Narito ang update sa relasyon ni Heart Evangelista at Chiz Escudero matapos ang anim na taong nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Relasyon ni Heart Evangelista at Chiz Escudero sa ngayon.
- Pananaw ni Heart at Chiz tungkol sa cheating.
- Pagiging step mother ni Heart sa mga anak ni Chiz.
Relasyon ni Heart Evangelista at Chiz Escudero
Sa pinaka-latest na vlog entry ng kilalang TV host na si Karen Davila ay itinampok niya ang isa sa hinahangang couple dito sa Pilipinas.
Ito ay ang mag-asawang si Heart Evangelista at ngayon ay Sorsogon Governor Chiz Escudero. Sa kanilang naging pag-uusap ay ibinahagi ng mag-asawa ang mga naging pagbabago sa buhay nila simula ng sila ay magsama.
Pati na kung ano ang say nila kung ang isa sa kanila ay magtsi-cheat sa kanilang relasyon.
Heart papatawarin pa rin si Chiz kung sakaling mag-cheat ito sa kaniya
Para kay Chiz, deal breaker ang malaman niyang nagtsi-cheat sa kaniya si Heart. Pero para kay Heart ang pananaw niya dito ay taliwas kay Chiz.
“Cheating, I don’t think it will be a deal-breaker for me. He had struggles in his past relationships that he got married so that’s serious and I’ve never gotten married so I don’t really know how that feels.”
Ito ang pahayag ni Heart na kung saan sa maikling salita ay papatawarin pa rin si Chiz kung sakaling ito ay nambabae. Dahilan ni Heart ito ay dahil hindi niya lang basta mahal si Chiz bilang asawa kung hindi bilang isang kaibigan na rin.
Pero si Heart may pabirong babala. Kung sakali man umano na mahuli niya ang asawa na nangangaliwa ay hindi niya bibigyan ng happy ending ito kasama ang mistress niya.
“Because I love him I don’t love him as a lover I love him also as a friend. Ibig sabihin like, so you guys are going to have your happy ending? No! I’m gonna stay with you till the end.
You know I’m not going to be cruel I’m still gonna be very loving and but you know, I’m not gonna give you your happy ending. I’m staying.”
Ito ang pabirong sagot ni Heart sa kung sakaling mahuhuli ang mister na si Chiz na niloloko siya kapalit ng ibang babae.
Image from Heart Evangelista’s official Facebook account
Chiz nagseselos pa rin sa mga ex ni Heart
Kasunod nito ay napag-usapan naman kung nagseselos pa rin ba si Chiz sa mga ex ni Heart. Sagot ni Chiz ay hindi, pero si Heart ay sinabing hindi ito totoo at may ibinahagi pang nakakatawang kuwento tungkol sa mister.
“The biggest lie ever you know. Check his phone. Look at this YouTube. Look at the history or sa smart TV. Nakakaloka, sabi ko ‘Bakit ito ‘yong nag pop-up sayo?’ Kasi algorithm ‘di ba? Sabi niya, ‘Ewan ko ba hindi ko naman pinanood yan.’ Darling, may red line all the way to the end ‘yong buong 15 minutes interview pinanood mo tapos tawa lang siya ng tawa.”
Ito ang nakakatawang kuwento ni Heart sa pagseselos ng mister na si Chiz.
BASAHIN:
Heart Evangelista recalls miscarriage, “worst day of my life”
Heart Evangelista’s advice on marriage life: “If you go to the toilet, close the door.”
Adulting 101 with Heart Evanglista at Chiz Escudero
Pagiging stepmother ni Heart sa mga anak ni Chiz
Mukhang mang perfect ang relasyon nilang mag-asawa, ayon kay Heart ay naging mahirap din sa kaniya ang lahat noong una. Partikular na ang pakikihati ng oras at atensyon sa kambal na anak ni Chiz sa una nitong asawa.
“In the beginning I was really having a hard time like umiiyak talaga ako. Because I’m so young in the mind, I’m super sheltered.
I don’t know anything and then all of a sudden now I can finally make out freely with my husband. Pero hindi pwede kunwari dahil kambal yung anak niya.”
Kuwento ni Heart, sa katagalan ay na-overcome niya naman ito at na-realize niyang siya ay hindi dapat nakikikumpetensiya sa mga anak ni Chiz. Sa katunayan, sa ngayon ay magkasundo sila ng mga anak ni Chiz na maaring dahil umano sa halos pareho ang mga hilig nila.
“Mas malapit ‘yong generation nila. So the things that they like roughly she likes, the things that they know of and are excited about she is too.”
Ito ang sabi ni Chiz tungkol sa relasyon ni Heart sa kaniyang mga anak.
Para naman kay Heart ay hindi niya pinipilit na maging ina sa mga anak ni Chiz. Masaya siya na maging “Tita Heart” para sa kanila na very special na para sa kaniya.
Image from Heart Evangelista’s official Facebook account
Prenup agreement ng mag-asawa para rin umano sa mga anak ni Chiz
Taong 2015 ng ikasal sina Heart at Chiz na naging usap-usapan sa buong bansa. Ito ay dahil maliban sa malaking agwat sa kanilang edad ay naging matunog ang pagkakaroon nila ng prenup agreement.
Sa naturang agreement ay nakasaad ang malinaw na hindi nila pakikialaman ang pera ng isa’t isa. Ayon kay Heart, ito ay proteksyon hindi lang para sa kaniya, kung hindi para narin sa mga anak ni Chiz.
Pero kung tutuusin, ito ay papel lang umano. Dahil kung sakali man, anuman ang sa kaniya ay may mapupunta rin sa kanila.
“I’ve been working for a long time so meron din ako sarili ko and the only reason why I think it was because para malinis. I
wanted him also to feel na hindi ko din siya gagamitin plus he has also two kids. Gusto ko din na ma-appreciate ng kids niya and they’ll also be protected. But in any case kung ano man ang mangyari, what is mine is theirs too. It’s just all on paper.”
Ito ang pahayag ni Heart.
Heart at Chiz sa pagkakaroon ng anak: “We want one.”
Image from Heart Evangelista’s official Facebook account
Sa ngayon, ay gusto pa rin nila Chiz at Heart na magkaanak ng sa kanila. Bagama’t ayon kay Heart ay tanggap niya rin naman na kung sakaling hindi ito mangyari.
Pero ginagawa naman umano nilang mag-asawa ang lahat para subukan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa isa’t isa sa kabila ng mga busy schedules nila.
“We want one. It’s just the pressure we want to get out of that frame. If it happens it happens and its god’s gift it’s not as if we’re not trying to.”
Ito ang sabi ni Chiz.
Sa kabuuan sa ngayon, ayon kay Heart ay very happy siya sa relasyon nila ni Chiz. Dahil sa tulong ni Chiz ay mas nag-improve siya at mas naging maganda at makahulugan ang buhay niya.
“Honestly, I’m very happy. I thought that after getting married you know my life also would change I thought that because him being in politics I wasn’t able to do certain things. My life flourished and I bloomed because he was so supportive with what I do.”
Ito ang sabi ni Heart.
Source:
YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!