Heart Evangelista sinagot ang basher na nagtatanong kung bakit hindi pa siya nabubuntis. Alamin ang buong kwento rito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Heart Evangelista sinagot ang basher kung bakit ‘di pa siya nabubuntis
- Heart sa pagkakaroon ng baby
- Miscarriage ni Heart Evangelista noong 2018
Heart Evangelista sinagot ang basher kung bakit ‘di pa siya nabubuntis
Sa isang post ni Heart sa kaniyang Tiktok account may nagtanong sa kaniya kung bakit hindi pa siya umano nabubuntis.
Sabi ng basher, “bat di pa kayo magka-anak?”
Sinagot naman ito ni Heart, ayon sa kaniya,
“Ayoko eh.” na may caption na “Kulit ha.” Dagdag pa niya, “Chill. Not your Uterus.”
Reply to @judy_arbondad
♬ original sound – Heart Evangelista – Heart Evangelista
Pahayag pa ng aktres, “Can anyone teach you manners?
Marami naman ang sumuporta na netizen kay Heart, comments ng mga netizens:
“May mga tao lang talaga na gustong mangpikon. wag na lang pa apekto as long as masaya ka sa buhay mo hayaan mo na mga taong wala magawa sa buhay nila” – Noreen Rabino Disepeda
Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista
Heart sa pagkakaroon ng baby
Mula noon pa man ay marami nang nagtatanong at nangba-bash kay Heart patungkol sa pagkakaroon niya ng baby. Ayon sa mga netizen bakit hindi pa raw siya magka-anak? May nagsabi pa noon na “Sayang lang ganda ng katawan, hindi mabuntis ng asawa”.
Kaya naman para kay Heart hindi na iba ang ganitong komento. Pero sa isang panayam ni Karen Davila sa kanila noon ni Chiz Escuedero sa YouTube Channel nito noong nakaraang taon.
Sinabi ni Heart na sisubukan naman nila ni Chiz magkaroon ng anak. Pero pahayag niya pa, “If it doesn’t happen, okay lang din.”
Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista
BASAHIN:
Heart Evangelista, kayang patawarin ang cheating “but I won’t give them a happy ending.”
Kris Aquino: “Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body, heal my broken heart.”
Heart Evangelista’s advice on marriage life: “If you go to the toilet, close the door.”
Miscarriage ni Heart Evangelista noong 2018
Noong 2018 ibinahagi ni Heart na nakunan siya sa una nilang anak ni Chiz, ayon sa kaniya napakasakit umano ang pangyayaring ito sa kaniyang buhay.
“Having a miscarriage is the most traumatizing feeling. I carried my twins 4 months after because my doctor wanted me to naturally go through the process.
It was the most horrible feeling thinking maybe God can bring them back to me . Or me thinking am I not a good person for this to happen”
Sobrang excited niya umanong magkaroon nang anak noon. Kaya naman sa pagsisimula pa lamang noong pagbubuntis niya ay bumili na siya ng mga gamit para sa kaniyang baby. Mayroon na rin umanong kwarto ang mga ito at naisipan niya na ng pangalan.
“Having babies is for sure a blessing or just actually being able to feel that you can love someone even if you haven’t met them. I had a stroller, a baby room and a name. My babies already had a life prepared for them.”
Mahirap ang kaniyang pinagdaanan. Pero tinanggap ito ng aktres at naniniwala siya na ipagkakaloob ito ng Diyos sa tamang oras.
Sa isang pahayag pa ni Heart sa kaniyang Ingstagram account noon sinabi niya,
Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista
“Now me trying after a year or so is my choice but me not having a baby as of the moment is Gods choice and I wouldn’t want to question that – now coming to my ig and posting a comment on a pic that has nothing to do with that is hurtful.
To even ask or shove it down my throat is unthinkable or doesn’t say much about you as a woman. Is it because people like to hurt others nowadays just to make their lives seem better?
Baby or not I am very happy with my life. I have a loving family, a HOME. A solid relationship with God. Contentment is what I have and that my dear is hard to achieve.”
Source:
YouTube, Tiktok