TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Insurance
    • Loans
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
    • COVID-19
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping

Angelica Panganiban ready na manganak: “Nakaka-emo 'yong bilis ng mga pangyayari.”

4 min read
Angelica Panganiban ready na manganak: “Nakaka-emo 'yong bilis ng mga pangyayari.”

Cherry Pie Pichache ikinuwento kung paano nagsimula ang love story nina Gregg at Angelica.

Angelica Panganiban feeling emotional sa nalalapit na panganganak ng kaniyang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pakiramdam ni Angelica Panganiban sa nalalapit na panganganak sa kaniyang baby
  • Love story ni Angelica Panganiban at Gregg Homan

Pakiramdam ni Angelica Panganiban sa nalalapit na panganganak sa kaniyang baby

Kitang-kita sa mukha ng aktres na si Angelica Panganiban ang saya sa pagbubuntis. Sa kaniyang mga Instagram post at vlogs ay makikitang nai-enjoy niya talaga ang bagong yugto na ito ng kaniyang buhay.

Sa pinakabago niyang IG stories ay ibinahagi ni Angelica Panganiban ang nararamdaman niya sa nalalapit na panganganak. Habang magkatabi sila ng boyfriend niyang si Gregg Homan sa sasakyan sinabi ng aktres na last two long drives na lang at makikita na rin nila ang kanilang baby.

Kasabay nito ang pagbabalik-Maynila nila para doon hintayin ang pagdating ng kanilang anak.

“Last two long drives love.. then Manila base na tayo waiting for our bean.. pagbalik natin ng Subic, may bitbit na tayong baby.”

Ito ang sabi ni Angelica sa kaniyang IG stories.

Angelica Panganiban ready na manganak: Nakaka-emo yong bilis ng mga pangyayari.

Dagdag pa niya, feeling emotional siya sa bilis ng pangyayari. Pero handang-handa na salubungin ang kaniyang baby.

“Nakaka-emo ‘yong bilis ng mga pangyayari. But at the same time, game na game na ‘ko matapos to.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Nito nga lang ding nakaraang linggo ay nagsagawa ng baby shower si Angelica at Gregg. Si Angelica hindi lang basta masaya para sa anak pero para rin sa kaniyang sarili.

“Nangyari din sa buhay ko ang magkaroon ng sariling baby shower. Napakasarap sa pakiramdam ang makasama ang mga pamilya, kaibigan at kapamilya na tunay na masaya at nakasuporta sa pinakamahalaga at pinakapinangarap kong papel sa buhay ko. Napakadami namang nagmamahal samin.”

Ito ang caption ng post ni Angelica tungkol sa ginanap nilang baby shower.

angelica panganiban pregnancy and baby shower

Sa pinakabago nilang vlog ay ibinida nina Angelica at Gregg ang kanilang baby shower. Sila mismo ang nag-organize nito na pag-amin ni Angelica ay naging challenge ito sa kanila ni Gregg.

“Noong una sanay lang kami na maki-party. Hindi kami sanay na kami na ang magho-host ng party. At baby shower pa ‘yong unang party na ihohost namin. So ‘yon bagong bago to sa amin. So thank you sa pag-intindi.”

Ito ang mensahe ni Angelica sa kanilang mga bisita.

Love story nina Angelica at Gregg

Sa parehong event ay present naman ang naging tulay sa pagmamahalan ni Angelica at Gregg. Ito ay ang aktres na si Cherry Pie Picache na nagkuwento rin tungkol sa kung paano nagsimula ang love story ng dalawa.

Kuwento ni Cherry Pie, tumagal ng isang taon ang pagrereto niya kay Gregg at Angelica na magkakilala. Sina Angelica at Gregg kasi, kapwa ayaw daw sa formal date kaya hindi ito mangyari. Pero si Gregg pagbabahagi ni Cherry Pie ay matagal na daw crush si Angelica.

angelica panganiban pregnancy and baby

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

“To make the long story short one year tapos itong si Angge napaka-arte. Kasi pareho sila ayaw nila ng formal date so ang tagal. God works in mysterious ways.”

“So nagkaroon kami ng lock-in sa Subic so sabi ko, ito na kailangan magkakilala na talaga kayo. Kahit magkape nalang kayo. Basta magkakilala kayo bahala na kayo kung ayaw niyo o gusto niyo.”

Ito ang natatawang kuwento ni Cherry Pie. Matapos nga ng magkakilala sila ay doon na nagsimula ang kanilang pagmamahalan. Si Cherry Pie very happy para kay Angelica at Gregg.

“I think parang its meant to be, written in the stars na magkakilala kayo. I am so happy for Angge  kasi she deserves all the love that she is experiencing now. Deserve tapos magiging mommy na siya. Tapos kay Gregg din, because Gregg is such a good man.”

Ito ang sabi pa ni Cherry Pie.

Matatandaang Marso nitong taon ng ibahagi ni Angelica ang magandang balita na siya ay nagbubuntis. Ang aktres labis ang kasiyahan na siya ay magiging isa ng ina at thankful na nangyari ang pangarap niya ito kasama ang tamang tao sa katauhan ng boyfriend niyang si Gregg.

“Napakatagal kong hinintay ito. At wala naman akong pinaganarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. ‘Yon naman muna siguro ang gagawin ko.”

“Napaka-suwerte ko na dumating siya sa tamang tao, sa tamang timing, tamang mga tao ang mga nasa paligid ko para intindihin at suportahan ako sa maganda at bagong journey at bagong chapter ng buhay ko.”

Ito ang masayang sabi pa ng aktres at expectant mom na si Angelica Panganiban noong malaman siyang ay nagdadalang-tao.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

YouTube

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Irish Mae Manlapaz

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban ready na manganak: “Nakaka-emo 'yong bilis ng mga pangyayari.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Pregnancy
  • Parenting
  • Lifestyle Section
  • FAMILY & HOME
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Become a Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it