Angelica Panganiban mom na si Anabelle Panganiban pumanaw na. Ang balita ibinahagi ng aktres sa kaniyang social media account.
Mababasa dito ang sumusunod:
Pagpanaw ng ina ni Angelica Panganiban
Mula pagkabata ay kilala na ang pangalang Angelica Panganiban bilang isang mahusay na aktres. At sa likod nga ng katanyagan niya ay ang kaniyang ina na laging nakasuporta kay Angelica. Ito ay si Anabelle Panganiban o mas kilala sa tawag na Ebela. Pero nitong nakaraang araw sa Instagram ay ibinahagi ni Angelica ang isang nakakalungkot na balita. Ang kaniyang inang si Ebela ay pumanaw na sa edad na 61-anyos.
View this post on Instagram
Wala pang opisyal na pahayag si Angelica sa dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina. Bagamat ibinahagi nito na noong Agosto 20 lang ito namaalam. Dalawang araw matapos nilang ilabas ang isang vlog na kung saan makikitang kasama pa nila ito sa farm nila sa Subic.
Angelica Panganiban message to her mom
Larawan mula sa Facebook
Sa naging kaarawan ng ina ni Angelica nitong Pebrero ay nagbigay ang aktres na isang mensahe para dito. Ito ay ang paghiling sana ng mas mahaba at malusog na buhay pa para sa kaniyang ina.
“Happy birthday wowa 🤗🧚🏼🤗 we pray for a healthier and longer life! Marami ka pang pangarap at milestone na dapat makita ☺️ we love you! Visit ka na ulit sa subic, tabi na ulit kayo mag sleep ni apo mo 💕.”
Ito ang caption ng post ni Angelica sa Instagram na kung saan makikita si Ebela na karga ang apo niyang si Bean.
Noong ikinasal si Angelica kay Gregg Homan ay mensahe rin siyang sinabi sa ina. Ayon sa aktres, alam niyang masaya ang ina na sa wakas ay natagpuan na ng anak ang tamang lalaki para sa kaniya. Nagbigay pagpapasalamat rin ito sa ina na tinawag niyang kayamanan. Ito ay dahil sa maayos na pagpapalaki at pag-aalaga nito sa kaniya.
Larawan mula sa Facebook
“Mama, alam ko kung gaano ka kasaya. Nauwi ako sa tamang tao. Madalas tayo magbiruan, sinasabi mo na alagaan ko si Gregg at UMAYOS AKO 😉 ang sagot ko naman, maaa, dead na dead yan sa’kin 😂.”
“Ikaw ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sayo ang ipapamana ko sa pamilya ko. Hindi ako perpekto at ideal na anak. Matigas ang ulo ko at madalas nilalaban ko ang mga gusto kong subukan. Pero hindi mo ko pinigilan o sadyang wala ka na lang nagawa.”
“Salamat at hinayaan mo kong subukin ang lahat para sa ikakatapang ko. Mahal kita ma. ❤️”
Ito ang madamdaming mensahe ni Angelica noon sa pumanaw ng ina.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!