu forever & ever.”

Ito ang sabi ni Angelica.

Paano makacope-up sa pagkawala ng isang minamahal

angelica panganiban with mom and mother in law

Larawan mula sa Facebook

Pero paano ba madaling makacope-up sa pagkasawi ng isang minamahal? Ito ang ilan sa maari mong gawin.

  1. Tanggapin ang Iyong Nararamdaman

Hayaan mong maramdaman ang sakit, lungkot, galit, at kahit guilt. Ang pagpigil sa emosyon ay maaaring magtagal ng proseso ng pagdadalamhati.

  1. Humingi ng Suporta

Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan: Ibahagi ang iyong mga alaala at nararamdaman sa mga malalapit sa iyo. Ang pagiging bukas ay maaaring magpakagaan ng iyong nararamdaman.

Isaalang-alang ang propesyonal na tulong: Ang isang grief counselor o therapist ay makakatulong sa pag-guide sa’yo sa ganitong mahirap na oras.

  1. Hanapin ang Ginhawa sa Mga Ritwal

Ang mga libing, memorial services, o mga personal na ritwal (tulad ng pagsindi ng kandila, pagbisita sa isang mahalagang lugar) ay maaaring makatulong upang bigyan ng karangalan ang alaala ng iyong mahal sa buhay.

  1. Alagaan ang Iyong Sarili

Kumain at magpahinga: Ang pagdadalamhati ay maaaring makapagpahina sa’yo, kaya mahalaga ang pangangalaga sa iyong kalusugan.

Bigyan ng oras ang sarili upang maghilom: Huwag madaliin ang proseso. Ang pagdadalamhati ay tumatagal ng panahon, at okay lang na hindi agad bumalik sa “normal.”

  1. Magbuo ng Bagong Routine

Ang pag-aadjust sa buhay nang wala ang iyong mahal sa buhay ay maaaring maging mabigat. At ang pagkakaroon ng bagong routine ay makatutulong upang magkaroon ng estruktura at layunin.

  1. Pahalagahan ang Kanilang Alaala

Gumawa ng tribute: Maaaring makahanap ka ng ginhawa sa paggawa ng photo album, pagsulat ng liham sa kanila, o pagtatanim ng puno bilang alaala.

  1. Sumali sa Mga Support Group

Ang pagiging bahagi ng isang komunidad ng mga taong nakaranas ng katulad na pagkawala ay makakatulong sa pakiramdam mo na hindi ka nag-iisa.

  1. Bigyan ng Pag-unawa ang Sarili

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan ng pagdadalamhati. Kaya’t bigyan mo ang iyong sarili ng oras na magproseso sa iyong sariling bilis, nang hindi ikinukumpara ang sarili sa iba.

Ang paghilom ay iba-iba para sa bawat tao, pero ang pagtanggap ng tulong at pagbibigay ng oras para alagaan ang sarili ay makakatulong sa proseso ng paghilom.

 

 

 

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban dalawang linggo matapos masawi ang kaniyang adoptive mother: “Life goes on”
Share:
  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

  • Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

    Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

  • Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

    Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko