Cherry Pie Picache at Edu Manzano, sinagot sa vlog ang ilang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Cherry Pie Picache at Edu Mazano love story
- 4 Benefits ng pakikipag-date
Cherry Pie Picache at Edu Mazano love story
Sa isang vlog kasama ang anak ni Edu na si Luis Manzano ay ibinahagi ng dalawa na hindi lamang nitong nakaraan nagsimula ang kanilang relasyon.
Ayon kay Cherry Pie,
“2 decades ago.”
Mahigit 20 taon ang nakalipas nang magsimula ang kuwento ng kanilang pagmamahalan.
“Hindi niya ako makalimutan,” pagbibiro pa ng aktres.
Inamin ng dalawa na noon pa man ay nagde-date o lumalabas-labas na sila. Ngunit ang kanilang romantic relationship ay napalitan ng friendship paglipas ng panahon.
Sa loob ng dalawang dekada, hindi nawala ang kanilang pagkakaibigan. Marami pa ring pagkakataon kung saan silang dalawa’y muling pinagtatagpo at nagkakasama.
Sa maraming taong pagkakaibigan, hindi naman maitatanggi ng dalawa na kahit sila lamang ay magkaibigan, hindi pa rin nawala ang espesyal na nararamdaman sa isa’t isa.
Ayon kay Edu,
“We knew that we still like each other”
Kaya naman nitong nakaraang taon lamang ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon sa mga tao. Muli nilang itinuloy ang naudlot nilang relasyon, dalawang dekada na ang nakakalipas.
Larawan mula sa Instagram account ni Cherry Pie Picache
Itinuturing naman ni Cherry Pie na “answered prayer” ang kasalukuyang relasyon nila ng aktor. Bakas sa mukha at ngiti ng dalawa ang saya at pagmamahal para sa isa’t isa.
Samantala, sa isang vlog mula sa Youtube channel ni Cherry pie na pinamagatang “Get to know more about me and Edu! #AskPieDu” ay sinagot nila ang ilang mga katanungan mula sa netizen.
“I’m very very grateful and very thankful for all his support. Guys, help me welcome Mr. Edu Manzano,” pagpapakilala ni Cherry pie sa kaniyang nobyo.
Sa vlog na ito ay sinagot nila kung bakit hindi sila natakot i-take yung risk ng pagiging in love at pagpasok sa seryosong relasyon. Dahil para kay Edu Manzano,
“Alam niyo, totoo, napakaikli ng buhay. Enjoy life.”
Kaya naman sinulit ng dalawa ang pagkakataon magmahal at mag-commit sa kanilang relasyon. Para sa dalawa, hindi lang pagiging in love ang mahalaga sa kanila kundi ang pagiging magkarelasyon.
Ayon sa aktor, “very youthful” ang pagiging in love. Subalit ang pagpasok sa relasyon ay nagpapakita ng willingness na mag-commit sa tao at responsibilidad.
Hindi kailanman humadlang sa kanila ang edad. Sa vlog na ito ay masaya nilang ibinahagi ang ilang mga kilig moments sa kanilang relasyon.
BASAHIN:
Edu Manzano on romance with Cherry Pie Picache: “We know what’s best for each other without having to say so.”
Pauleen Luna sa relasyon nila ni Vic Sotto: “A lot of people didn’t want us to succeed.”
10 senyales na hindi healthy ang relationship niyong mag-asawa
Pagbabahagi ni Edu,
“Everyday is a kilig moment.. Everything you do, kinikilig ako.”
Walang tiyak na pagkakataon na nabanggit ang aktor kung kailan siya labis na nakaramdam ng tuwa at kilig sa nobya. Dahil para sa kaniya, ito ay normal na pangyayari lamang sa araw-araw.
Larawan mula sa Instagram account ni Cherry Pie Picache
Kasabihan nga ng marami, the way to a man’s heart is through his stomach. Tila ganon din ang kalakagayan ng dalawa. Dahil ibinahagi rin ng aktor na labis niyang nagugustuhan at siya ay masaya sa bawat putaheng inihahain sa kaniya ni Cherry Pie.
Bukod pa rito, nabanggit din ng aktres ang kanilang balak na mag-travel sa iba’t ibang lugar kasama si Edu. Ayon sa kaniya,
“’Di ba sabi nila, doon mo talaga makikilala ‘yong tao ‘pag nag-travel na kayo? We’d really want to travel a lot and to see places.”
Gusto pa ‘di umano ng dalawa na makaranas pumunta sa iba’t ibang lugar upang mag-explore at makagawa ng panibagong experience.
Ayon kay Pie, plano rin nilang balikan ang mga lugar na napuntahan na nila ngunit sa pagkakataong ito, sila ay magkasama na “to make it more special.”
Larawan mula sa Instagram account ni Cherry Pie Picache
Samantala, labis-labis naman ang tuwa at pasasalamat ng dalawa sa naging pagtanggap ng mga tao sa kanilang relasyon at love team na tinatawag nilang PieDu.
“We’re very thankful and na-touch kami,” sambit ng aktres.
Ayon kay Cherry Pie, hindi ito ang inexpect nila mula sa mga tao. “Sobrang positive” ang naging pagtanggap ng netizen ng kumpirmahin nila ang kanilang relasyon.
4 benefits ng pakikipag-date
1. Nakakatulong ito upang ikaw ay higit na maging masaya
Kapag ikaw ay nasa maayos, healthy, at supportive na relasyon, malaking ang naitutulong nito upang higit kang maging masaya.
Ayon sa pag-aaral, mayroong epekto ang pagiging in love sa iyong oxytocin level. Kaya kapag kasama mo ang iyong partner ay nakakaramdam ka ng comfort at mas maayos na mood.
2. Nakakabawas ng stress
Sa kabila ng maraming kasabihan na ang pakikipagrelasyon ay ang numero unong pinanggagalingan ng stress. May ilang pag-aaral rin ang nagpapatunay na maraming tao na nasa loob ng relasyon ang less stress kumpara sa mga single.
3. Nakakatulong upang makaiwas sa heart attack
Ginagamit ng mga tao ang puso bilang metapora ng pagmamahal at affection. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang pagkakaroon ng maayos na relasyon ay may literal na positibong epekto sa puso.
Ayon sa pag-aaral, mas mababa ang risk ng pagkakaroon ng heart attack sa mga taong kasal at nasa loob ng isang seryosong relasyon.
4. Mas madaling makatulog
Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa University of Pittsburgh, kung ikaw ay natutulog katabi ang iyong partner, higit na madali kang makakatulog.
Dahil ang pagtulog katabi ang iyong partner at nakakapagpababa ng cortisol, na nakakatulong upang ikaw ay magkaroon ng mas maayos na tulog.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!