Cherry Pie Picache at Edu Manzano, ibinahagi sa isa nilang vlog ang kanilang pagnanais na magkaroon pa rin ng anak sa isa’t isa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Cherry Pie Picache at Edu Manzano nais magkaroon ng anak
- Ano ang best age para magka-baby?
Cherry Pie Picache at Edu Manzano nais magkaroon ng anak
Masaya at matapang na pagsagot sa mga tanong mula sa supporters ang kanilang paraan upang maipasilip sa mga netizens ang ilang bahagi ng kanilang relasyon. Sa isang vlog ay sinagot nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ang mga tanong na nagpapakilig sa kanilang viewers.
Kilala ang dalawa bilang mga batikan na sa larangan at industriya ng showbiz. Kumpara sa iba ay hindi na sila ganoon kabata dahil malalaki na rin ang kanilang mga anak mula sa dati nilang partners.
Dahil rito, pati na sila ay hindi in-expect na ganito kasayang tatangkilin ng mga tao ang kanilang relasyon at love team. Gaya ng pagkakilig ng mga tao, ganoon din ang kilig at saya na nararamdaman nila sa isa’t isa.
Inamin ng dalawa na pareho sila romantic, ngunit sa magka-ibang paraan lamang. Pagbabahagi ng aktor na si Edu,
“We find romance in everything.”
Cherry Pie Picache at Edu Manzano o ang PieDu loveteam .| Larawan mula sa Instagram account ni Cherry Pie Picache
Ayon kay Cherry Pie, hanggang ngayon ay ugali pa rin ni Edu ang lagi siyang sopresahin. Sinosorpresa siya ng kaniyang kasintahan sa paraan at pagkakataong hindi niya ine-expect kaya mas lalo siyang kinikilig.
Ngunit siyempre, hindi laging masaya. Inamin din ng dalawa na kung minsan, nagkakaroon pa rin sila ng bahagyang tampuhan.
“Kung mayroon tayong hindi pinagkakaunawaan, we settle it right away,” pagbabahagi ni Edu Manzano.
Dahil para sa aktor, walang sense kung patatagalin pa ang hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon. Ayon kay Cherry Pie, ang partner na si Edu ‘yong tipo ng karelasyon na higit na pinipiliing hindi patagalin ang problema at gusot sa relasyon upang magkaayos agad.
Bukod dito, ibinahagi rin ng dalawa na ay nai-inspire sa isa’t isa na maging better person. Ayon kay sa aktres,
“Your partner comes into your life not to complete you. Kasi dapat buo ka para nang sa ganon, mas mashe-share mo pa ‘yong sarili mo ng buo.”
Ang isa sa mga intensyon ng dalawa ay maging better version ng kanilang sarili at matulungan ang isa’t isa na mas mapagbuti ang bawat isa.
Cherry Pie Picache at Edu Manzano o ang PieDu loveteam .| Larawan mula sa Instagram account ni Cherry Pie Picache
Samantala, nang humantong sa usapin ng pagkakaroon ng anak sa isa’t, “Who wouldn’t want baby?” ang naging patanong na tugon ni Edu. Tila ready at gusto rin ng aktor ang magkaroon ng supling sa nobyang si Cherry Pie.
Sabi pa ng aktres,
“It would be nice, siguro ang ganda ng anak natin ‘no?”
Kung nais ni Edu, tila mas nais ni Cherry Pie. Dahil ayon sa kaniya, isa pa lamang ang kaniyang anak at masaya niyang tatanggapin kung magkakaroon muli siya baby sa kasalukuyang partner na si Edu.
Bagama’t may edad na ang aktor, magpa-hanggang ngayon ay nangangarap pa rin siyang makapagsayaw ng babaeng anak oras na magdiwang ito ng ika-18 niyang kaarawan. Ayon sa kaniya, hindi niya ito nagawa sa anak na si Addie.
Samantala, matapang na sinabi ni Cherry Pie na handa siyang gawin ang lahat para kay Edu at para sa kanilang relasyon.
“I’ll do everything for you,” sambit ng aktres.
Cherry Pie Picache at Edu Manzano o ang PieDu loveteam .| Larawan mula sa Instagram account ni Cherry Pie Picache
BASAHIN:
Dingdong Dantes sa pag-manage ng pera nila ni Marian: “Ibigay lahat sa asawa!”
Heart Evangelista sa bagong bili niyang Hermès bag: “This is declared to my husband and I worked hard for it so wala na siyang magagawa.”
Edu Manzano on relationship with Cherry Pie Picache: “Napakaikli ng buhay.”
Ano ang best age para magka-baby?
Ang babae ay maaaring magbuntis at magdalang-tao mula sa kaniyang pagdadalaga. Ito ay mula nang siya ay magkaroon ng buwanang dalaw hanggang sa siya ay mag-menopause na.
Ang average na reproductive years ng kababaihan ay mula 12 hanggang 51 taong gulang. Samantala, bumababa naman ang fertility ng babae habang siya ay nagkaka-edad.
Ayon sa mga eksperto, ang best time para magbuntis ay sa pagitan ng late 20s at early 30s. May kinalaman ang edad para sa pagkakaroon ng best outcome sa iyo at sa iyong magiging baby.
Ang iyong edad ay isa sa mga salik na dapat mong tignan bago ka pa man magdesisyon sa pagbubuntis. Bukod rito, kailangan mo din i-consider ang iyong emotional at financial readiness sa pagpapamilya.
Ang timing ay unique para sa bawat babae.
Paano nakakaapekto ang edad ng babae sa kaniyang fertility?
Ang mga kababaihan ay ipinanganak na may dalawang milyong eggs sa kanila. At ang bilang ng mga egg na ito ay bumababa habang lumilipas ang panahon.
Sa edad na 37, mayroon ka na lamang na 25,000 eggs na natitira. Sa na 51, mayroon ka na lamang na 1,000 eggs na natitira. Kung susumahin at tila marami pa din ang mga ito, subalit ang quality ng egg ay bumababa habang ikaw ay tumatanda.
Ang chance ng iayong pagbubuntis ay naka-depende sa iyong edad.
- 18% sa edad na 25
- 16% sa edad na 30
- 12% sa edad na 35
- 7% sa edad na 40 pataas.
Samantala, may ilang benepisyo rin ang late na pagkakaroon ng baby. Dahil rito, mas marami ka pang panahon upang magipon, i-establish ang inyong relasyon, at maging financially secure para sa inyong anak.
Bukod pa rito, ayon sa pag-aaral, ang mga babaeng nanganganak ng nasa edad 40 patass ay bumaba ang kanilang risk magkaroon ng uterine cancer.
Kung ikaw ay may concern tungkol sa iyong kakayahang magbuntis, komunsulta lamang sa iyong gynecologist o bumisita sa fertility specialist.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!