Angelica Panganiban nang malamang buntis siya: "Mababaliw ako."

Sa isang post ng kaibigan ni Angelica Panginiban na si Alora, ibinahagi nito ang reaksyon ng aktres ng malamang pregnant siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa wakas, ganap nang magiging ina ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa nobyo nitong si Greg Homan. Alamin ang balita ng first pregnancy ng aktres sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Angelica Panganiban ng malamang pregnant siya
  • 5 tips para sa mga time mom

Angelica Panganiban ng malamang pregnant siya

Noong nakaraang araw, ibinahagi ni Angelica Panganiban na siya’y pregnant na sa kaniyang 1st baby ni Gregg Homan. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account.

Reaksyon ni Angelica nang malamang pregnant siya. | Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Pagbibiro rin niya sa caption,

“Opo, may matres ako mga baklaaah!” 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumusuporta at nagdadasal para sa kanyang unang baby.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. May pamilya na ko. Kaiyaq pramis.”

Bukod sa aktres ay nagbahagi rin ng larawan ang kanyang mga malalapit na kaibigan, isa na rito si Alora Sasam. Pinost ni Alora ang picture nila ni Angelica na magkayakap kasama ang convo nila kung saan tinatanong niya kung ano ang ipapatawag nito sa magiging anak. Sinagot ito ni Angelica ng, “Ang Mamah.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa video na ibinahagi ni Alora tinanong niya kung masaya ba si Angelica, sagot ng aktres, 

“Hindi ko pa alam, mababaliw ako.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa post din ni Alora ay binati niya ang aktres, pagbabahagi pa niya,

Sakit panga ko kakangiti habang pinagmamasdan kang in shock, iyak-iyak, excited, ‘di mapakali na ewan. At Hirap itago ah!”

Sinabi rin niyang excited na siyang makatrabaho, pero ayos lang daw na matagalan dahil matagal nang pangarap ni Angelica Panganiban ang maging isang ina.

Hiniling din ni Alora na maging healthy ang aktres, “Stay healthy and have a happy roller coaster paglilihi. I love you kaayo as in…haaay Ang saya saya!!!!!!” dagdag niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magse-celebrate na ng pangalawang taon ng anibersaryo si Angelica Panganiban at Gregg Homan sa July. Matatandaang, kinumpirma ng aktres ang espekulasyon ng kanilang relasyon matapos mag-post ng larawang may kahalikang lalaki.

Isang buwan matapos nito ay ipinakilala niya si Gregg Homan sa pamamagitan ng pagpopost ng selfie na magkasama sila.

BASAHIN:

STUDY: Pregnancy complications iniuugnay sa pagkakaroon ng migraine ayon sa experts

4 major reasons why a woman’s pregnancy due date changes

STUDY: Paninigarilyo habang buntis, nagpapababa ng timbang ng baby kapag ipinanganak na

5 tips para sa mga time mom

Maraming dapat tandaan sa pagiging ina. Lalo na kung ito ang unang beses na ikaw ay magbubuntis. Iyong iba ay naggugugol pa ng malaking oras sa pagre-research tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin kung nagdadalang-tao. Para mabawasan ang time and effort, inilista namin ang ilan dito:

1. Iwasan ang caffeine

Malaki ang health risks sa pagbubuntis ng pag-inom ng inuming may caffeine. Mas mabagal kasi nadidigest ng katawan ang caffeine at napupunta sa placenta sa bloodstream ng baby. May side effects din ito na nakapagpapabalis ng heart rate, high blood pressure, at stimulated nervous system.

Isa ito sa nagiging dahilan kung bakit mayroong malaking chance ng miscarriage. Subukang palitan ito sa decaffeinated na herbal tea o kaya ay kumonsulta sa mga eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Mag-ehersisyo

Ang regular na pag-eehersisyo ay makakatulong upang malabanan ang body pain at mood swings na kasama ng pagbubuntis. Nakababawas din to ng back pain, nakatutulong sa blood circulation, at nakauunlad ng iyong mood.

Maaaring i-try ang pagsu-swimming, paglalakad, at pagyoyoga. Nakatatataas ng fertility rates, nakabawawas ng stress, at nakapapawi ng pagod.

Mainam na gawin ang pag-eehersisyo dahil pinatitibay nito ang muscles ng katawan upang maging handa sa pagle-labor.

3. Uminom ng maraming tubig

Madaling nagiging dehydrated ang mga buntis. Kailangan din kasi nila ng maraming tubig  dahil nagiging parte ito ng amniotic fluid ng sanggol.  Ang low fluid ay maaaring maglead sa miscarriage, birth defects at paghihirap sa labor.

Ang pag-inom ng at least 10 cups hanggang 8 ounces ng tubig ay nakare-relieve ng pamamaga sa joints at napaflush ang mga toxins.

4. Matulog

Common ang fatigue sa pagbubuntis lalo na sa first trimester. Dadaan kasi sa hormonal changes ang katawan ng isang buntis na makaaapekto sa energy levels niya.

Mainam na i-relax at bigyan ng pahinga ang katawan. Makakatulong ang afternoon nap para manumbalik ang lakas ng katawan.

5. Gumawa ng birth plan

Para maging memorable ang pagiging first time mom, dapat ay well-planned. Magandang bumubuo ng birth plan para maging special at safe ang baby. Bukod sa pakikinig sa payo ng pamilya at kaibigan dapat ay kumonsulta pa rin sa mga propresyunal at magresearch.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva