Heart Evangelista bumili ng bagong Hermes na bag na ipinagpaalam niya daw muna sa mister niyang si Chiz.
Mababasa sa artikulong ito:
- Heart Evangelista sa pagbili niya ng bagong Hermes na bag.
- Birthday ni Heart at anniversary nila ng mister na si Chiz Escudero.
Heart Evangelista bumili ng bagong Hermes na bag
Image from Instagram
Nitong nakaraang linggo ay nagpunta si Heart Evangelista sa City of Love para dumalo ng Paris Fashion Week. Doon ay ibinida niyang muli ang kaniyang galing sa pagdadamit at pagdadala ng mga fashion pieces.
Pero maliban sa pagdalo sa mga fashion shows bumisita rin si Heart sa mga luxury boutiques tulad ng Cartier at Hermès na ayon sa kaniya ay ipinaalam niya sa kaniyang mister na si Chiz Escudero.
Sa kaniyang vlog na inupload noong February 11, ay ibinahagi ni Heart na sa kaniyang pagbisita sa Paris ay bumili siya ng bagong Hermès bag. Ito raw ay dahil na rin sa rekumendayon ni Michael Coste, executive director ng Hermès Paris.
“Dapat magpalit na daw ako ng bag sabi ni Michael so I am changing my bag. He said that, he got this bag for me to match my outfit. I am so excited.”
Ito ang masayang sabi ni Heart habang binubuksan ang packaging ng bagong biling bag.
Dagdag pa nga ni Heart, bago niya bilhin ang bag ay ipinagpaalam niya muna ito sa kaniyang mister na si Chiz.
“This is official. This is declared to my husband, and I worked hard for it so wala na siyang magagawa.”
Ito ang sabi pa ni Heart habang tuwang-tuwang ibinida ang kaniyang bagong Hermès Mini Kelly II na tila rare edition at gawa sa crocodile skin.
Ayon sa 1stdibs.com, ang asking price nito ay $98,933.07 o tumataginting na higit limang milyong piso.
Image from YouTube video
BASAHIN:
Heart Evangelista sinabihan ang basher na nagtatanong kung bakit ‘di pa siya nabubuntis: “not your uterus”
Chiz Escudero on usual fights with Heart: “Pag hindi na kayo nag-aaway, ibig sabihin wala ng pagmamahal”
Heart Evangelista, kayang patawarin ang cheating “but I won’t give them a happy ending”
Heart Evangelista birthday celebration
Image from Instagram
Samantala, pagbalik ni Heart mula sa Paris ay naging abala naman siya sa paghahanda para sa kaniyang kaaarawan nitong February 14.
Pero bago pa man ang mismong araw ng kaniyang birthday, makikita sa Instagram post ni Heart na nag-celebrate na siya ng kaniyang birthday kasama ang mister na si Chiz at ilang malalapit na kaibigan noon palang February 13.
Ito ay black and white themed party na kung saan makikitang very happy si Heart na nagbloblow ng cake katabi ang mister na si Chiz.
Sa mismong araw naman ng kaniyang birthday, ay nag-party si Heart kasama ang kaniyang mga kaibigan. Siya ay very sexy sa suot niyang golden sheer dress na may thin-high slit na tinernuhan niya ng black lingerie.
“To be surrounded with the best of the best on my birthday, grateful for a whole village of angels, smiling heart that’s me. #LM37”
Ito ang sabi ni Heart sa kaniyang Instagram account. Siya ngayon ay 37 years old na.
View this post on Instagram
Heart Evangelist at Chiz Escudero 7th wedding anniversary
View this post on Instagram
Kahapon ay may isa pang special na moment sa kaniyang buhay ang ipinagdiwang ni Heart. Ito ay ang 7th wedding anniversary nila ng mister na si Chiz.
Ayon sa IG post ni Heart kahapon ay bumalik sila sa kung saan nagsimula ang lahat 7 years ago. Ito ang lugar kung saan sila ikinasal at nagcecelebrate ng kaniyang anniversary sa ngayon, sa Balesin Island, Polilo, Quezon.
Narito ang mensahe niya sa mister na si Chiz para sa kanilang 7th wedding anniversary.
“Back to where it began. Has it really been 7 years?
Happy anniversary to the best husband anyone could ask for. Whenever I tell people that I don’t think I’ll be able to find anyone like you, I mean it with all my heart. You’re the only one for me, my best friend and my one true love!
Thank you for all the wisdom you have taught me, for being a good father, and a great partner to me. I thank God for you and the way you hold my hand in every step of the way. I’ll always be here right by your side.
Cheers to 7 years and a lifetime more of our story!🥂 @escuderochiz”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!